Chapter 30

54 6 0
                                    

Guys, sorry sa matagal na pag-update. Naging busy na kasi ako ngayon eh. I'm trying my best para matapos ko na itong story na ito bago kami magpasukan. Thanks for supporting. God Bless ^_^

Enjoy!

————


Anjali's POV


This is it. Magtatake na kmi ni Alex ng Entrance Exam sa *** University. Time check, 7:00 am. Parating na din si Alex.


~Beep Beep~


Anjan na si Alex. Bumusina na eh kaya lumabas na ako. Grabe, ang gwapo nya. Naka checkereds sya na red and black, tapos naka pants at black shoes. Ako naman, naka v-neck na white, pants at sandals. Nakaipit din ako ng messy bun para hindi ako mahirapan mag-sagot mamaya.


~*** University~


Andito na kami sa loob ng *** University. Nagtanong kami sa guard kung saan ung mga assigned room sa course na kukunin. Business Ad kasi ite-take nmin ni Alex para hindi kami mahirapan mag-manage ng business namin balang araw. Nilapitan nmin ni Alex yung bulletin board na sinabi nung guard. Nung nahanap na nmin ung assigned room sa amin, pumasok na din kami.

Konti lang kami, siguro nasa mga 20 lang. Buti may vacant chair na dalawa kaya dun na kami naupo ni Alex. One sit apart yung mga chairs.

Biglang dumating yung teacher kaya binati nmin. Tapos binigay na nya yung papers na kelangan sagutan sa entrance exam. Nagsagot na din ako. One hour na ang nakalipas at natapos na din ako. Kanina pa tapos si Alex, intayin n lng daw nya ako sa labas. Kaya binigay ko na sa teacher ung papers ko at lumabas na rin.

"Ui." Sabay kulbit kay Alex

"Oh? Tara na?" Alex

"Sige." Kinuha nya ung bag ko at lumabas na din kami. Kay mama ko na lng ipapatanong kung nakapasa kami o hindi. Kumain muna kami ni Alex sa mall at nag-gala-gala ng konti. Dun na din kami naglunch. Pagkatapos namin gumala, hinatid nya ako sa amin.


Pagkapasok ko sa bahay, dumiretsyo na ako sa kwarto ko at nagpalit ng shorts and t-shirt. 3:00 na pala. Busog pa din nmn ako dahil kumain kami ni Alex ngayon. Hays, ano kayang magawa? Subukan ko kaya magbasa ng libro?

Pumunta ako sa mini-library namin. Mahilig magbasa si papa ng books. Mostly adventures yung favorite books nya. Especially yung mga books ni Clive Cussler. I think un ung favorite author nya. Hindi ako mahilig sa adventures, gusto ko romance kaya naghanap ako ng books.


Then some book caught my eye. Siguro more on horror pero may konting romance. Ang alam ko nabasa na ni papa to eh. Anna Dressed In Blood yung title ng book by Kendare Blake. Sa cover pa lang ng book halatang nakakatakot na. Ma-try ko nga para may thrill. Binasa ko muna yung nasa likod.

"Cas Lowood is no ordinary guy, he hunts dead people." Creepy. Why will he hunt dead people?

"People like Anna. Anna Dressed In Blood. A beautiful, murderous ghost entangled in curses and rage. Cas knows he must destroy her, but as her tragic past is revealed, he starts to understand why Anna has killed everyone who's ever dared to enter her spooky home." Hmm, sounds interesting. Sinimulan ko na itong basahin.

Nakaramdam ako ng gutom. 7:00 pm na pala. Wow, tagal ko magbasa. Nilagyan ko muna ng bookmark ung page na nag-stop ako. Tapos bumaba na ako.

"Manang, asan po si Ken?" Tanong ko kay manang. Tagal ko nang di nakakabonding yun eh. Kakauwi nya lang kasi galing ng Korea. Busy kasi sina Papa dun sa business nila kaya hindi na masyadong naaasikaso si Ken kaya inuwi na lang nila sa LA.

"Ayun, nasa kwarto nya. Nanunuod ng TV." Nagpasalamat ako kay manang tapos naabutan ko si Ken na nanunuod ng TV. Napatingin nmn sya sa akin. Tapos tumabi ako sa kanya

"Ate, bakit ka nandito?" Tanong nya.

"Namiss lang kita." Paglalambing ko sa kanya.

"Eh pano kasi. Lagi mong kasama si Kuya Alex. Gusto ko din makalaro minsan si Kuya Alex." Ken

"Eh kung gumala kaya tayo bukas? Sama natin si Kuya Alex mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige sige. Hindi kasi aq makalabas eh. Thank you ate." Hinug ako ni Ken.

"O sya, matulog ka na." Natulog na din si Ken tapos in-off ko na yung ilaw at bumalik ako sa library. Tinawagan ko na si Alex.

[Oh bakit gising ka pa? Gabi na ah. 8:00 na.]

"Nagbasa kasi ako ng libro."

[At kelan ka pa nahilig magbasa?]

"Hmm siguro 5 hours ago."

[Hahaha. O, bakit ka ba napatawag?]

"May pupuntahan ka ba bukas?"

[Wala naman. Bakit?]

"Papasama sana kami ni Ken sau. Mag-gagala sana bukas."

[Sure. What time?]

"7:00 am. Abangan mo n lng kami sa gate."

[Sige sige. Magpahinga ka na. Good Night!]

"Good Night din." In-end call ko na. Kinuha ko yung libro ko at dinala sa kwarto. Ilalagay ko na lng sa study table ko. Bumaba muna ako para uminom ng milk. Kumuha ako ng baso at kinuha ko din yung fresh milk sa ref at sinalin sa may baso ko. Umupo ako sa may bar stool at ininom ang milk. May home bar kasi kami sa Kitchen. Ang daming pumapasok sa isip ko ngaun. Una, kung pasado ba ako sa *** University. Pangalawa, iniisip ko pa rin kung bakit iba ang turing sa akin ni Tristan, Liam at Jude. Pangatlo, kamusta na kaya ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. Tumabi sa akin si manang.


"Oh iha, bakit gising ka pa?" Manang

"Ah, may iniisip lang po." Ako

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Share mo nmn sa akin, bka matulungan kita." Manang

"Eh kasi manang, naninibago ako sa mga kinikilos ni Tristan. Masyado syang sweet, mabait din sya sa akin ngayon." Ako

"Bka naman nakikipagbalikan sau." Manang. Si manang ang nag-alaga sa akin simula pagkabata. Mas marami syang alam tungkol sakin kesa kina mama. Mas kilala nya din ako. Sya lng ung may alam ng mga secrets ko. Sya lang din ang takbuhan ko tuwing may problema ako.

"Naku naman manang, bata pa lng kami noon. Wala pa kaming alam sa mga pag ibig na yan. Tska manang diba sabi ko sa inyo na si Alex po ang gusto ko. Nga pala manang, gagala po kami ni ken bukas kasama po nmin si Alex. 7:00 po kami aalis." Ako

"Sya sige, matulog ka na. Ako nang bahala dyan sa baso mo." Manang

"Sige po manang, salamat po." Tapos tumaas na din ako sa kwarto ko at natulog na din.

———————

Sorry, natagalan sa update. Nagiging busy na kasi eh.

VOTE & COMMENT

The More You Hate, The More You Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon