"Gosh. Nakakaloka naman ang panahon ngayon! Parati na lang maulan! Hindi na tuloy ako makapag-sunbathing, grr!"Napatingin ako kay Pink nang bigla na lang itong mag-rant sa gilid.
"Haynako. Kapag mainit, nagrereklamo, tapos ngayon namang maulan, nagrereklamo pa rin?? Tss, ano ba talaga?" bagot na sabi ni Asul habang nakahalukipkip.
Inismidan lang naman siya ni Pink.
"Guys, back to the Box! Bilis! Gising na siya!" biglang sigaw ni Berde sa'min habang nakatingin sa batang naroroon ngayon sa may higaan.
Dali-dali naman kaming nagsitakbuhan papasok sa loob ng Crayon Box habang hindi pa siya tuluyang nakakabangon.
"Headcount, are we complete?" tanong ni Dilaw na chini-check kung lahat ba kami nasa loob na.
"One," aniya.
"Two," sinundan naman siya ni Kahel.
"Three," saad ni Berde.
"Four," sabi ko naman.
"Five," boses ni Asul.
"Six," wika ni Itim.
"Seven," ani Lila.
"Eight," walang ganang sambit ni Pink.
"And nine," pagkompleto ni Brown sa bilang.
Napangiti si Dilaw. "Okay good. Act normal lang guys, 'wag kayong masyadong magalaw," paalala niya sa'min.
Napasilip naman kami sa labas at nakita namin na bumangon na siya at una niya agad nilapitan ang homework na ginawa niya kagabi.
Kagaya ng dati, pinaganda pa namin iyon at kinulayan ang maliliit na parte na hindi niya nakulayan. Pinatingkad namin ang mga mapuputlang kulay roon at saka nagfinishing retouches para magmukha talagang maganda pagka-naipasa na niya.
Napangiti naman kami nang makita namin ang mga ngiti sa labi niya pagkakita sa homework niya.
Mayamaya pa, biglang pumasok sa loob ng kwarto niya ang isang matangkad na babae at saka sinabihan siyang lumabas na para mag-almusalan.
Napangiti kami sa babaeng iyon.
Si Nene... dalaga na siya ngayon. Kakagraduate niya lang ng elementary no'ng nakaraang mga buwan at nasa High School na siya ngayon.
Malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya ang nagmamay-ari sa'min ngayon dahil pinamana na niya kami sa nakababatang pinsan niya na si Mimi. Nasa Grade 1 na ito ngayon at masasabi kong napakabait niyang bata sa amin.
Hindi naging madali ang mga nangyari magmula ng makauwi kaming siyam mula sa Buencamino. Dahil inaamin ko, naging sobrang mahirap iyon. Naging sobrang hirap para sa'min na tanggapin na wala na ngayon si Pula... na patay na siya, at hinding-hindi na siya kailanman babalik pa.
Ilang araw din siyang iniyakan at hinanap ni Nene sa kung saan-saang bahagi ng bahay, nagbabakasakaling nawala lang niya siya at naroroon lang sa loob. Pero ang araw ay naging linggo hanggang sa ito'y naging buwan ngunit hindi pa din niya siya nakita.
Sobrang guilt ang namayani sa puso ko noong mga panahong iyon. Nilamon ako nito at hindi pinatahimik sa loob ng ilang mga buwan. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit namatay si Pula. Kung bakit hindi na namin siya ngayon kasama. At kung bakit halos araw-araw umiiyak si Nene dahil sa pagkawala niya.
Sinisi ko lahat ng iyon sa sarili ko.
Pero pinaalala sa'kin nina Dilaw kung gaano ako ka-mahal ni Pula. Na kung nabubuhay man siya ngayon, sigurado sila na hinding-hindi niya gugustuhin na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala niya. Pinili niyang mamatay para lang maranasan ko ang maging malaya. Sa lungkot, sa sakit, at sa lahat ng gapos na nagpipigil sa'kin upang maging totoong masaya. Namatay siya para lang mabuhay ako. Mabuhay na hindi lang dahil kailangan, kun'di dahil gusto ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]
FantasySi Nene ay may sampung krayola. Ngunit may isang naiiba sa kanila... Si Puti. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at halaga dahil kailanman ay hindi pa siya ginamit ni Nene upang kulayan ang mga guhit niya. Kaya naman itong si Puti ay naglayas; sa...