NASA tapat na si Roni ng kanyang bahay nang marinig ang pagtawag ng kung sino sa kanya. Nabigla siya nang mukha ni Borj ang sumalubong sa kanya. Naumid ang kanyang dila nang mapagmasdan ang binata.
Bakit ba ang guwapo-guwapo ni Borj? Ang nakakainis pa, parang nakalimutan na ni Roni na nagmu-move on siya. Dahil ngayong nakikita na niya ng harapan si Borj, nararamdaman na naman niya ang pamilyar na tibok ng kanyang puso na si Borj lang ang bukod-tanging kayang mag-trigger. It hurt her to see him so near and yet so out of her reach.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong ni Roni. "You shouldn't be here. Nasaan si Basti?"
"Wala na. Pinaalis ko na. Istorbo lang siya rito. Marami pa tayong dapat na pag-usapan."
"Ano namang pag-uusapan natin?" Kumunot ang noo niya. "As far as I know, Wala na tayong dapat pang pag-usapan."
"Sino'ng may sabi sa'yo?"
"Ako." Akmang tatalikuran na niya si Borj pero ipinihit siya paharap. Marahas niyang tinabig ang kamay ng lalaki na nakahawak sa braso niya. "Ano ba!"
"You can't keep on running away from me, Ronalisa."
"I can. Watch me."
"Puwede bang pakinggan mo muna ako?" frustrated na tanong ng binata. "Bakit mo ba ako iniiwasan? Hindi kita maintindihan."
"Hindi mo naman na ako dapat pang intindihin dahil hindi na kailangan." Iniwasan niyang magtama ang mga mata nila. "Ang mabuti pa, bumalik ka na lang sa clubhouse at makisaya sa Christmas party. Hayaan mo akong magpahinga rito."
"Ano bang problema mo?" Napipikon na ring tanong ni Borj. "Puwede bang deretsahin mo na lang ako? Hindi ko kasi kayang hulaan kung anong tumatakbo sa isip mo! Sabihin mo sa akin ang mga gusto mong sabihin, para hindi na ako nalilito at nang maintindihan kita."
"Fine. Gusto mong malaman, ha? I love you!" Nang magtama ang mga mata nila ay kitang-kita ni Roni ang shockness sa mukha ni Borj. He seemed surprised but he looked pleased for some reason. Ipinagpatuloy niya ang pagmo-monologue. Isang bagsakan! At kapag ni-reject ang nararamdaman niya ay mamumundok na lang siya sa Sagada at hinding-hindi na babalik pa sa village na iyon!
"I fell madly, deeply and hopelessly in love with you, Borj! Paanong nangyari yon? Hindi ko rin alam," patuloy niya. "You were so nice, so gentle, so kind and so sweet to me during the time we spent together. You are the first person who has ever made me feel extra special. You made me feel beautiful even if I know that I'm actually plain-looking kompara sa ibang babaeng nakakasalamuha mo. You made me fall in love with you without even realizing it, you idiot! Manhid lang ang babaeng hindi magkakagusto sa yo! Kaya hindi mo ako puwedeng kondenahin kung ma-in love man ako sa yo! Kaya nade-depress ako ngayon kasi may girlfriend ka na at alam kong walang patutunguhan ang mga nararamdaman ko para sa yo. Pero wag kang mag-alala. Hindi porque sinabi ko ang lahat ng ito ay obligasyon mo nang suklian ang pagmamahal ko sa yo. I'm not asking you to love me in return. Just let me continue to love you even just for a little while. Makakapag-move on din ako, promise! Ayan! Naiintindihan mo na? Okay na? Puwede na ba akong pumasok sa bahay ko at magmukmok? Kailangan ko pa kasing pulutin ang nagkalasog-lasog kong puso habang maaga pa."
"You... you really love me?" Naninigurong tanong ni Borj.
"Oo nga! Wag kang magtanga-tangahan diyan kasi di bagay sa yo."
"T-teka!" Pigil ni Borj kay Roni. "Kung mahal mo ako, bakit mo kailangang mag-move on? At bakit mo ako kakalimutan?"
"Eh, kasi nga, may girlfriend ka na!" Bad trip to ah, paulit-ulit? "Kaya kailangang kalimutan na kita kasi kawawa naman ako kung patuloy kitang mamahalin."
BINABASA MO ANG
Charmed By You
RomanceSi Roni ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Pero ginising ni Borj ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita, nagkasagutan sila at muntik na niyang maisama ang lalaki sa listahan ng mga...