Chapter 6

7.6K 178 1
                                    

“You're mine now, Hiara."

“Oo na Liam saiyo na nga ako." Napakamot ako sa ulo at napa-iling. Masarap pakinggan pero parang nakakarindi na kasi paulit-ulit siya kanina pa.

“Why are you mad?" Kunot noong tanong niya saakin at nagtataka.

“Because you keep saying it, paulit-ulit ka na." Halos hindi ko na nga mabilang kung nakailang ulit na siya.

“But I'm just happy."

“I know you're just happy, but you don't have to say that repeatedly." I said while looking at him. “Masaya rin naman ako."

“Okay sorry, I'm just really happy." He came up to me and hugged me. Napangiti ako ng manahimik na siya at isinandal nalang sa dibdib ko ang mukha niya.

“Now that's better if you will shut your mouth." Tumahimik lang siya at hindi sumagot. Hinimas ko ang mukha niyang nakasandal parin sa dibdib ko.

Niminsan ay hindi pumasok sa isipan ko na magiging akin ang lalaking ito. I still remember the first day we met.

His appearance, face and voice are cold. Hindi niya ako kinakausap at pinapansin noon. I also remember when he said he didn't want me. He hates me before, lagi niya akong tinataboy.

Ayaw niya na pumapasok ako sa kwarto niya. Nagagalit siya kapag kinakausap ko siya. He doesn't want me to come near him.

Ang pagkain niya ay palagi ko lang iniiwanan sa labas ng kwarto niya dahil sabi niya ay doon ko lang iyon ilagay.

At first I didn't know what was wrong with him. Pero habang tumatagal ay doon ko na halata na ayaw niyang may lumapit sakaniya because he thinks that like everyone else I won't like him either.

But one day everything suddenly changed. Nagulat ako ng siya mismo ang kumausap saakin. Nagulat ako nung unang araw na pinapasok niya ako sa kwarto niya.

At mas nagulat ako noong lumabas ako sa kwarto ko at nandon siya sa labas nakaupo. I asked him why he was there outside my room at ang naging sagot niya naman ay gusto niyang samahan ko siya sa kuwarto niya.

And that's where it all started.

I hugged him tightly at hinalikan siya sa noo. “Matulog kana."

“Okay," tanging sagot niya at hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

I looked at his innocent face and smiled. Pinagmasdan ko muna siya bago ako matulog.

Kinabukasan ay mas nauna akong magising sakaniya. Nagulat panga ako dahil madalas ay siya ang nauuna magising saamin.

Dahan-dahan kong inalis ang ulo niya na nakapatong sa braso ko para hindi siya magising. Inalis ko rin ang isang braso niya na nakayakap sa bewang ko.

Bumuntong hininga ako ng makaalis ako sa pagkakahiga ng hindi siya nagigising. I watched his gentle face. Hindi ako mapapagod na pagmasdan ang maamong mukha na ito.

Hinalikan ko siya sa pisngi bago ko mapag desisyonang bumangon na sa kama. I went into the bathroom to brush my teeth and change my clothes.

Saglit lang naman ako sa loob ng banyo dahil mabilis lang naman ang ginawa ko. Paglabas ko nga ang nasa higaan parin si Liam at mahimbing parin na natutulog.

Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Magluluto nalang ako para paggising niya ay kakain nalang siya.

When I got to the kitchen, I immediately looked for something to cook. May nakita akong dalawang pirasong malaking hotdog  at spam sa ref.

Dahil iyon nalang ang laman ng ref namin ay iyon na ang kinuha ko. Alangan namang kuhanin ko ang wala.

I shook my head because of my own thoughts.

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now