Chapter 18:Good News
********Gabi na nang makauwi si Cruzien galing sa kompanya. Kaya ang kaninang plano ko na ayain siyang doon mag dinner sa bahay ng parents niya upang sabihin na magkakaanak na kami ay hindi natuloy.
Nandito ako sa silid namin ayo'ko siyang makita nagtatampo ako sa kanya. Excited pa naman ako kanina habang iniisip ang magiging reaksiyon ng mga parents namin tapos hindi naman pala matutuloy.
Kanina niya pa ako pinapatawag kay manang upang maghapunan. At dahil nga sa naiinis ako sa kanya ay hindi ako bumaba. Bahala siyang maghintay diyan.
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito. Agad akong napaismid ng makita ang mukha ng asawa ko. May bitbit siyang tray ng pagkain na alam kong para sa akin.
Nang magtama ang aming paningin ay kaagad akong humiga patalikod sa kanya.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglubog ng higaan. Hudyat na umupo ito.
"I'm sorry, wife. I didn't know that you planned to tell it to our parents kaya hindi ako agad nakauwi," ani nito sa mahinahong boses, ngunit hindi ko parin siya pinansin.
Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Please, wife. Kumain ka na muna skipping your meal are not good for our baby's health," halata sa boses nito ang pag-aalala.
"Promise, wife. Bukas na bukas din pupunta tayo sa bahay nila Mama."
Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng marinig ang kanyang sinabi. "Talaga?!" parang batang tanong ko rito.
Tumango naman siya. "Yeah, wife. Kaya kumain ka na para makapagpahinga na kayo ni baby."
Masigla ko namang sinunod ang kanyang sinabi. Nilantakan ko ang pagkaing dala niya. Halos maubos ko ang lahat ng pagkaing nasa tray dahil sa sobrang sarap at dahil sa gutom narin siguro. Kanina pa kasi ako walang kain.
Matapos kumain ay iniligpit ni Cruzien ang aking pinagkainan at ako naman ay pumasok sa banyo upang mag half bath.
After mag half bath ay nagsipilyo muna ako bago lumabas ng banyo. Naabutan ko si Cruzien na nakaupo sa kama at seryosong nakaharap sa kanyang laptop.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.
"Hubby?" kuha ko sa atensiyon niya. Ngunit patuloy parin ito sa pagtipa sa kanyang laptop.
"Hubby?" tawag ko ulit. Ngunit gaya nu'ng una ay hindi niya ako pinansin.
Sa sobrang inis ko dahil sa hindi niya pagpansin sa akin ay padabog akong nagtalukbong ng kumot at humiga ng patalikod.
Narinig ko ang paghugot niya ng isang malalim na hininga bago isinara ang laptop at inilagay sa bedside table.
Yumakap ito sa akin ngunit kaagad ko ring tinabig ang kanyang kamay.
"Sorry na, wife. May importante lang akong ginagawa–"
"So, kami ni baby hindi importante sayo?!" mabilis na putol ko sa kanyang sasabihin.
"It's not like that, wife. May problema lang talaga sa kompanya and until now ay hindi parin namin malaman kung sino ang nagnakaw ng malaking pera sa kompanya."
BINABASA MO ANG
Love And Agony
General FictionTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...