Special Author's Note

4 2 0
                                    


Hello po!!

Thank you for reading this story! :)

I hope marami pong na-reach out ang storya na'to at nakapagturo ng isang napakahalagang mensahe sa sinumang makakabasa.

This story is made to inform and transform every soul who has wandered away from Love. Sa lahat ng kaluluwang patuloy na hinahanap ang pinaka-purpose nila sa buhay.

In this story, I used the character of a white crayon na si Puti upang i-represent ang lahat ng tao na pakiramdam nila wala silang halaga. Na walang nagmamahal sa kanila. Na mag-isa lamang sila sa pagharap sa lahat ng dagok na ibinabato sa kanila ng mundo. We can see in the story kung gaano ka-desperado si Puti upang hanapin ang pagmamahal at pagpapahalaga na hinahangad niya. Which is oftentimes, kagaya rin natin dahil nagpapakapagod tayo na hanapin ang worth natin sa mata ng iba, o sa mundong ito. Pero kagaya ng nangyari kay Puti, nabigo rin tayo. Kasi imbes na maramdaman natin 'yung pagpapahalaga, tila mas lalo lang natin na-kwestyon ang kahalagahan natin. And there, we were left hopeless. Wounded. Beyond repair.

But the good thing about this story is that, nagpapakita ito ng pag-asa. It shows here na kahit gaano ka pa man ka-wasak at ka-sira, there is always a someone that is ready to fix you up again and again and again and again. At sa storyang ito, iyon ay ang red crayon na si Pula.

The primary color. The one that is located at the peakest part of the rainbow. The favorite one. And the color that represents love. And this character represents none other than God or Jesus Christ.

You know, we all consider God bilang ang pinaka-mataas sa lahat ng bagay. The Most Powerful One. And the Almighty One, ika nga ng ilan. Pero kung mapapansin niyo po sa story na ito, that Most Powerful One had humbled Himself at hinubad ang identity Niya ng pagiging mahalaga at mataas. Kagaya ng ginawa ni Pula, iniwan niya ang lahat ng mahahalaga sa kaniya kagaya ng Crayon Box na tahanan niya, ang bahay nina Nene, at si Nene mismo na nagmamay-ari sa kaniya. Iniwan niya ang lahat ng 'yun upang hanapin ang sa tingin niyang mas mahalaga pa roon. Si Puti... ang kaibigan niya.

Tayo.

God has left everything in His Throne in Heaven para lang bumaba dito sa lupa at hanapin tayo. Tayo na naliligaw sa mundong ito na puno ng kadiliman. Tayo na nakagapos sa tanikala ng kasalanan at mga maling desisyon natin sa buhay. Tayo na uhaw sa pag-ibig, pag-unawa at pagmamahal. Tayo na nahaharap sa kaparusahang dulot rin ng mga nagawa nating pagkakamali sa buhay. Tayo na durog. Sira. Basag. Wasak at gusto na lamang tapusin ang ating buhay.

He left Heaven and everything just to find us. Just to take us back to the paths of His plans.

Ilang beses rin natin Siyang ni-reject at tinakbuhan. Naging manhid tayo sa pagmamahal Niya para sa'tin. Ngunit kagaya ni Pula, hindi pa rin Niya tayo sinukuan. He still pursued us and chased us. Kahit marami nang sumuko sa atin, Siya nananatili pa rin. Kasi mahal Niya tayo eh. And He is ready to do anything para lang maibalik Niya tayo ulit.

Kahit pa ang harapin ang kamatayan.

Two thousand years ago, Jesus Christ has been crucified at the Cross and later died. Ipinako Siya sa krus ng mga tao noon dahil sa mga aral na itinuturo Niya sa mga tao. But na-misinterpret nila iyon at inakala nila na nilalason lang niya ang isipan ng mga nakikinig sa kaniya, kung kaya't hinuli nila Siya at dinala kay Pilato na Gobernador noon. Hinatulan Siya nito ng kaparusahang Romano na kung saan ay itinuturing na pinaka-malupit at pinaka-brutal na parusa sa buong mundo. Wala Siyang ginawang masama kahit kanino man, pero hinarap Niya ang parusang iyon. Walang imik, walang pagtutol, walang pagpupumiglas. Bakit? Dahil kagaya ng ginawa ni Pula, alam Niya na ginagawa Niya ang bagay na ito para sa isang mahalagang rason. At iyon ay upang iligtas ang kaibigan Niya. Tayo.

