Chapter 6: Trip to Buencamino

2 2 0
                                    

B R O W N


Kaagad na tumakbo kami palabas ng maisan para humanap ng masisilungan. Bigla na lang kasing umambon kanina pagkatapos ng scary encounter namin sa gigantic snake.

Nandito na kami ngayon sa ilalim ng isang Shed sa tabi ng kalsada. Good thing na nakita namin ito bago pa man tuluyang maging ulan ang ambon.

Hays. Muntik na sanang masira ang damit na suot ko pero buti na lang at naprotektahan ko ito. Si Asul, siya ang may pinaka-nasirang damit sa aming lahat. Basang-basa na kasi ito at napupunit na.

Pero okay lang naman 'yun, lalaki naman siya. Ang masama, kami nina Dilaw, Pink at Lila ang masiraan ng damit. Gosh. Hindi ko ata kakayanin 'yun if ever.

Pinanood ko na lang ang pagpatak ng mga butil ng ulan sa kalsada habang naghihintay kami na tumila ito.

Bagot ang halos lahat ngayon nang ilibot ko ang tingin ko. Tila hindi inasahan ang trahedyang nangyari kani-kanina lang.

Hays. Kahit naman ako noh. Halos mamatay na kaya ako sa takot dahil lang sa gigantic snake na 'yun! I thought it was the end of the world.

Pero buti na lang at dumating sina Pula at iniligtas kami.

"Ano ng sunod na plano natin ngayon?" Napalingon ako kay Kahel ng biglang basagin niya ang katahimikan.

Nagkapalitan naman ang lahat ng tingin dahil do'n.

"E 'di umuwi. Ano pa ba? Tsk. Sinabi ko naman na sa inyo kahapon pa na walang patutunguhan 'tong kalokohang 'to. Pero anong ginawa niyo? Hindi kayo nakinig! Ayan tuloy, muntikan pa tayong mamatay ngayon."

Medyo na-hurt ako pagkarinig ng sinabi na 'yun ni Itim. Pero on the other side, medyo may point rin naman siya.

"Alam mo naman pala na walang patutunguhan 'to pero bakit nagsama-sama ka pa?" Nagpantig bigla ang tenga ko dahil sa sinabing iyon ni Asul. Uh-oh. I think war na'ng kasunod neto. Huhu.

"Bakit? Ako ba ang nagpilit? Eh ayaw ko naman talaga sumama rito, pero pinilit niyo pa rin ako!" Tumingin siya sa gawi ni Pula na ngayon ay tahimik lang sa isang tabi.

"Pero pumayag ka pa rin! Pwede mo naman 'yon tanggihan e, pero pinili mo pa ring pumayag! Kaya wala kang karapatang sermonan kami ngayon gayong nandirito ka rin at kasama namin sa kalokohang ito!"

"Asul, tama na 'yan!" sita sa kaniya ni Dilaw dahil tumataas na ang boses nito.

Napasabunot na lang ako sa buhok dahil sa frustration. Gosh. Kailan ba matatapos ang walang patid na bangayang ito?

Inialis ko na lang ang atensyon ko sa kanila at naglakad-lakad sa may area ng Waiting Shed. Hindi pa din tumitila ang ulan at tila palakas pa iyon ng palakas.

Sa paglilibot ko sa area, biglang nahagip ng paningin ko ang isang sulat sa may pader ng Shed. I think vandal ito, at nakakapagtaka lang dahil color white ang ginamit na panulat, rather than the usual black.

Nakakunot ang noo na binasa ko ito.

Paalam baryo Helena, paalam mga kasama kong krayola, paalam... Nene. Ito na ang huling araw ko sa lugar na'to. Aalis na'ko upang hanapin ang halaga ko sa lugar na malayo.

Halos malunok ko na ang adam's apple ko dahil sa sobrang pagkagulat sa nabasa ko. Tila na-estatwa na'ko sa kinatatayuan ko dahil hindi na'ko maka-kibo.

"G-guys..." pagtawag ko sa mga kasama ko habang hindi pa din tinitikal ang tingin sa vandal na ginawa ni Puti.

Pansamantalang nabaling naman ang tingin nilang lahat sa'kin mula sa nagbabangayan pa ring sina Itim at Asul.

"Ano 'yun Brown?" takang tanong ni Kahel.

Dahan-dahan ko namang itinuro gamit ang daliri ko ang vandal sa harap ko. Automatikong napatingin silang lahat ro'n.

"Si Puti... wala na siya sa baryo Helena..." sabi ko habang binabasa pa nila ang sulat. "...At nanggaling na rin siya dito. Dito sa Shed na'to."

Nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa na tila nakarinig sila ng masamang balita.

"Wait, what if nandirito pa din siya? I mean, within this area? Baka hindi pa siya gaanong nakakalayo," ani Lila na siya namang nakapagpa-isip sa'min.

"Guys, hindi. Malabo. Kahapon pa siya nakaalis ng bahay, so may possibility na baka kahapon pa siya napadpad rito at nasa malayo na nga siyang lugar ngayon," sabi naman ni Berde na kahit papano'y may point. Napasapo na lang kami sa aming ulo.

Pinagmasdan ko ang pagdaan ng ilang sasakyan sa basa pa ring kalsada habang nag-iisip ng iba pang possible na idea. Napag-obserbahan ko na wala pa lang gaanong sasakyan ang dumadaan sa kalsadang ito bukod sa mga motor at tricycle. Jeep na ang pinaka-malaki.

"Guys, what if sumakay kaya si Puti sa mga sasakyang dumadaan rito?" biglang tanong ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa'kin. "Maaari. Pero paano naman siya makakasakay? Eh umaandar ang mga 'yon?" balik na tanong ni Kahel.

"Tss. Probably huminto. Hello? There is a Waiting Shed here. So malamang hihintuan nila 'to for some reasons. Tss, moron." Napatingin kaming lahat kay Pink nang bigla na lang 'tong magsalita sa gilid.

Halatang nainsulto si Kahel sa sinabi niya pero pinigilan na lang siya ni Dilaw.

"Hindi malabong mangyari 'yun. Pero ang tanong ngayon, saang direksyon papunta ang sasakyang nasakyan niya?" tanong naman ni Lila.

"Sa kanan." Nagulat kami nang bigla na lang magsalita si Pula. Kanina pa siya tahimik sa isang tabi at tila malalim ang iniisip.

Napatingin kami sa kaniya. "Nakita ko noon ang mapa ng Baryo Helena na nakadikit sa loob ng classroom nina Nene. At naalala ko na minsan din iyong pinagmasdan ni Puti. Base sa pagkakatanda ko, ang tanging daan palabas ng Baryo ay ang kalsadang patungo sa kanan. Papunta iyon sa bayan ng Buencamino na siyang kapitolyo ng buong probinsya. Kaya kung susundan natin si Puti, kailangan nating sumakay ng jeep na papunta roon."

Napahinto kami sa narinig. Bayan ng Buencamino? Hindi ba sobrang layo na no'n? Paano naman mangangahas na pumunta ro'n si Puti? Napapraning na ba siya??

Pero naisip ko, depressed nga pala siya. At sa pagkakaalam ko, hindi na maayos ang pag-iisip ng mga gano'n. Kung ano ang maisip nila na pantakas sa sakit, gagawin nila kahit pa sobrang crazy no'ng idea na 'yon.

"Guys, ayun! May paparating na jeep!" sigaw ni Berde habang nakaturo sa may kalsada. Tiningnan namin iyon at nakakita nga kami ng umaandar na jeep sa 'di kalayuan.

"Gosh. Seriously?! Susundan niyo talaga siya??" biglang asik ni Pink sa gilid habang 'di makapaniwalang nakatingin sa'min.

"Bakit hindi? Importante si Puti para sa'tin. Kaibigan natin siya. At hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kaniya sa lugar na 'yun," ani Pula sa kaniya na siya namang ikinatigil niya. Hindi na lang siya umimik.

Nang makalapit na ang jeep sa may Waiting Shed, napatalon kami sa tuwa dahil sa paghinto nito.

Yes!!!

Bumaba mula roon ang isang mataba at balbas-saradong lalaki kaya napatago kami sa isang gilid. Tumungo naman siya sa may parte ng Shed na tago pero may bubong pa rin. Doon... umihi siya.

Nagkatinginan kami sa isa't-isa nang mapagtanto na pagkakataon na iyon upang makasakay kami sa jeep. Kung kaya dali-dali kaming umakyat sa may likuran ng sasakyan at sumampa sa mga sako na nasa loob.

Sa tingin ko'y delivery jeep ito at hindi pampasahero. At itong mga sako na naririto, mga prutas at gulay ang laman nito.

"Guys, saktong-sakto, I'm sure sa bayan ng Buencamino papunta ang jeep na'to. Idedeliver ito ni manong sa palengke roon," ani ko habang nakangiti. Gano'n na rin naman ang naging reaksyon nila.

Ilang saglit pa, umandar na rin ang jeep at napakapit pa kami sa mga sako dahil sa mabilis na takbo nito.

This will gonna be a long ride. Hays. I think kailangan ko na ngayon matulog para fresh ako pagkadating namin doon.

Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon