NANG uwian na ay yuko ang ulo ni Amari na lumapit sa kotse ni Pierre, mabibigat ang kanyang mga hakbang.
"Tired?" pangangamusta ng lalaki sa kanya matapos siya nitong halikan sa pisngi.
Umiling siya't nagsuot ng seatbelt. "Tara na."
"Listen, something came up just a while ago," ani Pierre nang i-start ang sasakyan. "Tinawagan ako ni Kuya, masama daw pakiramdam niya kaya ako ang pinapunta sa Makati. May early meeting siya sa Monday sa contractors, pero kailangan ko na bumiyahe mamaya kasi makikipag-meet muna ako sa lead engineer sa lunch for heads up."
Hindi na nagtaka si Amari sa "biglaang lakad" na iyon. Heto na iyon, the antidote working its magic.
"I told you about our modernization plans, right?" pakli pa ni Pierre nang hindi siya umimik.
"Yes, you did."
"Tell your sister I'm sorry I can't come to your Lola's house. Mamayang tanghali na pala iyon." Tumingin ito sa kanya. "Hey, may gusto ka bang ipabili?"
"W-wala. 'Andami mo nang ibinigay sa akin, okay na ako sa mga iyon."
Nang makarating sila sa bahay ay pinigil ni Amari ang urge na yayain pa sa loob si Pierre. Mukhang hindi naman interesado ang lalaki. Either gusto lang nitong makapagpahinga siya agad, gustong makauwi na para makahabol ng tulog bago bumiyahe mamaya, o full-force na siguro ang epekto ng antidote. Iniiwasan na siya.
"Mag-iingat ka sa biyahe," bilin niya rito.
"I will." Hinawakan siya nito sa braso nang bubuksan na sana niya ang car door. "I wish you can come with me."
Natigilan si Amari sa pagsusumamong nahimigan niya sa boses ni Pierre.
"May trabaho ako, saka naka-oo na ako kina Lola mamayang tanghali din." Pinilit niyang ngumiti.
Siya na ang naglapit sa mukha sa binata upang halikan ito. It was light, brief, but God knew she put her everything in that kiss. That one last kiss...
Pinigil niyang pumiyok ang boses. "Goodb—... Good night, Pierre."
Hindi niya nakayang isatinig ang "goodbye".
"'ASAN si Pierre? Akala ko ba sasama siya dito?" usisa ni Nicci kay Amari nang makarating siya sa bahay ng kanilang Lola.
Nagpahuli siyang pumunta doon dahil na-late niya ng gising, hindi kasi siya agad nakatulog. Thankfully, hindi naman kinailangan ang tulong niya sa pagluluto dahil madaming kababaryo ang nagprisinta.
"May biglaang lakad daw, parang may imi-meet na contractor sa Manila para sa modernization ng mga planta nila," sagot niya sa kapatid.
"Hmn." Parang diskumpiyado si Nicci. "Hindi naman kayo nag-away?"
"Away? Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Parang hindi kasi maganda ang mood mo."
Okay, this was harder than she thought. Mahirap palang manindigan at parang gusto na rin niyang magsisi. Pero nandito na ito, naibigay na niya ang antidote, mukhang may talab na rin. Iyon naman ang gusto niyang mangyari talaga, 'di ba? Masasanay din siya, lilipas din ang sakit.
Pinilit tumawa ni Amari. "Kasi ayaw ko talagang pumunta dito 'no? Alam mo naman iyan."
Lumapit sa kanila si Lydia. "O, akala ko ba kasama mo iyong sinasabi mong boyfriend mo?" usisa din nito.
Hindi niya ito sinagot, tahimik niyang hinalo ang mga nakahaing pagkain sa buffet table. Kung sabihin niya kayang break na sila ni Pierre? Baka mag-double celebration bigla si Lydia sa mga sandaling iyon.
"Hindi mo siya isinama kasi ayaw mong makilala niya si Nicci?" hirit pa nito in a mocking voice.
"Mama!" nanlalaki ang mga matang bulalas dito ni Nicci.
Tinalikuran na sila ng ina. "Nagsasabi lang ako ng totoo," parting words pa nito.
