BHDA First

23.9K 429 44
                                    

"So...Why should we hire you?"

Tanong sa akin ng boss ng kumpanya na in-apply-an ko para mag trabaho.

“Because I need work," I answered quickly and complacently.

I saw his jaw tighten, kasabay ng paghawak niya sa kaniyang sintido.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa naging reaksiyon niya. Napa-isip tuloy ako.

Mali ba ako?

"Stupid," dinig kong sabi niya. "I know you need a job, that's why you're applying. But my question is why do we need to hire you." May diin ang tono ng huling sinabi niya.

"Eh? Kasi nga kailangan ko ng trabaho?" Pag-uulit ko sa sagot ko kanina. Ano ba talaga ang tamang sagot?

"You know, just look for another job. I don't need someone like you in my company." Seryosong sabi niya saakin. "Hindi ko kailangan ng taong walang alam."

Ang sakit naman pala nito magsalita. Para akong sinaksak ng kutsilyo harap-harapan.

Pero kailangan kong babaan ang pride ko dahil kailangan na kailangan ko rin talaga ng trabaho ngayon.

"Please, sir! Tanggapin mo na ako." Pinag dikit ko ang dalawang palad ko para ipamukha sa kaniya na nagmamakaawa talaga ako. "I badly really need this job."

"Why should we hire you if you can't answer a simple question." Sa pagkakataong ito ay nag iba na ang tono ng boses niya. Masasabi kong nagagalit na talaga siya ngayon.

Napalunok ako at hindi na makatingin ng diretso sa kanya. "I must admit that this is my first time applying to a big and well-known company, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko." Nakayukong saad ko.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng sobrang kahihiyan ngayon. Pero hindi ko naman kasalanan na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa sobrang kahirapan ng buhay namin noon.

Kaya wala talaga akong alam sa ganong klaseng tanong na dapat ay malalim ang kasagutan. Kapag sa simpleng trabaho kalang nag apply hindi na kailangan ng ganyang sagot.

Sapat na na may alam ka kahit papaano at sapat na na nagagampanan mo ng tama ang trabaho mo.

"Nag babakasakali lang naman ako na baka matanggap ako dito. Hindi ko naman alam na hindi pala sapat yung sagot na kailangan ko lang talaga ng trabaho." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko kanina.

"I don't care about your reason. You yourself said that you applied to a well-known and big company." Dire-diretsong sambit niya. "Bakit kapa nag apply kung wala ka naman palang alam?"

Nabigla ako sa huling tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan ko siya ng diretso, ganun din naman siya saakin bago ako mag salita.

"Nag babakasakali nga lang. If you don't want to accept me, sana sinabi mo agad. Hindi yung kailangan mo pang mang insulto."

"I'm not insulting you, I'm just telling the truth. Hindi ko kasalanang masakit para sa iyo ang katotohanang wala kang alam." Walang imosyong sabi niya at parang normal lang ang salitang binitawan niya.

"Kung para saiyo ay hindi insulto ang ganoong salita, pwes hindi ako ikaw. Hindi ko alam na makitid pala ang utak ng mga mayayaman." Mahabang lintanya ko habang nakatingin parin sakaniya.

Nang hindi siya magsalita ay tinalikuran ko na siya at dire-diretso lang ang lakad ko palabas ng kumpanya niya.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makalayo na ako sa kumpanya niya. Nang may makita akong upuan sa tabing kalsada ay umupo ako don.

Pagkaupo ko ay huminga ako ng malalim. Hindi parin nawawala sa isipan ko ang mga salitang sinabi ng lalaking iyon.

Parang ang laki-laki ng galit niya saakin para sabihan ako ng ganoong mga salita. Sino ba namang hindi masasaktan kung pinamukha talaga saiyong wala kang alam.

Behind his dark Aura [ Unedited ] ✔️Where stories live. Discover now