"Cheers to our success! We all deserve this! Wooh!!"Naghiyawan kami nang isigaw iyon ni Magenta. Itinaas namin ang mga hawak naming glass at saka sabay-sabay na uminom.
Lumagok ako ng kaunti lang dahil medyo hindi pa rin sanay ang sikmura ko sa oil wine na iniinom nila. Pampa-tingkad raw kasi 'yun ng kulay nila bilang mga Oil Pastels, at bilang kabahagi na nga ng grupo nila, hindi na ako exempted pa do'n.
"Wooh!! Let's celebrate guys!!"
May party ngayon na dinaos ang mga Pastels para sa selebrasyon ng pagkapanalo ni Mimi sa Poster Making Contest kanina. Nag-champion ang artwork niya at nagustuhan ito ng mga hurado kung kaya't hindi naman namin mapigilang magdiwang ngayon.
Grabe, ang galing-galing talaga ng Mimi namin.
"Puti, uminom ka pa, marami pa tayong wine dito," sabi sa'kin ni Indigo nang makita ako nito na medyo tahimik lang sa isang tabi.
Ngumiti ako at saka tumango. "Salamat... pero kasi medyo nasusuka na'ko eh," pagtatapat ko.
Natawa naman siya. "Nasusuka? C'mmon! Aren't you used at this already? Palagi tayong umiinom ng ganito kada nananalo si Mimi, masanay ka na!" Inakbayan niya 'ko at saka iginiya palapit sa posisyon ngayon ng nagkakatuwaan na sina Crimson.
"Bro!!" pagtawag ni Indigo rito. Napalingon naman sila sa'min. "Etong kaibigan nating si Puti, nasusuka raw sa oil wine na iniinom natin! Anong gagawin natin?" sabi nito kay Crimson na tila nanunukso ang tono.
Narinig ko naman silang nagtawanan pagkarinig no'n. Mayamaya pa, inakbayan na rin ako ni Crimson at saka itinapat sa harap ko 'yung glass na hawak-hawak niya.
"This is good, bruh! C'mmon taste it!" medyo husky na ang boses niya dahil na rin siguro sa pagiging lango.
Napangiwi ako. "Hindi, okay lang, kayo na lang," pagtanggi ko rito.
Mas lalo lang naman siyang nagpumilit. "Sige na! Kahit isang shot lang!"
Nagsigaya na rin ang iba pa at napuno ng hiyawan nila ang buong Pastel Box. Chini-cheer nila 'ko na inumin ang binibigay ni Crimson ngayon.
Napabuntong-hininga ako.
"Sige na nga, pero isang lagok lang ha?" pagpayag ko rin kalaunan. Nagsihayawan naman sila.
Kaagad na iniabot ni Crimson sa'kin ang baso ng oil wine. Napatitig muna ako roon bago ko ito tuluyang lagukin.
Halos masuka-suka ako.
"Woooohhh!!!" sigawan naman nila pagkainom ko.
Nagsikaniya-kaniya na rin ang lahat pagkatapos ng nangyari, kaya nakahinga na'ko. Sa ngayon ay nakaupo na lang ako rito sa isang tabi habang pinanonood sila na nagsasayaw sa gitna.
This are my new friends.
My new world. My new family.
Noong una, inakala ko noon na hinding-hindi ko maaatim na pakisamahan ang mga ito. Na unang araw pa lang, susuko na agad ako. Pero hindi. Nagkamali ako. Dahil ang totoo, sobrang smooth lang nila maging kaibigan.
Si Crimson, 'yung nagpainom sa'kin kanina, siya ang itinuturing naming lider sa grupong ito. Kulay pula siya, pero mas darker kung ikukumpara kay Pula. Mabait 'yun kung kikilalanin mo lang, mukha nga lang badboy kapag nasosobrahan sa inom. Pero mabait siya...
In fact, siya 'yung kauna-unahang pumansin sa'kin no'ng unang araw pa lang na nilapitan ko sila. He seems friendly, kahit medyo pilyo no'ng nagtagal-tagal na. But he's good. Really really good.
BINABASA MO ANG
Operation: Ibalik si Puti sa mga Krayola ni Nene [COMPLETED]
FantasySi Nene ay may sampung krayola. Ngunit may isang naiiba sa kanila... Si Puti. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at halaga dahil kailanman ay hindi pa siya ginamit ni Nene upang kulayan ang mga guhit niya. Kaya naman itong si Puti ay naglayas; sa...