Chapter 36

7.5K 148 4
                                    

“You're the CEO, right? What should I call you?" Tumingin ako sa ceiling habang nagsasalita.. “Should I call you boss or sir?" Ngumuso ako at humawak pa sa may baba ko. Siya ang may-ari CEO ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ko, so I should respect him.

I heard him sigh. “If only you could remember, you would never have asked me that."

“Huh? Bakit naman?" Tumingin ako sa kanya.. I saw that he was smiling sadly again.. He was smiling but his whole face was sad. Nawala tuloy ang ngiti ko sa labi nang makita ko ang mukha niya.

Pinagmasdan niya ang buong mukha ko bago niya ako hinila palapit sa kanya. Binigay niya ang balikat niya sa akin para gawin unan. He wrapped his arms around my waist and hugged me tightly.

Hinalikan niya ako sa noo.. “It was epic how we met the first time until we met again the second time."

“Paano ba tayo nagkakilala?"

“Let me ask you first," he caressed my head using his one hand.

“What is that?"

“Why did you apply to my company?"

Ngumuso ako dahil naalala ko nanaman yung tagpo noong nag-apply ako sa kumpanya niya.. Ang yabang ko pa doon tapos nung si Nathan na yung boss ko naging sunod-sunuran nalang ako bigla.

“Kasi gipit ako..." I buried my face in his chest. Nahihiya ako kasi dahil sa pagiging gipit ko kaya ako nag-apply sa company niya kahit wala naman akong alam sa pagiging secretary.

He laughed and hugged me even tighter.. Lalo tuloy humaba ang nguso ko dahil sa pagtawa niya... “That's also your reason when we first met."

“Gipit din ako nung unang magkita tayo?" Lumaki ang mata ko at tumingin sa kanya.

He smiled and nodded. His smile was real now. “You agreed to take care of me even though I'm older than you. Sabi mo kasi gipit ka kaya pinatulan mo na."

"What? Are you serious?" My eyes got bigger. “Wehh niloloko mo lang yata ako."

“Kahit ako, hindi rin makapaniwala." Hindi na maalis ang ngiti sa labi niya. His eyes sparkled with joy. “But I thank god because of that."

“Nagpapa-salamat ka sa panginoon kasi gipit ako?" sumimangot ako. “Naghihirap na nga ako tapos ginaganito mo pa ako—"

“No it's not that," he cut me off. “Nagpapa-salamat ako kasi kung hindi dahil doon ay hindi ulit tayo magkikita."

“Oh edi gano’n din ’yon nagpapa-salamat ka na gipit ako."

His face softened.. “I'm sorry, but I'm really thankful. Buti nalang talaga gipit ka kasi kung hindi, baka hindi narin tayo mag-tagpo. After seven years. I don't expect to see you again. Nawalan na ako ng pag-asang magkikita ulit tayo kaya nga nagpapasalamat ako na nagipit ka ulit."

I just looked at him and didn't say anything. I didn't think that's how fate brought us together the first time and the second time. Nakakahiya, pagiging gipit ko pa talaga ang naging dahilan.

“Are you mad?" He asked gently.

I shook my head. “Hindi naman," sagot ko. “Pero inalagaan ba talaga kita dati?" I suddenly asked, I'm so confused now.. Paano ko siya aalagaan eh nakita ko naman sa video na ang laki-laki niya.

“It's hard to explain..." Malalim ang naging pagbuntong hininga niya..

“Wala bang sounds yung mga kuha ng cctv dito sa bahay mo?"

“Meron pero yung nandito lang sa kuwarto."

“Gusto ko makita at marinig yung mga video natin dati."

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now