Chapter 1: Pinkish Start

8 3 5
                                    

P I N K

"Gosh. Nakaka-loka naman ang panahon ngayon. Napaka-init. Oh, my pretty skin, ano na lang gagawin ko kapag nagaya kayo sa balat ni Itim? Yock. Just imagining it, I'm already dying! Gosh."

"Oy! Oy! Ang aga-aga puro ka drama diyan. Eh kung tumulong ka kaya muna sa pag-aayos do'n? Kailangan ka nila do'n ngayon, hindi pa daw tapos kulayan 'yung bulaklak."

Speaking of Itim, badtrip na umalis ako sa may bintana pagkasulpot niya doon para lang sermonan ako. Tumaas ang kilay ko dahil sa kaniya. Grr. Nakakagigil ang face niya.

Bored na naglakad na lang ako papunta kila Pula na busy ngayon sa pagpapaganda ng homework ni Nene. Tss. Here we go again, muli na naman nilang gagamitin ang kagandahan ko para lang sa 'artwork' nila. Tss. Nakakainis.

Kay tagal kong iningatan ang mala-beauty queen na height ko pero sasayangin lang naman nila para diyan. Grr. Bakit ba kasi hilig ni Nene na puro pink ang ipangkulay sa bulaklak?
Hello? Hindi lang po pink ang kulay ng bulaklak. Psh. Andiyan naman sila Dilaw at Lila para ipang-alternate sa'kin eh. Palagi na lang ako. Can't they see na pudpod na pudpod na ako? Gosh.

"Oh, Pink. Andiyan ka na pala. Pumwesto ka na dito oh, lagyan mo ng kulay 'yung mga parte na nakalimutan ni Nene na kulayan kagabi. Mamaya na ang pasahan nila nito sa School, kaya kailangan bago siya magising tapos na natin ito," litanya ni Pula habang nakangiti sa'kin. Hindi naman ako nakagalaw agad pagkakita ng mga ngiti niyang iyon.

Oh gosh. Bakit ba kasi napaka-pogi nitong lalaking 'to? Naku, kung hindi ko lang 'to crush, baka hayaan ko na lang si Nene na magpasa ng mukhang ewan na artwork niya. Huhu. Sige na nga, tutulong na'ko.

Nagsimula na'kong tumungo sa pwesto ko katabi ni Berde na kasalukuyan ngayong nagkukulay sa dahon part. Buong sigla akong rumampa roon habang sumusulyap-sulyap kay Pula, nagbabakasakaling pinanonood niya ako. Gosh. I need to pakitang-gilas noh! Dagdag pretty points din iyon!

Habang rumarampa ako sa ibabaw ng bulaklak, muntik na akong matapilok dahil sa nakita ko sa labas ng papel.

Si Pula... katawanan niya si Dilaw sa may gilid. Mukhang masayang-masaya sila.

Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko. Nabiyak ang puso ko. At hindi ko namalayang kusang naglalakad na pala palayo ang mga binti ko papalabas ng papel. Hindi ko na kaya. Masyado ng masakit.

Naglakad ako palayo sa kanila habang pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hanggang sa ang lakad ay naging takbo, na kalauna'y dinala ako sa isang madilim na lugar kung saan ay nag-iisa lang ako.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Mali. Hindi pala ako mag-isa.

Napalingon ako sa nagsalitang iyon sa likuran ko.

Mabilis ko siyang nakita kahit madilim, dahil sa kulay ng balat niya.

"W-Wala. Ikaw, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya pabalik.

Hindi naman niya 'ko sinagot at naglakad lang palayo.

Maya-maya pa, narinig ko ulit siyang nagsalita.

"Wala naman akong gagawin roon. Hindi ako kailangan ni Nene. Wala akong silbi sa kaniya."

Teka, mukhang may kakabog pa ata sa pagiging broken ko ngayon ah?

Tiningnan ko siya mula sa likuran niya. Napa-ismid ako. "Anong drama ba 'yan? Tumigil ka nga. Kung mayroon mang may karapatan para magdrama ngayon, that is me. Alam mo bang nagkakamabutihan na ngayon sina Dilaw at Pula? Tss. That happy-go-lucky girl, ano namang nagustuhan ni Pula sa kaniya? Dahil ba palagi siyang nakangiti? Psh. If only that's the case, e'di sana sinabihan niya 'ko para naman habang maaga pa nahiram ko na agad ang bunganga ni Spongebob! Grr."

Hinintay ko magsalita si Puti sa kinatatayuan niya pero nag-aksaya lamang ako ng three precious minutes of my life dahil hindi man lang ito nagsalita. Tss. Bahala nga siya diyan.

Nagdecide na 'kong umalis sa lugar na 'yon at naghanap na lang ng bagong lugar na mapag-iiyakan. Napadpad naman ako sa likuran ng picture frame 'di kalaunan.

"Oh why, Pula? Why?? Bakit si Dilaw pa na mukhang nanay ng mga minions? Bakit hindi na lang ako? Napakaganda ko. Perpekto. Lahat na ata ng kalalakihan, nagkaka-crush sa'kin. So, why it's still not me??" Humagulhol ako habang paunti-unting niyayakap ang sarili.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko ng ilang sandali para hayaang tumimo ang sakit. Para akong scarlet stone na binibiyak ngayon at wala akong ibang magawa kun'di ang hayaan ito. An'sakit. An'sakit-sakit.

Tumagal ako ng ilang minuto sa kinaroroonan ko at hinayaan lang na maubos ang luha ko. At nang maramdaman kong medyo na-release ko na 'yung sakit, nagdecide na rin akong bumalik kila Berde sa may table ni Nene.

Naabutan ko naman roon sila Kahel na isinisigaw ang pangalan ko. Napakunot ang noo ko. Hinahanap ata nila ako.

Sinimulan kong magpakita sa kanila, at bakas naman sa mga mukha nila ang tuwa nang makita ako.

"Pink!!"

Lumapit sa'kin si Brown. Akmang yayakapin na sana niya 'ko kaso bigla ko siyang pinigilan.

"Don't you dare touch me!" sigaw ko rito habang dinuduro-duro siya. Napaatras naman agad ito.

"S-Sorry," anito habang nakayuko.

Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nang makalapit si Brown. Napatingin sila sa'kin at nakita ko ang lungkot sa mga mata nila.

Lalo na ni Pula.

"Pink, pasensya na. Nag-alala lang naman sa'yo si Brown dahil bigla ka na lang nawala. Hinanap ka namin kung saan-saan pero 'di ka namin matagpuan. At ngayong nakita ka na namin, expected na na magiging masaya kami," sabi ni Pula habang naka-akbay kay Brown na tila dinadamayan ito.

Napa-ismid ako. Tss. That gay brat. If only they knew na pagpapanggap lang naman 'yang concern na pinapakita niya ngayon sa'kin, I bet they will also do what I did. Hmp. Baka nga nagdiriwang na 'yan kanina dahil sa pagkawala ko e. Dahil mapupunta na sa kaniya ang korona.

Psh. Never!! Bakla siya! 'Wag na niyang pangarapin na maging kagaya ko dahil sobrang malabong mangyari na maging kulay pink ang kulay brown!! He will never be me. As in never!

"Okay, okay. I get it. Nagpahangin lang naman ako sandali, todo hanap agad kayo. Tss. So mind if you excuse me? Magpapahinga lang ako sa Crayon Box." Nilagpasan ko na sila na ngayon ay 'di pa din maka-get over sa nangyari. Napa-ismid na lang ako.

Bakit ba concern na concern sila sa'kin? Ako lang ba 'yung missing in action kanina? Bakit hindi nila hanapin si Puti? Tutal, wala rin naman siya kanina. Pfft.

Tumungo na'ko papasok sa Crayon Box para makapagpahinga. Sakto namang pagkarinig ko ng pag-alingawngaw ng nakakarinding alarm clock ni Nene sa labas.

Gising na siya.

Wala na'kong pake kung ano pa man ang naging itsura ng homework niya kanina pagka-walk out ko. Bahala siya sa buhay niya. Mahihilom ba ng grado niya sa School ang mga sugat na tinamo ko sa puso kanina? Maaalis ba no'n 'yung sakit na dumikit na sa dibdib ko na parang plema? Hindi naman 'di ba? Dahil walang anuman ang makapagtatanggal pa nito. Kahit ang mga ngiti pa ni Pula.

Nagsimula na lang akong pumikit para maipahinga ang sarili. Hindi naman naging mailap sa'kin ang antok dahil kaagad din ako niyong sinaniban.

Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon