Chapter Five

325 25 8
                                    

KALALABAS lang ni Roni ng bahay nang makasalubong niya si Missy kasama ang kapitbahay nilang si Yuan. "Saan ang punta niyo?"

"Sa grocery ni Carol," sagot ni Missy. "Ikaw?"

"Doon din."

"Sabay na tayo kung ganoon," yaya sa kanya ni Yuan.

Halos nangangalahati na sila ng nalalakad nang maramdaman ni Roni na may tumabi sa kanya. Paglingon ay nakita niya ang nakabisikletang si Borj.

"Magandang hapon," bati ni Borj sa kanilang tatlo.

"O, Saan ang punta mo, Borj?" tanong ni Yuan.

"Sa grocery store," sagot ni Borj.

"Kung ganon, isabay mo na si Roni," ani Missy.

"Bakit? Saan ba ang punta ninyo?"

"Sa grocery store din."

"Eh, bakit hindi na lang tayo magsabay-sabay?" nakakunot-noong tanong ni Borj.

"Naiwan ko kasi yong wallet ko. Babalikan ko lang sandali," palusot ni Missy. But Roni knew better. Alam niyang ibinubuyo lang siya ng kaibigan kay Borj. Mukhang hanggang ngayon kasi ay ongoing pa rin ang pustahan ng mga kaibigan niya. "Sasama sa akin si Yuan." Siniko ni Missy ang lalaki. "Di ba?"

"Oo na." Nagpapaumanhing ngumiti si Yuan. "Pasensiya na, pare. Mauna na kayo."

Bago pa makahirit si Roni ay nakalayo na sina Missy at Yuan at naiwan sila ni Borj na nakasunod ang tingin sa papalayong pigura ng dalawa. Nang hindi na nila matanaw ang dalawa ay nagkatinginan na lang sila. Lintek! Hindi niya mapigilan ang sarili na mailang dahil sa bagong tuklas niyang damdamin para sa binata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang magiging reaksiyon kahit halos dalawang araw silang hindi nagkita.

"Gusto mong umangkas na lang para mabilis tayong makarating sa grocery store?" Alok ni Borj. Waring nakita ang pag-aalangan sa mukha niya. "Wag kang mag-alala. Maingat naman akong mag-bike."

Tumango si Roni at akmang sasakay sa likuran pero pinigilan siya ng binata.

"Huwag ka riyan. Baka magalusan ang binti mo sa kadena. Dito ka na lang umangkas sa harap ko."

Alumpihit na lumapit si Roni at umangkas sa harapan ng bisikleta. Nang masiguro ni Borj na okay na siya ay umalis na sila. Noong una ay ilang na ilang siya sa sitwasyon nila pero pagkalipas ng ilang sandali ay unti-unti na rin siyang na-relax. Itinuon na lang niya ang tingin sa kalsada para pagtakpan ang nararamdaman. Nagwawala na kasi ang kanyang puso sa sobrang tindi ng nararamdaman. Nag-aalala na nga siya na baka naririnig ng lalaki ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Damn! Her poor heart wasn't ready for this.

"Okay ka lang ba riyan, Roni?" tanong ni Borj.

"Oo."

"Sabihin mo lang kung nasasanggi ka ng kadena o hindi ka kumportable."

"Okay lang ako. Just... Go on."

Sa loob ng durasyon ng pagsakay ni Roni sa bike ni Borj, pakiramdam niya, anumang sandali ay bibigay na ang pobre niyang puso. Kung puwede lang kasi iyong makawala sa kanyang dibdib, baka nagtatakbo na iyon palayo sa lalaki. Habang patagal nang patagal na nakakasama ng dalaga ang lalaki ay lalo lang niyang nararamdaman ang unti-unting pagnakaw ng binata sa puso niya.

Shit! Ang Akala niya ay imbento lang ng mga romance writer na gaya niya ang mga ganoong klaseng pakiramdam pero nagkamali siya. Puwede pala talaga iyong maramdaman sa totoong buhay at isa ang nararamdaman niya sa mga living proof na mayroon talagang nag-e-exist na ganoon katinding damdamin kapag kasama mo ang lalaking gusto mo.

Charmed By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon