"BLIND item." - Jelai.
"Uy, tsismis!" - Nelia.
"Anong pauso yan, Jelai?" - Carol.
"Sinech itey na kapitbahay natin ang namataan kagabi na lumabas mula sa lungga ng isang magandang babae sa dis-oras ng gabi?" - Jelai
"Clue!" - Missy.
"Guwapo siya!" - Jelai.
"Ay, lahat naman ng lalaki rito sa village natin ay guwapo." - Missy
Hindi pinansin ni Roni ang usapan ng mga sira-ulo niyang kapitbahay at dumeretso na lang sa counter ng Coffee Corner. Ngayong araw kasi naisipan ng dalaga na simulan ang bagong adhikain sa buhay, ang makipag-interact sa ibang tao para hindi masyadong napapraning kapag may isang particular na tao ang nakakasalamuha niya. Pagkatapos um-order ng makakain ay naghanap siya ng bakanteng mesa.
Hindi pa man nag-iinit ang pang-upo sa kinauupuan ay lumapit na si Jelai sa kanya kasama ang iba pang babaeng kapitbahay na nakatambay rin sa coffee shop. Naki-share sa table ang mga kapitbahay niya kahit na maraming bakanteng mesa. Okay na rin yun. Para may makakausap siya habang nagpapalipas-oras.
"Ikaw, Roni," baling sa kanya ni Jelai. "Hindi ka ba makikisali sa panghuhula kung sino iyong nasa blind item?"
"Next time na lang, Jelai. Hindi ako updated sa mga happenings dito sa village, eh."
"Madali lang ang sagot!" Ayaw paawat na hirit ni Jelai. "His name starts with letter B, and ends with letter J, and you know who that is, of course."
"O, Sige. Sirit na," sumusukong sambit ni Roni. As usual, tinatamad na naman siyang mag-isip. "Sino ba yang tinutukoy mo?"
"Si Borj." Naging mapanukso ang ngiti ni Jelai. Hindi napigilan ni Roni ang sarili na mapakunot-noo. "Anong namamagitan sa inyo, ha? May nagtimbre sa akin kagabi na nakita raw nila si Borj na palabas sa bahay mo. So? Safe pa ba ang Bataan?"
"Ikaw, ha? si Missy. "The last time we saw you, magkagalit kayo ni Borj. The next thing we knew, nasa bahay mo na siya. Anong nangyari? Share naman diyan."
Napailing nalang si Roni. Kahit kailan Numero unong tsismosa talaga ang mga kapitbahay niya. Oo nga pala, hindi pa alam ni Jelai ang tungkol sa napagkasunduan nila ni Borj. Ang huling beses kasi na pumunta si Roni sa cafe ni Jelai ay noong araw na nagkabangga sila ng binata kaya wala siyang panahon para magkuwento sa kaibigan.
"Walang namamagitan sa aming dalawa. Tumutupad lang siya sa kasunduan namin."
"Kasunduan?" tanong ni Carol. "Anong kasunduan?"
"Naalala niyo nong nagkasagutan kami?" tanong ni Roni. Tumango-tango ang mga kapitbahay niya. "Dahil na rin sa sulsol ninyo, hinabol niya ako at humingi ng tawad sa akin. Tinanong din niya kung anong puwede niyang gawin para mapatawad ko siya. I asked him to kiss my feet, he refused. So, I asked him to clean my house for two weeks instead. Dadalhan din niya ako ng rasyon ng pagkain araw-araw."
"So, ginawa mo siyang maid?" Hindi maipinta ang mukha ni Jelai habang nakatingin sa kanya. "At kaya siya nasa bahay niyo kagabi ay dahil ipinagluto ka niya ng pagkain at nilinis niya ang bahay mo?"
"Yeah."
"Ay, ano ba yan! Akala pa naman namin magkaka-love life ka na! Walang kuwenta!
"Oo nga. Nagpustahan pa naman kaming apat kung magkakatuluyan kayo o hindi." Pumalatak si Nelia. "Sayang!"
Kita mo tong mga taong to. Paminsan-minsan na nga lang siya lumabas ng bahay, pagpupustahan pa siya?
Napailing na lang si Roni. Maya-maya ay naalala kung bakit siya lumabas ng lungga ngayon. Tinitigan niya isa-isa ang mga kausap.
BINABASA MO ANG
Charmed By You
RomanceSi Roni ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Pero ginising ni Borj ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita, nagkasagutan sila at muntik na niyang maisama ang lalaki sa listahan ng mga...