K A H E L
"Sigurado ba kayo sa gagawin niyo?" narinig kong tanong ni Itim pagkatapos ng pag-uusap-usap namin kanina na pinangunahan ni Dilaw.Tinatanong niya kung sigurado daw ba talaga kami sa desisyon naming pasukin ang teritoryo ng mga Pastels upang makausap si Puti.
Nagkapalitan naman kami ng mga tingin nina Dilaw.
"Oo, Itim, siguradong-sigurado kami," seryosong sabi ni Dilaw.
Napansin naman namin ang pagkunot ng noo ni Itim at pagsalubong niya ng kilay. "Bakit ba pinipilit niyo pa ring bumalik ang isang pinili namang hindi na bumalik? Hindi na tayo kilala pa ni Puti. Kinalimutan na nga niya tayo, 'di ba? Kaya bakit nag-aaksaya pa kayo ng oras para kausapin at pabalikin siya?"
Alam ko nagtitimpi lang ngayon si Itim dahil ayaw niya na magka-away-away na naman kami. Kalmado niya lang na sinabi ang linyang iyon at hindi tumataas ang boses. Pero alam namin, sa loob-loob niya, naiinis na siya.
"Yeah right. Tss, morons," kahit pa pabulong iyon, narinig pa rin namin na nanggaling iyon kay Pink. Nakaupo lang ito sa sulok at sinusuklay ang buhok niya.
"Pero wala namang masama kung susubukan natin 'di ba? I know he already left us. Ipinagpalit na niya tayo sa mga Pastels na iyon. Pero how much are we sure na totoong nakalimutan na nga talaga niya tayo? Gabi-gabi napapansin ko na tumatanaw siya rito sa Crayon Box para tingnan tayo, hindi ko man alam ang mga tumatakbo sa isip niya pero naniniwala ako na may parte pa rin sa kaniya na namimiss niya tayo. Na gusto niyang balikan tayo. At ngayon, kokompirmahin mismo namin sa kaniya ang lahat ng 'yun. Kakausapin namin siya, pakikiusapan na sana, bumalik na siya sa'tin."
Napatitig si Itim kay Dilaw na tila gusto niyang intindihin ang nilalaman ng puso nito. 'Di naman nagtagal, tumikal rin siya ng tingin at saka sinenyasan kami na umalis na.
"Sige, kung iyan ang alam niyong tamang gawin, gawin niyo. Nandito lang ako sa likod niyo kung kailangan niyo ng suporta. Sige na, puntahan niyo na siya."
Mabilis na napangiti naman kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni Itim. Kaagad na nagpasalamat si Dilaw sa kaniya.
Sa ngayon, papalabas na kami para puntahan ang teritoryo ng mga Pastels. Medyo malayo iyon mula sa Crayon Box dahil halos nasa pinakasulok na kami nakapwesto kasama ng mga lumang laruan.
Pagkasampa namin sa may table area, kaagad na hinarang kami ng isang Pastel.
"Anong ginagawa niyo rito?" seryoso at nakakatakot ang boses nito na tila sasakmalin kami ng buo.
Walang naglakas ng loob na magsalita sa'min kung kaya't mas lalong naging seryoso ang mukha niya.
"Kung manggugulo lang kayo rito, pwes mabuti pang umalis na kayo bago pa man ako ang tuluyang kumaladkad sa inyo paalis."
Kaagad na kinalabit ko si Dilaw para sabihing siya na ang sumagot.
"U-Uh, no, hindi kami manggugulo. G-Gusto lang namin sanang makausap si Puti. Nandidiyan ba siya?"
Napatitig kay Dilaw 'yung lalaki. "Bakit, anong kailangan niyo sa kaniya?" seryosong tanong nito. Malalim ang mga titig.
Ako na ang sumagot dahil ramdam ko na halos nanginginig na si Dilaw sa tabi ko. "Uhm, mga kaibigan niya kasi kami... m-may gusto lang kaming sabihin sa kaniya na mahalaga."
"Hindi pupwede," madiin na sabi niya. "Mahigpit na pinagbabawal ng lider namin na huwag na huwag magpapapasok ng sinumang hindi namin kilala, lalo na kung may kinalaman ang mga ito kay Puti."
Napatigil kami sa narinig.
Ano?? Bakit?
"Pero saglit lang naman ito eh, kakausapin lang namin siya. Please, payagan niyo na kami," pagmamakaawa ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]
FantasySi Nene ay may sampung krayola. Ngunit may isang naiiba sa kanila... Si Puti. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at halaga dahil kailanman ay hindi pa siya ginamit ni Nene upang kulayan ang mga guhit niya. Kaya naman itong si Puti ay naglayas; sa...