Chapter 2

13K 271 30
                                    


"Hiara, I want fried chicken for dinner."

"You want fried chicken?" Medyo hindi malinaw ang pagkakarinig ko sa sinabi niya dahil naka focus ako sa movie na pinapanood namin.

Tumingin ako sa kanya at tinanguan niya ako. "Yes, for dinner."

Kumunot ang noo ko. "But we don't have chicken in the fridge anymore."

"Punta tayong market bili tayo."

"Tayo? Pupunta sa market?" Paninigurado ko.

"Yes, I will accompany you.."

Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kanya. "Sigurado ka ba diyan?" Ito ang unang pagkakataon na sasamahan niya akong mamalengke.

"Yes I'm sure." Matagal ko siyang tinignan. "Hiara, let me go with you please."

"Pero baka hindi ka sanay mamili." Nakakunot ang noo at nag-aalinlangang nakatingin sa kanya.

"Samamahan lang naman kita pero ikaw parin ang mamimili.. Payagan mo na ako." Tinignan niya ako ng nagmamakaawa.

Bumuntong hininga ako at nag-isip muna pwro kalaunan ay tumango rin naman ako. I have no choice. Ang hirap niyang tanggihan lalo na kung nagsusumamo siyang nakatingin sa akin.

A wide smile appeared on his face. "Thank you Hiara," mabilis niya akong hinalikan sa labi.

Nagulat naman ako kaya bigla ko siyang natignan ng matalim. "Nasasanay ka na diyan sa kiss na iyan ah." I said and pretended to be angry.

He looked at me as if he had done nothing. Hindi niya din pinansin ang kunwaring galit sa tono ko.

"Kasi gusto ko ng kiss mo," mabilis na sagot niya. "Come on Hiara, let's buy some chicken for dinner."

Nauna na siyang lumabas sa kuwarto kaya wala akong ibang nagawa kundi patayin ang tv at sundan siya sa labas. Pagkalabas ko nga sa bahay ay naabutan kong nakasakay na siya sa kotse.

Nasa driver seat siya nakapuwesto. Ngayon ko lang siya masasaksihang mag maneho ng sasakyan dahil simula noong namalagi ako sa bahay niya ay ngayon lang siya lumabas ng bahay.

"Come on Hiara hurry up." Sigaw niya mula sa loob ng kotse.

Napakamot ako sa ulo. "Ito na po boss excited ka masiyado." Sigaw ko naman pabalik. Nang makasakay ako sa kotse ay nakabusangot ang mukha niya.

"You're so slow," sambit niya at bumuntong hininga pa.

"Why are you in a hurry? Malayo pa naman ang gabi." I said irritable. "At saka marunong ka ba talagang mag drive?"

Nagtataka lang ako dahil simula noon ay hindi pa siya nakakapag maneho.

"Yes, I know." Agad na sagot niya. "I was only fifteen years old when I knew how to drive." He said proudly saka pinaandar na ang sasakyan.

"Who taught you?" Muling tanong ko.

Naging malungkot naman ang itsura niya dahil sa tanong ko.

"Si yaya," maikling sagot niya habang seryosong nakatingin sa daanan.

"Nalulungkot ka ba kasi wala na siya ngayon?" Mahinahong tanong ko para hindi siya mabigla.

Seconds passed before he answered. "Oo, nalungkot at nasaktan ako noong nawala siya. She has been my family since my parents died. She is the only one there for me, no one else."

I smiled bitterly, I could feel his sadness. "Are you still sad until now?" I asked again.

Tumango siya. "I'm still sad, pero hindi na sobra tulad ng dati. Because you are here,
you won't leave me right?" Kalaunan ay tumingin siya sa akin ng nangungusap ang mga mata.

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now