HINDI mapakali si Roni habang nakaupo sa backstage. Grand Fans Day ng publication kung saan siya nagtatrabaho bilang romance novelist at sinabihan siyang um-attend. Sinabi ng editor niya na magpapakilala raw sila isa-isa, babatiin ang mga reader at sasagutin ang mga tanong. Namamawis na ang mga palad niya at pakiramdam niya ay nanlalambot ang kanyang mga tuhod.
Sandaling na-distract ang dalaga nang tumunog ang kanyang cell phone, may bagong message. Napangiti siya nang malamang kay Borj iyon galing.
Good luck. Don't be nervous. Kaya mo yan!
Babe, kinakabahan ako!
Don't be.
Pakiramdam ni Roni ay nanigas ang buong katawan niya nang marinig na tinawag ang katabing writer para magpapakilala. Inabisuhan na rin siya na maghanda na dahil siya na ang susunod. Her heart was thumping like crazy! Pakiramdam niya ay hihimatayin na siya sa sobrang nerbiyos. Paano kung wala naman palang reader na gustong magpapirma sa kanya? Paano kung wala naman pala siyang mga fans? Ano ang gagawin niya? Naiiyak na talaga siya sa sobrang kaba.
"Now, let's all welcome Miss Macy Grandine!" anunsiyo ng emcee.
Narinig ni Roni ang malakas na palakpakan nang ianunsiyo ang kanyang pangalan. Tila mas nanigas ang buong katawan niya. Pakiramdam niya ay parang robot lang siya na naglalakad paakyat sa stage. Tila tinuklaw ng ahas nang mailibot ng tingin ang buong convention center. Maraming dumalo kaya lalo siyang inatake ng stage fright. Paano kung mabulol siya?
"Miss Macy Grandine?" untag sa kanya ng emcee. "Ano'ng masasabi mo para sa mga reader natin na dumalo ngayon?"
"A-ah, ano... Good afternoon po sa inyong lahat. Ako nga po pala si Macy Grandine. Thank you po sa pagsuporta ninyo sa akin at sa mga co-writer ko. Sana po patuloy niyo pong tangkilikin ang mga pocketbook na gawa ng Seirin Publishing House. Thank you po ulit."
"So, sino ang gustong magtanong kay Miss Macy? We are going to accommodate five questions."
May tinawag ang emcee at agad namang tumayo ang cute at may kaliiting babae. "Ahm, Miss Macy, totoo po ba ang tsismis na may batch two po ang Dashing Recoverers Series niyo?"
"Yes po. Meron po siyang batch two at waiting for printing na lang," sagot ni Roni.
"Sino pang magtatanong?" tanong ng emcee.
"Ako po!" tawag pansin ng isang teenager. "May sequel po ba yong novel ninyo na You're Just Everything? Crush na crush ko po kasi yong mga kaibigan ng hero doon."
"Ah, sa ngayon, wala pa. Pero plano kong gawan in the near future. Sana lang mahintay mo pa." Nginitian ni Roni ang teenager.
"Yehey! Thank you po."
"Sino pa po? We still have three questions left!"
"Me!" Sigaw ng isa. "May boyfriend na po ba kayo, Miss Macy? Totoo po ba yong In a Relationship status ninyo o parte lang po yon ng April Fool's joke ninyo? Taon-taon niyo po kasi iyong ginagawa, eh."
Sa pagkakataong iyon ay hindi napigilan ni Roni na matawa. "Yes. Totoo po ang relationship status ko. Hindi na po yon parte ng April Fool's joke ko."
"Guwapo po ba ang boyfriend niyo, Miss Macy?" follow-up question ng isa pang reader. "Pang hero material din po ba ang peg niya?"
"Puwede bang huwag ko na lang sagutin iyan? Baka isipin niyo, nagbubuhat ako ng bangko kapag sinabi kong oo." Nagtawanan ang mga tao. "Pero don't worry, magpo-post ako ng picture namin sa Facebook kapag meron na kaming picture together."
"Ay, hihintayin po namin yan, Miss Macy!"
"Okay, one last question left before we proceed to our next writer. Anybody?"
"Me! I have something to ask our very beautiful Miss Macy Grandine!" sigaw ng isang tao sa likuran.
Nang hanapin ni Roni kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata niya nang makita si Borj. Ano ang ginagawa ni Borj sa kanilang event? Ang alam niya ay nasa gig ang binata ng The Krion kaya hindi na niya pinilit na sumama sa kanya.
"Oy, may guwapo tayong kasama ngayon dito!" kinikilig na anunsiyo ng emcee. "Anong itatanong mo kay Miss Macy, pogi?"
"Macy Grandine," malakas na sambit ni Borj. "Or should I say Ronalisa Salcedo... Will you stay by my side forever?" May kung anong dinukot sa bulsa ang binata.
A ring!
"Niyayaya na rin pala kitang magpakasal kung hindi mo mamasamain. Pero kung tinatamad ka pang sumagot, next time na lang. Kaya ko namang maghintay."
Narinig ni Roni ang pagsinghap ng mga audience. May iba na impit na tumitili dahil mukhang kinikilig. Siya naman ay nanatili lang na nakamasid habang naglalakad ang binata palapit sa stage. As if on cue, sabay-sabay rin na nagpulasan ang mga reader na nandoon para bigyang daan si Borj at makalapit sa kinatatayuan niya. She was gazing down at his amazing brown eyes while he was looking up at her.
"So, Miss?" Pagpa-follow-up ni Borj sa tanong. He gave her that most priceless smile of his. Pakiramdam tuloy ni Roni ay nai-in love siya nang paulit-ulit sa lalaking ito sa loob lang ng ilang segundo. Haay. How could he be so lovable? "Is it a yes or a no?"
"Yes!" naiiyak na sagot ni Roni. "Yes! Yes! Yes!"
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Roni. Dinukwang niya si Borj at siya na mismo ang humalik sa binata.
Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha sa mga mata ni Roni dahil sa sobrang kasiyahang nararamdaman. Aarte pa ba siya? Hindi na, uy!
"I love you, Borj."
"I love you, too, Roni. So much."
He put his hand on her nape and kissed her for the second time.
Aaah!
Now this was just like heaven! Her heart, mind, and soul had been charmed by this endearing man who brought back the heart she thought did not exist.
How lucky could she get?
Wakas...
💘💘💘
Please hit the 🌟
Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading.
Thank you so much sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Borj at Roni entitled Charmed by you. Sa totoo lang hindi ko inaakala na matatapos Kong gawin ang storyang ito dahil maraming nangyari at halos di ko na maituloy ang pagsusulat sa sobrang busy ng schedule ko sa work. Pero nagawa ko parin matapos. Salamat sa lahat ng stefcam fans na nag-aabang at walang sawang nagbabasa ng mga gawa ko. Thank you and sobrang naaapreciate ko kayo.
Hanggang sa muli.
God bless us all... 💞
BINABASA MO ANG
Charmed By You
RomanceSi Roni ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Pero ginising ni Borj ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita, nagkasagutan sila at muntik na niyang maisama ang lalaki sa listahan ng mga...