Chapter 7: The Love that Conquers All

3 2 0
                                    

A S U L


Hindi ako sanay sa katahimikang namamayani ngayon sa loob ng Crayon Box. Halos ni isa man sa amin ay walang nagbabalak na mag-ingay o kaya ay magsalita.

Well, maliban kay Pink, syempre. Wala namang pakialam iyan sa mga nagaganap sa paligid niya. Ang importante lang sa kaniya ay naaalagaan niya ang kutis niya. Tss.

"Guys, hanggang dito na lang ba talaga tayo?" Biglang may nagsalita sa sulok na siya namang ikinagulat ko. Napatingin ako rito. Si Brown...

"Gano'n na lang ba natin kadaling susukuan si Puti?" pahabol pa niya habang seryosong nakatingin sa aming lahat. "Hindi ba nagdaan na rin tayo sa ganito noon? Noong panahong nawala siya at pumunta sa lugar na malayo? Gustong-gusto na rin nating sumuko noon pero anong nangyari pagkatapos ng lahat? Nahanap pa rin natin siya, naibalik natin siya. At itong mga nangyayari ngayon, hindi ba parang ang dali na lang nito kung ikukumpara sa sitwasyon natin noon? Nakikita pa rin natin si Puti ngayon, abot-tingin pa rin natin siya. Hindi kagaya noon na halos ni anino niya wala tayong makita upang paghugutan man lang ng kahit konting lakas ng loob para ipagpatuloy pa ang paghahanap."

Ibinaling niya ang tingin kay Dilaw na ngayo'y nagmumukmok lang sa isang sulok.

"Dilaw, hindi ba ikaw na rin ang nagsabi sa'min noon na hindi tayo dapat kailanman sumuko? We shouldn't loose hope, because hope is something that forever stays on our side. Umalis man ang lahat, pero ang hope hinding-hindi tayo iiwanan. Pero sa mga ipinapakita natin ngayon, bakit parang pinapamukha natin na tila iniwanan na tayo ng pag-asa? Nasa'n na 'yung mga matatapang na kaibigan ni Puti na hinding-hindi siya kailanman sinukuan noon? Nasa'n na 'yung mga kaibigan niyang 'yun na kahit ilan pang ahas, aso o bubuyog ang humarang sa daan para lang mahanap ulit siya, hinding-hindi patitinag sa takot? Guys, iyong mga kaibigan niyang iyon ang kailangang-kailangan ni Puti ngayon. Nasa panganib ngayon ang buhay niya... at wala ng iba pang makapagliligtas sa kaniya mula roon kun'di tayo-tayo lang rin na mga kaibigan niya na nagmamalasakit sa kaniya. Wake up guys! Kailangan tayong lahat ni Puti!!!"

Hindi ko inasahan na sobrang ma-uuplift ako ng mga sinabi na iyon ni Brown. Grabe... hindi ko alam na may ganito palang side ang isang 'to. Lelembot-lembot lang 'yan sa isang tabi pero 'di mo aakalain na napakatigasin pala kung magsalita.

Napalapit ang ilan sa kinaroroonan ngayon ni Brown at saka yumakap rito. Narinig ko ang paghikbi nina Dilaw, Kahel at Lila na halatang tinamaan ng matindi sa mga sinabi niya kanina.

Parang magic, na sa isang iglap, ang kaninang tahimik na Crayon Box ay napuno ng ingay at iyakan na siyang nagpapangiti sa'kin dahil muli ko na namang nakita na buhay ang mga kaibigan ko matapos ng ilang sandali na kanilang pagkamatay.

"Tama si Brown, guys... hindi natin dapat tapusin na lang dito ang lahat. Hindi natatapos sa pagsuko ang labang ito na sama-samang pinasok natin. Hindi basta-bastang mauuwi na lang sa operation failed and operasyong ito na binuo natin. Lalaban ulit tayo. Magpapatuloy ulit tayo. Hanggang sa makamit na rin natin mismo ang inaasam nating tagumpay at pagka-panalo. We are the krayolas of Nene!! At walang krayola ni Nene ang talunan!!!"

Sabay-sabay na napasigaw kami pagkatapos ng sinabi na 'yun ni Dilaw. Halos mapuno naman ng galak ang puso ko ngayon dahil sa mga nangyayari.

Tama. Ganito nga. Lumaban ulit tayo. Magpatuloy ulit tayo.

Kailangan nating ipamukha sa mga Pastel na iyon na hindi tayo basta-basta na mga pangkulay lang.

KRAYOLA TAYO, HINDI TAYO KRAYOLA LANG.

o x o x o x o x o x o

L E M O N


"Bakit, ano bang meron? Bakit kailangan pa nating lumabas?" tanong ni Puti sa'min nang ayain namin siya na lumabas ng bahay.

Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon