"ABA, HIMALA! Anong nakain mo at naisipan mong dalawin kami, Roni? Sawa ka na bang magkampo sa lungga mo?"
"It's nice to see you, too, Ma," nakangiting bati ni Roni sa mama niyang si Marite saka ito hinalikan sa pisngi.
Kararating lang niya sa bahay nila sa San Jose, Occidental Mindoro. Doon talaga original na nakatira ang pamilya niya pero nang magkolehiyo siya ay sa Maynila na nag-aral. Sa Maynila na rin tumira ang kanilang pamilya pero five years ago ay naisipan na bumalik sa probinsiya dahil hindi nila masyadong gusto ang mabilis na buhay sa Maynila. They longed for the serenity that only the province could offer.
Isa pa ay may negosyo silang kailangang asikasuhin sa Mindoro. May-ari sila ng halos kalahati ng mga fishing boats sa lugar nila at nag-i-import ng mga isda sa Maynila at sa iba pang karatig lugar. Roni's family, the Salcedo clan, was one of the richest families in the province kaya kahit hindi na siya magtrabaho ay mabubuhay siya. Dalawa lang silang magkapatid. Siya at ang Kuya Jerry niya. Wala siyang kaamor-amor sa negosyo nila kaya ang Kuya niya ang namamahala roon at hinahayaan siya ng mga magulang nila na gawin ang kahit anong gusto niya.
Nang sabihin niya na gusto niyang maging romance novelist ay suportadong-suportado siya ng kanyang mga magulang at kapatid kahit na nagwo-worry na hindi na siya magkakaasawa dahil wala na siyang pakialam sa kanyang love life simula noong teenager pa lang siya. Pero mukhang hindi na kailangan pang mag-worry ng mga magulang niya dahil ang pag-ibig na mismo ang gumawa ng paraan para makilala niya ang lalaking mamahalin. Too bad, hindi siya ang mahal ng lalaki.
Dahil sa kaguluhang nararanasan ng puso at isip, naisipan ni Roni na dalawin muna ang mga magulang at kapatid sa probinsiya. Tutal naman ay natapos na siya sa series na ginagawa kaya okay lang na magbakasyon siya. She wanted to stay away from Borj for a while so she could assess her feelings towards him. And then she would reset her feelings para kapag nagkita uli sila ng binata, kaya na niyang pakiharapan nang walang anumang hard feelings.
Ibinagsak ni Roni ang katawan sa sofa at hinayaan na ang kasambahay na bitbitin ang bagahe papunta sa kanyang kuwarto. Sa halip na mag-eroplano ay mas pinili niyang mag-bus para makapag-isip siya nang matagal habang nasa biyahe. After a few hours of contemplation, she came up with one answer. Tanggap na niya sa sarili na mahal na nga niya si Borj.
Iyon ang dahilan kaya kahit sa pagkakaalam niya noong una ay gusto lang, nasaktan pa rin siya nang husto nang malamang may girlfriend na ang binata. Kailangan niyang humingi ng tawad kay Borj pagbalik niya. Hindi kasi tama ang inasal niya noong huli silang magkita. Hindi dapat siya umakto nang ganoon dahil wala namang kasalanan ang binata sa kanya. It wasn't his fault she had fallen in love with him. Kasalanan niya iyon dahil hinayaan niya ang sarili na magkagusto kay Borj.
Well, who could blame her? Kahit kasi may pagkaantipatiko si Borj noong una silang magkakilala ay nabawi iyon nang mas nakilala na niya ang tunay na Borj. Kaya kahit nasasaktan ay hindi man lang niya pinagsisisihan na minahal niya ang lalaki. He deserved her love and he was worth all the pain.
"May problema ka ba, Ronalisa?" tanong ng mama niya. Nagtama ang mga mata nila at ilang sandali pa ay nginitian na siya ng ina. "Did you fall in love?"
Nanay nga niya talaga si Marite. She hadn't even have said a word, yet her mother understood her right away. Iyon siguro ang tinatawag nilang mother's instinct.
Tumango si Roni. Hindi tuloy niya mapigilang ngumiti. Umupo siya at isinandal ang ulo sa sofa.
"So? Who's the lucky guy?" Excited na tanong ng kanyang mama. "Isinama mo dapat siya para makilala namin ng papa mo."
"I can't do that," tanggi niya. "Magagalit ang girlfriend niya."
"Oh. So, brokenhearted ka nga talaga." Umupo ang ina sa tabi niya at masuyong hinaplos ang kanyang buhok. "He must be really special for you to notice him, huh? Come on, kuwentuhan mo ako. Anong ginawa ng lalaking iyon para makuha ang atensiyon ng mailap mong puso?"
BINABASA MO ANG
Charmed By You
RomanceSi Roni ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Pero ginising ni Borj ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita, nagkasagutan sila at muntik na niyang maisama ang lalaki sa listahan ng mga...