Umikot na lang ang mga mata ni Amari.
Dagsa na ang mga taong bumati kay Nicci, tumulong si Amari sa pag-aasikaso sa mga iyon. Maluwag naman ang loob niyang gawin iyon, kaso ay hindi na umayos-ayos ang kanyang mood. At alas-singko ang pasok niya sa Tipsy Bear, heto't mag-a-alas-tres na at may mga dumarating pa ring tao. Mayroon pa galing sa ibang mga barangay daw. Nahalata din niyang napapagod na si Nicci sa pagtanggap ng mga bisita ngunit pinipilit nito ang sarili na makisalamuha nang maayos. Parang gusto niya tuloy itong hilahin palayo doon.
Kinalabit ni Amari ang ina. "'Ma, kailangan ko nang umalis. Maliligo pa uli ako at magbibihis," paalam niya.
Itinuro ni Lydia ang bintana. "Hayan ang bahay natin, diyan ka na maligo at magbihis. Darating na daw sina Kapitan, may kasamang taga-munisipyo."
"Pero wala akong mga damit diyan, inilipat ko na lahat sa bahay ni Kuya."
"Maria! Bakit ba ang hirap mong kausap?" halos bulyaw ni Lydia.
"Kayo itong mahirap kausap, eh," inis na sabi ni Amari saka nag-walkout.
Maraming gustong takasan si Amari sa paglabas niya sa bahay ng kanyang Lola. The crowd, the work, and her miserable feelings. Ngunit hindi niya yata matatakbuhan ang huli.
Nakita niyang humabol sa kanya si Nicci pero tuloy-tuloy siya sa labas ng bakuran at mabilis siyang tumawid sa kalsada. Napalingon siya nang makarinig siya ng maingay na pagpreno ng sasakyan na sinundan ng sigaw ng mga tao.
Sa gulat ay hindi agad nakatinag si Amari. Halos mawalan siya ng malay nang makitang duguan ang mukha ng kapatid na nakahandusay sa kalsada.
Nicci!
HINDI na namalayan ni Amari ang mga sumunod na pangyayari. Ang huli niyang natatandan ay isinakay sa kotse si Nicci, may nagsakay namang tricycle sa kanya pasunod sa ospital na pinagdalhan dito. She was shaking tremendously, trying to keep everything together.
Sa labas ng emergency room ay noon pa lang nag-sink in ang lahat kay Amari. Nabunggo ng kotse si Nicci dahil humabol ito sa kanya noong mag-walk out siya.
Diyos ko...
Kasalanan niya ang lahat ng ito. Kasalanan niya.
Humarap siya sa dingding at nagtakip ng mukha saka humagulgol nang malakas. She was so scared, angry with herself, and that gnawing guilt was breaking her into tiny pieces. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili. Gusto na niyang maglaho sa mga sandaling iyon.
Dumating doon ang mga pulis, kusang sumuko daw ang driver na nakabunggo kay Nicci na siya ring nagdala dito sa ospital. Hindi makausap nang matino si Amari dahil iyak siya nang iyak, si Lydia ang humarap sa mga ito. Galit na galit itong nagsabing idedemanda ang driver, sana daw ay binugbog ito ng taong-bayan.
Nanlilisik ang mga mata ng ina kay Amari, nagbabanta. Iniwasan niya na lang ito, naupo siya sa receiving area ng ospital. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa puwesto niya doon. Tulala lang siyang nakatingin sa sahig, maya't-maya ay tahimik na napapaiyak.
Noong inilipat ng room si Nicci ay halos hilahin ni Amari ang mga paa para puntahan ito doon. At napatakip siya ng bibig nang makita ang itsura ng kapatid.
May 7 parts pa pong natitira until the end. Advance digital copy is still available to purchase at P550. Complete story na po iyon, siyempre, with bonus parts na wala sa Wattpad version. 5 days na lang po ang presale ng printed edition. You can place your order at Whimsical Books Ph page on Facebook. Thank you so much for your support! ~ ML
![](https://img.wattpad.com/cover/324518906-288-k498536.jpg)
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.