Part 33

18.9K 879 92
                                    


This story is available to purchase in digital format (advance reading) and printed edition.

Advance Digital Copy: P550Paperback: P1009 SF includedHardcover: P1809 SF includedPRESALE PERIOD OF PRINTED EDITION IS FROM JUNE 30 TO AUGUST 15.


Kindly message Whimsical Books Ph on Facebook for orders. Thank you! ~ ML




"BUTI na lang hindi niya unang nakilala si Nicci," banat ni Lydia at tumawa ito habang papalayo mula sa kuwarto ni Amari.

Napabuga na lamang siya ng hangin sabay iling.

Nag-dive sa kanyang kama ni Nicci. "Sorry, hindi ko napigil sabihin kay Mama," anito. "Maigi na rin iyon para malaman niyang may iba kang pinagkakaabalahan bukod sa trabaho. Paluto siya nang paluto sa iyo tapos ayaw niya naman ako pakainin nang marami. Ano kaya 'yon?"

Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama, mukhang guilty pa rin.

"Okay ka lang ba?" sita ni Nicci.

Tumango si Amari. "Oo, okay lang ako."

"Huwag mo nang alalahanin si Mama, saka iyong pakain kina Lola. Hayaan mo nga sila," pang-aalo ni Nicci.

"Nicci..." Hinarap niya ito. "Hindi ba talaga kapani-paniwalang magka-boyfriend ako ng guwapo at mayaman?"

Biglang bumangon si Nicci. "Bakit mo naman nasabi iyan?" gulat na balik-tanong nito.

"Parang pare-pareho kasi ang reaksiyon ng mga tao sa amin ni Pierre. Parang hindi sila makapaniwala."

"Hindi ganoon ang reaksiyon ko, ha? At hindi lang iyon dahil sa kapatid kita. Hey... napikon ka ba sa mga sinabi ni Mama kanina? Huwag mo nga siya pansinin."

Nagkibit-balikat si Amari at pinasigla ang boses. "Oh, well. Hindi ko pa naman talaga boyfriend si Pierre, nagdi-date lang kami."

"Date lang talaga? Sus, saan pa ba papunta iyan? Saka kitang-kita ang pagbabago ng aura mo ngayon, Amari. You're glowing and you look more beautiful than ever. Sign daw iyan ng in love."

"In love? H-hindi 'no?"

Humagikgik si Nicci. "Sige, mag-deny ka pa!"

Iniba ni Amari ang usapan. "Mag-film tayo ng cooking video pala, gawa tayo ng corned beef sliders."



HALOS hindi magkandatuto ang staff ng Tipsy Bear sa pag-aasikaso kay Nicci nang nagpunta ito doon. Thankfully, hindi sumama ang kanilang ina, ngunit pinahatid si Nicci sa tsuper ng lola nila at pinaghintay doon ang kotse. Mahigpit na nagbilin na umuwi din daw agad si Nicci, huwag magpuyat.

Napailing na lang si Amari sa nakitang reaksiyon ni Isaac pagkakilala sa kanyang kapatid. Natataranta ito, nauutal pa ang loko. Suddenly, parang hindi na siya nag-e-exist sa mundo nito. Hay naku, sabi na nga ba't fake news lang ang pagkagusto nito sa kanya noon. Iyong gayuma lang talaga ang nagpalapit dito.

Ihinatid ni Amari si Nicci sa naghihintay na kotse na puno ang backseat ng mga bulaklak at regalo mula sa staff ng Tipsy. Masaya ang kanyang kapatid kahit halata niyang pagod din. Nakipagkilala pa kasi ito sa mga customers doon, nagpaunlak din ng tatlong kanta.

"Thank you sa pag-aasikaso sa akin," nakangiting sabi nito sa

kanya. "You know, you always make this easier."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon