HAPON nang na-receive ni Amari ang padala ng seller, dinala niya ang bote sa trabaho. Nang sinundo siya ni Pierre ay sinabi niyang gusto niyang umuwi sa bahay nito.
"Is everything alright?" usisa ni Pierre nang hindi siya mapakali sa passenger's seat.
"Okay lang ako."
"Worried lang ako kasi ilang araw na kitang napapansin na ganyan. Kung ayaw mo pang mag-open sa akin, hindi kita pipilitin. Gaya ng palagi kong sinasabi, just know that I'm always here for you, okay?"
"I know," pisil-pisil ang palad na ani Amari. "P-pierre... thank you sa lahat-lahat, ha?"
He placed a hand over hers. "No problem, basta ikaw."
Halos hindi makatulog si Amari at hindi naman iyon nakaligtas kay Pierre.
"Would it help if I let you sleep alone for a while?" tanong nito nang tumagilid siya paharap dito.
"Hindi, okay lang. Naparami yata ang inom ko ng kape sa Tipsy," pagsisinungaling niya. "Sorry, naiistorbo ko na tuloy ang pagtulog mo."
"It's alright, I'll be fine." Yumakap ang isang kamay ni Pierre sa kanya, kinakabig siya palapit. "Ikaw itong inaalala ko."
Umusod si Amari padikit sa lalaki. God, she would surely miss all of these, all of him...
Hinaplos nito ang kanyang buhok, banayad na dumapo ang bibig sa kanyang noo. Kumalma ang nagwawalang kalooban niya. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya naisip ang gayuma, o ang antidote. Sa pagkakataong iyon, ang masasayang moments nila ni Pierre ang naiisip niya.
Kung sana lang ay puwede niyang patigilin ang oras at manatili na lang silang ganoon.
Alas-nueve ng umaga nang bumangon si Amari at dumiretso sa kusina. Dala-dala niya ang antidote, at pagkatapos niyang kumuha ng kanyang kape mula sa pot ng coffeemaker ay ihinalo niya ang laman ng bote doon. Tinantiya niya talaga na ang natitirang kape sa pot ay
kasyang-kasya sa mug na gagamitin ni Pierre mamaya. Walang labis, walang kulang.
She was preparing buttermilk pancakes when Pierre walked into the kitchen.
"'Morning, beautiful," masayang bati nito sa kanya kahit groggy pa ang boses.
"Ikukuha kita ng kape," ani Amari dito nang lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Umupo ka na doon," utos niya sa lalaki, inginuso ang breakfast nook. "I'll bring your pancakes, too. Three stacks, right?"
"Yup," sagot ni Pierre at sunod siyang hinalikan sa mga labi.
"Gusto mo ng bananas and walnut toppings with caramel drizzle?"
"That sounds delicious. Thank you. You're the best, sweetheart."
Nanginginig ang kanyang kamay na nagsalin ng kape sa mug. Ingat na ingat siyang huwag matapon iyon habang naglalakad siya papunta sa breakfast nook.
Walang imik si Amari habang nag-aalmusal sila ni Pierre. Patingin-tingin siya sa tasa ng kape na nakakalahati na nito.
""Saan mo gustong kumain ng lunch mamaya?" nakangiting tanong nito habang maganang kumakain.
"A-ahm, kahit saan. O kahit dito na lang tayo sa bahay."
"I can order us foods later."
"Okay."
Pakiramdam ni Amari ay habang nauubos ni Pierre ang kape ay mayroong ding unti-unting nawawala mula sa kanya. 'Eto na iyon. She was going to lose him.
Nang nasimot nito ang kape ay hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng isang mahinang hikbi.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.