Chapter Ten

206 23 5
                                    

PUNO ng kasayahan ang clubhouse ng village. Ngayon kasi ginaganap ang annual Christmas Party ng mga residente kaya kahit saan lumingon si Roni ay ang nagkakasiyahang mga kapitbahay ang nakikita niya. Hindi na sana siya pupunta pero siguradong sesermunan siya ng presidente ng homeowner's association nila. Isa pa ay sinundo siya ni Basti kanina, para daw hindi siya maging forever alone.

Sa mga nakalipas na araw ay naging mas close sila ng lalaki. He became the boy best friend she never had. Hindi hinahayaan ni Basti na nalulungkot siya at laging gumagawa ng paraan para mapangiti siya. She really appreciated his efforts for reach out to her. Kung wala kasi si Basti, baka hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin siya sa bahay habang nakikipag-ulayaw sa mga manuscript niyang halos lahat ay natengga lang sa chapter five. Hindi na niya alam ang idurugtong sa mga iyon. Idagdag pang wala talaga siya sa mood na magsulat.

Lumapit kay Roni Sina Jelai, Missy, Nelia at Carol. Ilang linggo na rin niyang hindi nakikita ang mga kaibigan. Pagkatapos kasi ng nangyari sa tapat ng coffee shop ni Jelai dalawang linggo na ang nakararaan ay hindi na siya naglalalabas ng bahay. Lagi lang siyang dinadalaw roon ni Basti, sinisiguro lang daw na hindi pa siya nagbibigti.

"Oy, Roni! Nabuhay ka!" bati ni Jelai. "Ilang linggo ka ring nag-a-la ermitanya, ah!"

"Oo nga," segunda ni Nelia. "Nagmukha ka tuloy bangungot. Hindi mo ko gayahin, laging maganda. No wonder, nararamdaman ko na ang nalalapit na pagtatapat ng pag-ibig ni Epoy sa kin. Sa wakas! Luluhod na din ang mga Tala!"

"Ilang beses ko nang narinig yan, Nelia," nakangising pang-aasar ni Roni. "Pero ilang dekada na ang nakararaan, wala pa ring nangyayari sa inyong dalawa."

"Uy, masyado ka namang advanced mag-isip! Siyempre wala pa talagang mangyayari sa ming dalawa. We want to take things slowly muna. You know? Getting to know each other. Alam mo yon?" ani Nelia.

"Hindi," sagot ni Roni.

"You look fine to me," komento ni Missy. "Though you look a bit troubled but other than that, you look fine."

"Sino namang nagsabi sa yong hindi ako okay?" nakakunot ang noong tanong ni Roni.

"Ang mga bituin sa langit."

"Ewan ko sa yo."

"Kidding aside, Roni," seryosong sabi ni Carol. "Nag-aalala talaga kami sa yo. Akala namin, naglaslas ka na o nagbigti. Kung hindi lang kami ina-assure ni Basti, na siyang tanging taong hinahayaan mong makipag-interact sa yo, baka giniba na namin yong bahay mo para mailabas ka namin doon."

"Mukha ba akong suicidal?" Sabay-sabay na tumango ang mga kaibigan. "Mga Gaga! Kahit na mukha akong pinagtampuhan ng langit, hindi ako suicidal, no! Mahal ko pa ang buhay ko kaya imposibleng mag-suicide ako."

"That's the spirit."

"Amen!"

"Eh, kumusta naman ang puso mo?" tanong ni Jelai. "Humihinga pa ba?"

"Siyempre, kaya nga kausap niyo ako ngayon, di ba? Kasi humihinga pa ako. Kasi buhay pa ako."

"Huwag kang pilosopo, Ronalisa Salcedo."
Biglang kumambiyo si Jelai nang tingnan niya ng masama. "Come on, you know what I mean. Hindi bagay sa yo ang magtanga-tangahan. Henyo tayo, eh.'

"Okay lang ako," she assured them. "No need to worry about me."

"Pero kay Borj, worried kami," hirit ni Missy. "Mula kasi nang maging doktrina mo sa buhay ang magpaka-ermitanya, lagi na siyang tulala. Minsan nga, nakita ko siyang medyo nakanganga pa. Hindi ko siya matiis na makitang ganoon kaya lumapit ako sa kanya at sinara ko yong bibig niya. Diyahe naman kasi kung pasukan ng langaw ang bibig niya, ang guwapo pa naman niya. Tapos, nong sinara ko yong bibig niya, tiningnan lang niya ako nang matagal tapos tinanaw na niya uli yong daan papunta sa bahay mo. Anong drama niyong dalawa?"

Charmed By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon