I T I M
Oh, the overwhelming
Never-ending
Reckless love of God
Oh, it chases me down
Fights 'til I'm found
Leaves the ninety-nineBored lang akong nakatingin sa mga kabahayan na nadadaanan namin habang sakay ng umaandar na sasakyan. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandirito, pero nasisiguro kong matagal na, dahil maliwanag pa ng makaalis kami sa Baryo Helena kanina, at ngayon halos nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan.
Kanina pa tumutugtog ang kantang iyon sa stereo ng jeep at medyo nakakabisa na rin ng utak ko ang tono nito.
Inilibot ko ang tingin sa mga kasamahan ko sa loob ng sasakyan at napansin ko na tulog na ang iba sa mga ito. Si Brown ay mahimbing na mahimbing na ang tulog sa ibabaw ng puting sako. Katabi naman niya roon 'yung dalawa ni Berde at Lila na mga nakanganga pa.
Napa-iling-iling na lang ako.
Lumingon ako sa may unahan at nakita ko na nag-uusap-usap doon 'yung tatlo nina Kahel, Dilaw at Pula. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero sigurado ako na tungkol kay Puti na naman iyon.
Tss. Hindi ko mapigilang mairita. Bakit ba sobrang concern na concern sila sa isang iyon? At ginawa pa talaga nilang hanapin siya ha?
Kung hindi lang talaga dahil kay Pula, hindi ako sasama rito eh. Pa'no kasi pinakiusapan ako kanina na sumama sa kanila dahil pumayag na rin naman si Pink no'ng mga oras na iyon. Ayaw siguro nila 'kong maging mag-isa roon sa bahay kaya pinilit na nila ako.
Saka may sinabi rin siya kanina na nagpatigil sa'kin eh. Habang nakatitig sa'king mga mata, sinabi niya ang linyang ito:
"Paano kung ikaw naman ang mawala? Hindi ba gugustuhin mo rin na gawin namin 'tong ginagawa namin ngayon sa kaniya? Isipin mo, Itim, napaka-delikado sa labas. Maraming pwedeng mangyari kay Puti na hindi natin inaasahan. Oo ginusto niya 'yon, ginusto niyang maglayas. Pero bakit nga ba siya naglayas? Dahil sa rason bang ginusto rin niya? Itim, alam naman nating lahat na hindi. Alam natin at narinig natin mula mismo sa kaniya kung gaano siya nasaktan sa lahat ng mga pinagdaanan niya mula sa kamay ni Nene. At ngayon, kailangang-kailangan niya tayo. Sino bang nakakasiguro na matatagpuan nga niya sa lugar na pupuntahan niya ang pagmamahal at pagpapahalaga na hinahanap niya? Paano kung masaktan lang rin siya ulit at kwestyunin lalo ang halaga niya? Itim, hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon sa kaniya. Sobra-sobra na ang sakit na naranasan niya at ayo'ko ng madagdagan pa iyon. Mahal ko si Puti... at kung kailangang gawin ko ang lahat ng kalokohang ito sa tingin mo, gagawin ko. Dahil gano'n ko siya ka-mahal."
Hindi ko siya maintindihan, sa totoo lang. Bakit ba ganiyan na lang ka-bait 'yang si Pula? Bakit ang laki-laki ng puso niya para sa iba? Lalo na sa isang gaya ni Puti...
Gusto kong bigyan niya 'ko ng kahit katiting lang na awa na mayro'n siya para kay Puti, para naman maintindihan ko na din kung anong pinaglalaban niya. Pero paano? Paano mangyayari 'yun?
Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa may bintana at pinanood ang mga kabahayan na nadadaanan roon. Natigil naman na ang kanta sa stereo at napalitan na iyon ng isa pang kanta.
Tumila na rin ang ulan pagkapasok namin sa bukana ng bayan. Napuno ng ingay sa paligid dahil sa kumpulan ng mga tao na nadadaanan namin sa labas.
BINABASA MO ANG
Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]
FantasiaSi Nene ay may sampung krayola. Ngunit may isang naiiba sa kanila... Si Puti. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at halaga dahil kailanman ay hindi pa siya ginamit ni Nene upang kulayan ang mga guhit niya. Kaya naman itong si Puti ay naglayas; sa...