A small part of Nicci's left head was shaved, may tahi ito doon. Maga ang isang mata nito, mas gasgas sa noo at ilong. Mayroon din itong sugat sa siko.
Lalapit pa sana si Amari nang galit siyang sinalubong ni Lydia. Agad nitong sinunggaban ang kanyang buhok.
"Kasalanan mo itong punyeta ka!" sigaw nito sa kanya. "Tingnan mo ang nangyari sa kapatid mo. Tingnan mo ang itsura niya ngayon! Paano na siya makakasali sa pageant niyan?" Pinaghahampas at pinagsasampal siya nito. "Sinira mo ang itsura niya. Sinira mo na ang kinabukasan niya!"
"Mama! Nakaratay sa ospital ang anak ninyo, at ang lintek na pageant pa rin ang iniisip n'yo?" galit ding sabi ni Amari, pilit sinasangga ang mga atake ng ina.
Maririnig si Nicci na umaawat sa mahinang boses. Ngunit walang pinapakinggan si Lydia sa mga sandaling iyon. Ibinuhos lahat kay Amari ang galit at frustration nito.
"Ang sabihin mo, gusto mo talaga ito'ng mangyari! Matagal ka nang inggit kay Nicci kaya ayaw mong nakikisalamuha kasama siya, kaya palagi mo siyang nilalayuan. Inggit ka sa ganda niya, sa talento niya, sa atensiyon ng mga tao sa kanya. Iyon ang dahilan kaya ka nagmamadaling umalis kanina, na kung hindi mo sana ginawa, hindi ito mangyayari," paninisi pa ni Lydia.
Nakaupo na sa sahig si Amari. She felt the urge to fight back, to talk back, but she chose to stay silent and just covered her head. Somehow, may kaunting katotohanan sa mga sinabi ng ina. Inuna niya ang sarili kanina, inuna niyang harapin ang kanyang emosyon. Kung sana isinantabi niya muna iyon...
"Masaya ka na ba? Masaya ka na bang ganyan ang itsura niya ngayon? Hindi sana magkakaganyan ang anak ko kundi dahil sa punyetang ugali mo!" bulyaw pa ng ina.
"Anak mo rin siya, Mama!" narinig nilang sigaw ni Nicci, umiiyak na rin ito.
Noon na tumigil si Lydia, ngunit hindi pa rin nahihimasmasan mula sa galit nito.
Pilit na itinaas ni Nicci ang isang kamay nito, itinuro ang pinto. "Get out, 'Ma," nanginginig ang boses na sabi nito. "Out!" sigaw nito nang hindi tuminag si Lydia.
Unti-unting tumayo si Amari, nagpahid ng mga mata. Hindi niya alam ang gagawin nang lumabas nga ng kuwarto ang kanilang ina. Hindi siya makatingin nang diretso kay Nicci.
Maybe Nicci wanted to be alone, lalabas na rin muna siya. Babalik na lang siya mamayang kalmado na ang lahat. Walang imik niyang tinungo ang pinto nang muli niyang marinig ang boses ng kapatid.
"Amari, dito ka lang," pakiusap ni Nicci. "Please?"
Nag-ring ang cellphone niya, tumatawag si Alexis. "S-sige. Sasagutin ko lang si Kuya, kanina pa siya text nang text," mahinang paalam niya kay Nicci.
Lumabas siya ng silid at naupo sa isang bench sa hallway bago sinagot ang tawag.
"Okay lang ako, Kuya. Si Nicci ang n-nasaktan," hihikbi-hikbing sagot niya sa mga tanong ni Alexis. "Hindi ko naman kasi alam na sumunod pala siya sa akin sa pagtawid."
"Hindi kita sinisisi, kahit ikaw ang tinuturo ni Mama na may kasalanan."
Lumakas ang iyak niya.
"Anong ginawa sa iyo ni Mama?" nag-aalalang tanong ni Alexis nang hindi siya makapagsalita. "Sinaktan ka ba niya?"
Nag-flashback sa utak niya iyong panahong mga bata pa sila. Sila ni Alexis ang nakatikim ng palo mula sa kanilang ina, puwera si Nicci. Behaved naman kasi iyon mula noon, hindi tulad niyang pasaway.
"Kuya, sana pag nagkaanak ka nang higit sa isa, pilitin mong huwag magkaroon ng paborito, ha? Mahalin mo nang pantay-pantay ang mga anak mo kahit may pagkukulang ang iba sa kanila, kahit magkakaiba ang itsura nila," umiiyak na sabi ni Amari. "Anak mo ang mga iyan kahit anong mangyari. Ikaw ang nag-decide na ilagay sila sa mundong ito kaya dapat lang na mahalin mo silang lahat."

BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.