B E R D E
"What is the moral lesson of the story we have red earlier?"
Tutok na tutok ang tenga ko ngayon sa pakikinig sa bawat sinasabi ni Ma'am Bulalakaw. Mula sa pagkikwento niya pa lang ng tungkol sa istorya kanina, hanggang sa pagkatapos nito.
This is my favorite part of the day. Ang pumasok sa School nina Nene. Marami kasi akong natututunang bago kada araw at nakakarinig pa'ko ng mga makabuluhang kwento. Tulad na lang ngayon. Ikinwento ni Ma'am Bulalakaw sa amin ang tungkol sa kwento ng black sheep at ng 99 niyang kapatid na mga puting tupa.
Sa kwento, may isang kawan ng napakaraming tupa. Isa na do'n si Tupe. Pero may mali sa kaniya. Dahil sa kanilang isandaan, siya lamang ang naiiba. Kulay itim kasi ang balahibo niya. Hindi gray, kun'di itim talaga. Palagi siyang napapansin ng mga tao dahil siya lamang ang naiiba sa magkakapatid. Hindi rin maiiwasan na mapagtawanan siya dahil sa kulay niya. Kaya isang araw, napagpasiyahan ni Tupe na maglayas. Iniwan niya ang kawan at ang Pastol niya para lang magpaka-layo-layo. Sa puso niya, alam niyang gusto lang niyang hanapin ang purpose niya sa buhay. Ang halaga niya bilang tupa. At inakala niya na mahahanap niya iyon sa malayong lugar. Pero hindi. Dahil naligaw lamang siya. Nasugatan. At naharap sa bingit ng kamatayan.
Pero mabuti na lang at mahal na mahal siya ng Pastol niya. Dahil hindi siya nito sinukuan. Nang malaman nito na nawala siya sa kawan, kaagad niyang iniwan ang siyamnapu't siyam na iba pang tupa para lang hanapin siya. Kung saan-saan siya napadpad. Kung saan-saan siya nakarating. Pero bandang huli, nakakatuwa dahil nahanap rin niya siya. Niyakap niya si Tupe ng napaka-higpit na para bang ayaw na niya itong pakawalan pa. At sa mga pagkakataong iyon, doon tuluyang naintindihan ni Tupe na hindi pala sa lugar na pupuntahan niya kaniyang matatagpuan ang purpose at halaga na hinahanap niya. Dahil nando'n lang rin iyon sa may kawan. Sa Pastol niya mismo na ginagawa ang lahat masigurado lang na kompleto silang nakakauwi matapos ang isang buong araw na pagbibilad sa burol. Kaya magmula no'n, hindi na muli pang naglayas si Tupe kahit ano pang masasakit na salita ang marinig niya mula sa iba. Para sa kaniya, hindi na iyon mahalaga. Dahil ang mahalaga na lang sa ngayon, ay kung ano ang tingin ng Pastol niya patungkol sa kaniya. At iisa lamang iyon.
Siya ay kamahal-mahal at napakahalaga.
"Ma'am! Ma'am!"
Kaniya-kaniya ng taasan ng mga kamay ang bawat estudyante. May ilang tinawag si Ma'am Bulalakaw at buong konpidensya naman silang sumagot habang nakangiti. Nakakatuwa ang sagot ng iba. Pero syempre, walang tatalo sa sagot ng Nene namin.
Tumayo siya pagkatawag ni Ma'am sa kaniya.
"Ang natutunan ko po Ma'am mula sa kwento kanina ay dapat hindi po natin pagtawanan ang ating kapwa na kakaiba mula sa atin. Dahil tulad po natin, tao lang rin sila. Nasasaktan sa bawat masasamang salita na naririnig nila patungkol sa kanila. At saka isa pa po, hindi rin dapat natin isipin na kawawa tayo at walang nagmamahal sa atin. Dahil mayroon po lagi. Minsan, hindi lamang po natin alam, pero marami po sila. At hindi man po natin laging ramdam, pero mahal po tayo nila. Kagaya na lang po no'ng Pastol sa istorya. Mahal na mahal po niya si Tupe, na kaya niyang iwanan kahit ang 99 pa niyang tupa para lang mahanap siya. Pero hindi po iyon nakita ni Tupe dahil mas nagpalamon siya sa mga negatibong bagay sa paligid niya. Kaya ayun, naging magulo po ang buhay niya. Wala po talagang magandang maidudulot ang pakikinig natin sa masasamang komento ng iba."
Namayani ang palakpakan sa apat na sulok ng klasrum dahil sa sinagot na iyon ni Nene. Pati ako napa-palakpak. Woohh!! Nene namin 'yan!!
BINABASA MO ANG
Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]
FantasySi Nene ay may sampung krayola. Ngunit may isang naiiba sa kanila... Si Puti. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at halaga dahil kailanman ay hindi pa siya ginamit ni Nene upang kulayan ang mga guhit niya. Kaya naman itong si Puti ay naglayas; sa...