Chapter Eight

505 28 14
                                    

HINDI mapakali si Roni habang pabalik-balik na naglalakad sa sala. Limang minuto na lang ay mag-aalas siyete na at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapakali. For the nth time tonight, she checked her reflection in her full-length mirror. Sa kuwarto niya talaga nakalagay ang salamin na iyon pero dahil sa sobrang pagka-paranoid na hindi siya maganda ngayong gabi ay binitbit na niya pababa sa sala para kung gusto niyang inspeksiyunin ang sarili ay hindi na niya kailangan pang mag-akyat-panaog.

Talagang nag-ayos siya para sa date nila ni Borj. She wore a black dress cut above the knee which complimented her fair complexion. Tinernuhan niya iyon ng kukay pulang wedge sandals. She did her hair in a fishtail braid and let loose a few strands of hair on her face. Nagpatulong pa siya kay Jelai at Missy na mag-apply ng makeup dahil gusto niyang maging maganda sa paningin ni Borj. She wanted to look her best for him. Plus, this was the first time that she was going out with someone she really liked.

Lalo siyang nataranta nang marinig ang pagtunog ng doorbell. She frantically checked her appearance in the mirror for the last time before opening the door. Saglit siyang napatulala kay Borj nang mapagmasdan ang lalaki. He was wearing a three-piece suit. Iyon ang unang beses na nakita niyang nakasuot ng formal suit si Borj dahil madalas ay naka T-shirt lang at cargo shorts.

Borj in a formal suit was ten times more gorgeous. Parang gusto nalang tuloy harass-in ni Roni ang lalaki lalo pa at matamang nakatingin sa kanya na tila ba siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Mukhang nagbunga ang paghihirap niya dahil na-achieve niya ang goal sa gabing iyon. Kitang-kita sa mukha ng binata ang paghanga sa kanya.

Tumikhim siya para umayos ang takbo ng kanyang utak. "H-hi," nauutal pang bati niya.

"Hello," Borj didn't even bother to hide the admiration in his eyes as he stared at her. "You look really pretty tonight."

"Thank you."

"Shall we?"

Tumango si Roni. Inalalayan siya ni Borj papunta sa naghihintay na pulang Mustang sa tapat ng kanyang bahay. He was the perfect gentleman. At kahit nagsisimula pa lang ang gabi para sa kanilang dalawa ay nakikinita-kinita na niyang isa iyon sa mga pinakahindi niya makakalimutang gabi sa buong buhay niya.

Hindi nagtagal at binabagtas na nila ang daan palabas ng village. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa at pareho lang na pinakikiramdaman ang isa't isa. Lalo lang tuloy ninerbiyos si Roni at hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok nang mabilis.

Talk, Roni! Engganyo sa kanya ng isang bahagi ng kanyang isip.

Ano namang sasabihin ko?

Kahit ano. Just talk. Tumikhim si Roni. "I can't believe we're actually doing this."

"Me neither," sagot ni Borj. Narinig niya ang mahinang pagmura ng binata kaya napatingin siya sa binata. Nahalata yata iyon kaya saglit din siyang nilingon. He smiled apologetically before turning his attention back on the road. "Sorry. I feel like I'm having a panic attack."

"Bakit?" nakakunot-noong tanong ni Roni.

"It's just that... you look so beautiful, you're making me nervous."

He's so honest! "Actually, you're making me feel nervous, too," nahihiyang pag-amin niya. Ang Akala niya ay siya lang ang kinakabahan nang ganoon. Iyon pala ay pareho lang silang dalawa ng nararamdaman. Hindi tuloy niya napigilan ang bahagyang matawa.

Naramdaman ni Roni ang unti-unting pagkalma ng kanyang puso. "Parang timang tayong dalawa. Kinakabahan tayo sa isa't isa."

"Yeah," kalmado na ring sagot ni Borj. Naging okay na rin ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. "Ang ganda mo kasi ngayon kaya kinakabahan ako."

Charmed By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon