ABALA si Roni sa pagta-type nang marinig na may kumakatok sa pinto. Ayaw niya na tumatayo o naiistorbo tuwing nagsusulat. May tendency kasi na mawala ang momentum niya kaya ayaw niyang nadi-distract. At alam iyon ng lahat ng kapitbahay niya kaya alam niyang hindi siya kakatukin kung hindi mahalaga ang sadya sa kanya.
Napipilitang tumayo si Roni para tingnan kung sino ang kumakatok. Pagbukas ng pinto ay napakunot-noo siya nang mabungaran ang antipatikong lalaki na nang-insulto sa kanya two days ago. Ano kaya ang kailangan ng lalaking ito?
"Anong kailangan mo?" masungit na tanong ni Roni.
"I came to give you this." Iniabot ng lalaki ang isang Tupperware na sa tingin niya ay may lamang pagkain. "Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakapunta. Medyo busy kasi ako nitong mga nakaraang araw."
Oo nga pala. Ngayon lang naalala ni Roni na may kasunduan sila. Masyado siyang naging busy sa kanyang nobela kaya nakalimutan niya ang tungkol doon.
"Can I come in?"
Nilakihan ni Roni ang awang ng pinto para makapasok si Borj. Nakasunod lang ang tingin niya sa lalaki habang ang lalaki naman ay inililibot ang paningin sa loob ng bahay. Masasalamin sa mukha ang pagkadisgusto sa nakikitang kaguluhan doon. Napakamot tuloy si Roni sa ulo. Isang linggo na siyang hindi nakakapaglinis ng bahay kaya naman parang dinaanan na iyon ng ipuipo.
"Galit ka siguro talaga sakin kaya sinadya mong gawin ganito kagulo ang bahay mo," nakakunot-noong sabi ni Borj. "Bakit dito mo isinasampay ang mga damit mo sa loob ng bahay?"
Hinawi ng binata ang mga nakasampay na damit sa sala. Nasira kasi ang sampayan sa labas at tinatamad si Roni na ayusin kaya nagtali na lang siya ng lubid sa bintana papunta sa divider na lalagyan ng mga figurine na iniregalo ng mama niya.
"Normal lang sa kin ang kaguluhang ito." Kinuha ni Roni ang mga tuyong damit na nakasampay. "Pasensiya ka na. Nasira kasi ang sampayan ko at wala akong oras para ayusin iyon."
Napailing na lang si Borj. "Buti hindi ka naririndi sa gulo ng bahay mo?" Inagaw nito ang Tupperware na hawak niya at dinala sa kusina. "Ang mabuti pa, kumain ka muna. Sigurado akong hindi ka pa kumakain. Nabanggit kasi ni Jelai na nakakalimutan mo raw kumain kapag nagsusulat kaya kahit alam kong nagsusulat ka, inabala na kita."
"Salamat."
"Walang anuman. Isa pa, nasa usapan natin na dadalhan kita ng rasyon ng pagkain araw-araw." Si Borj na rin ang naghain para sa kanya. "Kumain ka na muna."
Tumango si Roni at umupo sa isa sa mga upuan na naroon. Hindi niya napigilang mapailing sa pagiging attentive ni Borj. Iyon kasi ang unang pagkakataon na may lalaking nag-asikaso sa kanya. And she had to admit... She like seeing him fussing over her.
Weird.
***
NAKAPANGALUMBABA si Roni habang pinapanuod si Borj na ayusin ang sampayan. Iyon ang unang hinarap ng lalaki para daw maarawan ang mga naluom niyang damit.
Napagpasyahan niyang iwan muna ang isinusulat dahil nahihiya siyang iwang mag-isa si Borj. Gusto sana niyang karirin ang pagiging amo at utusan ang lalaki pero ayaw niyang isipin ng binata na wala siyang puso. Pangit na ang tingin sa kanya kaya hindi siya papayag na pati ugali niya ay mapintasan ng binata.
"May mga hanger ka ba?" tanong ni Borj. Tapos nang ayusin ang mga sabitan. "Pakiabot naman."
"Sandali." Tumayo si Roni at pumasok sa bahay para kunin ang mga hanger na nakalimutan niyang nag-e-exist pa pala. Pagbalik ay bitbit na niya ang mga hanger pati ang mga damit na tinanggal kanina sa indoor niyang sampayan. Tumulong na rin siya sa paglalagay ng mga damit sa hanger.
BINABASA MO ANG
Charmed By You
RomanceSi Roni ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Pero ginising ni Borj ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita, nagkasagutan sila at muntik na niyang maisama ang lalaki sa listahan ng mga...