Chapter Seven

469 26 9
                                    

"HI, RONI!"

Kalalabas lang ni Roni ng bakuran nang marinig ang pagbati ni Nelia. Nakasuot ang babae ng tennis outfit at may bitbit din na tennis racket.

"Marunong kang mag-tennis?" nakakunot-noong tanong niya. Sa ilang taon kasing naging kapitbahay niya ang babae ay ni hindi man lang niya nabalitaan na marunong itong mag-tennis.

"Hindi," nakangising sagot ni Nelia. "Nasagap kasi ng mahiwaga kong radar na may libreng tennis tutorial daw sa tennis court at si Epoy ang magtuturo. Magpapa-cute lang ako ng kaunti."

Napailing na lang siya. "Sasabay na ako sa iyo. Pupunta ako sa Coffee Corner, eh."

Katapat lang ng Coffee Corner ang tennis court at basketball court ng village. Sinadya talaga ni Jelai na doon ipuwesto ang shop dahil mas kikita roon. Ang mga tao raw kasi na pagod, siguradong gutom. At dahil ang Coffee Corner ang may pinakamalapit na kainan sa lugar na iyon, doon pupunta ang mga residente ng village. Mautak talaga ang kaibigan kahit kailan basta negosyo ang pinag-uusapan.

"Sure!" masiglang pagpayag ni Nelia. Pakanta-kanta pa habang iwinawasiwas sa hangin ang tennis racket, mukhang excited na talaga na makapagpa-cute kay Epoy.

Open book na sa village nila ang walang kamatayang pagsinta ni Nelia kay Epoy kaya hindi na magtataka si Roni kung isang araw ay mabalitaan na lang niya na napikot na ni Nelia si Epoy. Halos dalawang taon na yatang sinusuyo ni Nelia si Epoy pero dead-ma pa rin ang beauty ng babae sa lalaki.

Pagtapat sa basketball court ay napalingon si Roni nang marinig ang pagtawag ni Basti sa kanya. Nilingon niya si Basti at akmang nginitian pero nabitin nang aksidenteng mahagip ng paningin si Borj. Naka-jersey ang binata at mukhang makikisali sa laro nina Basti, Yuan, Junjun, Tonsy at Bryan na naturingang hayok sa basketball. Mukhang by three's ang magiging laban.

Napakunot noo si Roni nang makitang ipinagtutulakan ng mga lalaki si Borj palapit sa kinatatayuan niya. Walang nagawa si Borj kundi ang magpatianod dahil pinagtutulungan ng lima. Kakamot-kamot sa ulo nang sa wakas ay magkaharap na sila. Nakagat ni Roni ang ibabang labi nang mapagmasdan ang mukha ni Borj. Bahagyang namumula ang mukha ng binata at hindi makatingin ng deretso sa kanya. Nagba-blush ba si Borj? Gosh! He looked so adorable, she wanted to pinched his cheeks!

"Go Borj!" - Yuan

"Wag mo kaming ipapahiya, pare!" - Junjun

"Fighting!" - Bryan and Tonsy

Lalo lang nahalata sa mukha ni Borj ang pagkailang nang sumigaw ang mga kalaro sa court. Pero nang muling magtama ang mga mata nila ay napangiti siya sa hindi malamang kadahilanan. Saglit na natigilan ang binata at maya-maya ay napansin niyang unti-unti nang nawawala ang pagkailang sa kanya. He even managed to give her a quick smile.

"Hi," pagbati ni Borj. "Pasensiya ka na sa kanila."

"Wala iyon," pag-a-assure ni Roni. "May kailangan ka ba?"

Saglit na dumaan sa mga mata ng lalaki ang pag-aalangan pero sa huli ay ipinasyang sabihin na rin ang pakay sa paglapit.

"I know this may sound a bit strange." Nagkamot ng kilay si Borj para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Shit! Ang cute-cute talaga niya!

"But can I ask you out? Tonight?"

Napipilan si Roni at napatulala na lang sa mukha ng binata. Totoo ba ang narinig niya? Hindi ba siya nagha-hallucinate lang? O residue lang iyon ng kakatapos lang niyang nobela? Ipinilig ni Roni ang kanyang ulo? "A-ano kamo?"

"I said, can I ask you out?" Borj's eyes were full of expectation.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pakiramdam kasi niya ay nag-shut down and kanyang isip at walang maisip na kahit ano. Ang malinaw lang sa kanya, nasa harap niya ang pinakaguwapong lalaki na nakilala.

Charmed By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon