"I'M REALLY sorry, Roni. Promise, sa susunod, sisiguruhin ko nang hindi ako makikilala ng mga fans ko," hinging paumanhin ni Basti sa kanya. Nasa kotse sila ng lalaki at kahihinto lang sa tapat ng kanyang bahay.
Their date turned out to be a total disaster. Buong magdamag kasi ay kinuyog lang si Basti ng mga fans at walang nagawa ang lalaki kundi pagbigyan ang mga fans. Si Roni naman ay nasa isang sulok lang habang pinapanuod sila sa loob ng dalawang oras. Ni hindi nga siya nakakain nang maayos kaya medyo gutom pa rin siya.
Nakangiting nilingon ni Roni si Basti. "Forget about it, Basti. Okay lang talaga sa akin," pag-a-assure niya. Alam kasi niyang hindi naman ginusto ng lalaki ang mga nangyari. Tinanggal na niya ang kanyang seat belt. "I'd better go. Medyo inaantok na kasi ako."
"Sorry talaga, Roni, ha? Babawi ako next time."
"Yeah, sure."
Bumaba na siya ng kotse at hinintay munang makaalis si Basti. Ilang minuto nang wala pero nakatayo pa rin siya sa kalsada. Umupo siya sa Bermuda grass sa tapat ng mababang wooden fence at tumingin sa langit. Dim lang ang ilaw ng mga lamppost sa village kaya nakikita pa rin niya ang mangilan-ngilang bituin sa langit. Tinatamad pa siyang kumilos kaya hinayaan muna niya ang sarili na maupo roon.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?"
Awtomatikong napalingon si Roni nang marinig ang boses ni Borj. Nakasakay si Borj sa bisikleta sa kanang gawi niya, bitbit ang isang plastic na sa tingin ni Roni ay groceries ang laman. Mukhang galing si Borj sa 24/7 convenient store sa bukana ng village. Sumandal siya sa wooden fence para mapagmasdan nang mas maayos ang binata. Nakaputing T-shirt na pinatungan ng jacket na may hood at puting pajama. He really looked good in everything he wore.
"Ikaw? Bakit gabi ka na nag-grocery?" balik-tanong ni Roni.
"Ngayon ko lang kasi napansin na wala na pala akong stock sa bahay." Bumaba si Borj ng bisikleta at tuluyang humarap sa kanya. "Kararating mo lang? How was your date?"
"Disaster," walang ganang sagot niya. "Naubos lang ang oras namin sa pag-e-entertain ni Basti sa mga fans niya. I didn't even have the chance to eat properly."
Kumunot ang noo ni Borj. Mukhang hindi nagustuhan ang narinig. "Gusto mong pumunta sa bahay? Ipagluluto kita ng pagkain para hindi ka magutom mamayang gabi. I assume, magsusulat ka pa kaya kailangan mong kumain nang maayos."
Hindi na nag-inarte pa si Roni. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa Bermuda grass, pinagpagan ang suot na dress at sumabay sa binata sa paglalakad habang hila-hila ang bisikleta. Dalawang bahay lang ang pagitan ng mga bahay nila kaya ilang sandali lang ay nandoon na sila.
Pagpasok ay hindi napigilan ni Roni ang mapahanga sa bahay. Simple lang iyon pero magandang tingnan. Napansin din niya na maayos ang lahat ng gamit at wala man lang makita ni katiting na alikabok sa kahit anong kasangkapan. Hindi tuloy niya mapigilan ang mahiya. Kabaligtaran kasi ng bahay ni Borj ang bahay niya. Naturingan siyang babae pero mas masinop pa si Borj kaysa sa kanya.
Napansin niya ang piano sa sala. Bukod doon ay may gitara din- isang acoustic at isang electric. Kahit wala sa hitsura ni Borj ay music enthusiast pala ang lalaki. Dumeretso si Borj sa kusina kaya sinundan niya. Pati ang kusina ay nasa tamang ayos din.
"Nice house," komento ni Roni. "Neat freak ka pala."
"Yeah," sagot ni Borj. "Imagine my shock when I first saw your house."
Hindi niya napigilang matawa dahil sa sinabi ni Borj. Nagbalik kasi sa isip ang hitsura ni Borj nang bistahan ang bahay niya. "Sorry ulit."
"Nah, it's fine."
BINABASA MO ANG
Charmed By You
RomanceSi Roni ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Pero ginising ni Borj ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita, nagkasagutan sila at muntik na niyang maisama ang lalaki sa listahan ng mga...