We are all sinners, ang Bible mismo ang nagsabi niyan. Walang ni isa mang tao ang hindi pa nakagawa ng kahit maliit na kasalanan. And because of that, we are all guilty of God's punishment. Galit ang Diyos sa kasalanan, hindi Siya natutuwa sa kahit anumang kasamaan. That's why He punished anyone who commit sins. And I am talking about hell bilang ang punishment na iyon. Walang hanggang paghihirap sa impyerno.

But, the good news is, hindi lamang God of justice ang God na meron tayo. Siya rin, infact, ay God of love. Sa totoo niyan, sinasabi ng Bible na Siya mismo ang tunay na kahulugan ng Love (1 John 4:8), Whoever does not love, doesn't know God, because He is love. Dahil sa wagas na pagmamahal Niya para sa atin, He came down to earth in a form of a human para lang iligtas tayo. Para hanapin tayong mga nawawala. Para akuin ang kaparusahang nararapat sa atin.

And that was clearly illustrated in the Chapter 10 of this story, kung saan nakipag-swap si Pula sa pwesto ni Puti. Sinalo niya ang kaparusahan na kay Puti naman talaga nararapat. Na sa atin naman talaga nararapat, dahil nga nagkasala tayo.

And there, love and justice has met each other. May nanagot sa pagkakamali. At may nailigtas mula sa pananagutan na iyon.

That is how God planned it all. Pero hindi gaya ng nangyari kay Pula, Jesus Christ has resurrected after three days. Nabuhay Siyang muli! At nanatili muna Siya sa lupa sa loob ng 40 days bago umakyat muli sa Langit, para ipaalam sa mga tao na nabuhay Siya. Na may pag-asa na naghihintay para sa kanila. Na hindi nagtatapos ang lahat sa kamatayan, sa paghihirap, at sa pagluluksa.

At ngayon, ang tanging hinihiling Niya lang mula sa atin ay ang papasukin Siya sa mga buhay at puso natin. Papasukin means bigyan natin Siya ng permiso upang tulungan tayong baguhin ang buhay at puso natin. To give the complete control unto His hands. Hayaan Siyang Siya na ang magsulat ng ating kwento.

Kaagapay ng bagay na iyon ang desisyon rin nating bitawan na ang mga makasalanang ugali o gawain natin. Just like in Puti's case, nagdesisyon siyang bitawan na ang pagiging rebelde niya. Ang pagiging matigas ang puso at ang pagpatay niya. Kung gagawin pa nating example ang ibang mga characters, maaaring sa case ni Pink, ang mga kasalanan na kailangan niyang bitawan ay ang pagiging reklamador, mapanghusga at masakit niyang magsalita. Kay Kahel, ang pagiging mapagbiro niya (ng wala na sa lugar). At kay Itim, ang pagiging maiinitin niya ng ulo, paghahanap ng gulo at pakikipag-away.

Change is the evidence seen to anyone who has now let God control their lives. Kapag walang pagbabagong nakikita sa'yo, ibig sabihin, hindi mo talaga totoong pinapasok Siya sa buhay at puso mo.

Anyone who belongs to Christ has become a new creation. The old life has gone, a new life has begun! (2 Corinthians 5:17)

That act of change is what we called 'Repentance'. And this is what God requires from all people. A life of complete repentance.

Kung dati balot ka ng grasa sa katawan mo, once you let God enter your life, malilinis ka at magiging kulay puti ulit. Kagaya ng nangyari kay Puti sa kwento.

Mahal na mahal tayong lahat ng Pula sa buhay natin. Mahal na mahal tayo ng Diyos. And it depends on us, it depends on YOU, if you will decide to accept that love in your life and let it transform and change you.

Naghihintay lamang Siya.

Naghihintay lamang Siya upang bumalik at umuwi ka na.

Will you comeback home?

***********

Marami pong salamat sa mga matyagang nagbasa sa istorya kong ito! I really appreciate you, guys! :) I bring back all the glory to God!!

You can check out my other stories po kung gusto niyo pa magbasa ng mga Spiritual :) Marami pa po ako niyan, just kindly visit my profile <3

Muli, thank you po sa lahat! Feel free to message me if may iba pa po kayong katanungan. I am glad to answer all of that :)

Luvlots,

YourPainHasAReason ᰔ

Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon