Part 38

18.6K 741 57
                                    


 "SORRY, sinaktan ka ni Mama dahil sa akin,"  malungkot na sabi ni Nicci kay Amari.

"Dahil sa iyo? Dahil sa kanya, kamo. Dahil sa kagustuhan niya. Saka malayo ito sa bituka, don't worry about me," ani Amari.

"Binigyan ko siya kanina ng ultimatum, sabi ko pag sasaktan ka pa niya uli, pag pagsasalitaan ka ng hindi maganda ay hindi ko na siya kakausapin kahit kailan."

Hindi niya naiwasan ang mangiti, halos pareho pala sila ni Nicci ng sinabi sa kanilang ina.

"Hindi ko na rin siya sinabihang mag-apologize sa iyo kasi kilala naman natin siya, hindi niya iyan gagawin, o kung gagawin man niya ay hindi bukal sa kanyang loob," sabi pa ni Nicci. "Pero alam mo, Amari..." Biglang humina ang boses nito, lalong lumungkot. "Hindi lang kayo ni Kuya ang nakatikim ng pananakit ni Mama noong mga bata pa tayo. Hindi n'yo lang nakita, pero napalo din ako at nakurot noong bata ako pag hindi ako sumusunod sa kanya. M-meron pa iyong sinampal niya ako sa backstage ng isang pageant sa mall noong bata pa tayo, nagugutom na kasi ako noon pero ayaw niya akong pakainin hangga't hindi natatapos ang program."

Hindi agad nakapagsalita si Amari. Wala siyang ideya na may mga pinagdaanang ganoon si Nicci.

"Akala lang ng mga tao na disiplinado, ambitious, at hardworking ako kaya narating ko kung ano ang mayroon ako ngayon, p-pero..."

"Ginagawa mo lahat ng ito dahil sa pressure kay Mama?" Lalo tuloy siyang nagngingitngit ngayon.

"Parang ganoon? Hindi ko na namalayan na nag-umpisa sa ganoon ang lahat, sa mga kagustuhan ni Mama, sa mga pangarap niya sa akin."

"H-hindi ka ba masaya sa mga ginagawa mo? Hindi ba ito ang pangarap mo?" awang-awang tanong ni Amari.

"Masaya naman ako. Maganda naman mostly ang experience ko, fulfilling din. Madami din akong nakilalang mabubuti at interesanteng tao sa larangang ito. Sa pangarap ko naman..." Bumuntonghininga ito. "Hindi ito ang gusto kong gawin habangbuhay. Parang gusto kong maging kindergarten o grade school teacher."

"Naalala ko nga, noong mga bata pa tayo. Nakikipaglaro ka sa mga paslit sa bukid, nagkukunwari kang teacher nila. Nakaupo kayo sa damuhan doon."

Tumawa nang mapait si Nicci. "Oo, tapos palagi akong pinapagalitan ni Mama kasi mainit daw sa labas, huwag daw akong magpaaraw."

"Iyon talaga ang gusto mong gawin?"

"Parang. Ewan ko, ang hirap na mag-set ng goal ngayon. Pero kahit ano na siguro, basta gusto ko, at hindi lang dahil gusto ni Mama. Gusto ko rin magtayo ng kahit na maliit na business para may mapuntahan naman ang ipon ko. Ikaw ba, pangarap mo talagang maging manager sa mga restaurant o club?"

"Not exactly din, eh. Alam mo naman ako, basta kumikita nang maayos ay okay na. Pero gusto ko rin sana magkaroon ng kahit na maliit na coffee shop."

"Coffee shop? Afford ko nang ipatayo iyan, maging business partners na lang tayo. Ikaw ang magma-manage, how's that?"

Nagningning ang mga mata ni Amari sa kabila ng patong-patong na stress. "Seryoso ka diyan?"

"Oo!" Sumigla ang boses ni Nicci. "Nakaipon na ako ng malaking pera. Mayroon din akong pondo sa ATI, bale may porsiyento silang kinukuha sa talent fee namin tapos ini-invest nila sa labas. Ayaw nilang maghirap ang talents nila."

"Buti pala hindi kinurakot lahat ni Mama ang pera mo."

"Muntik na nga. Isa iyan sa dahilan kaya pumayag akong pa-manage sa ATI. Sa kanila ko ipinagkatiwala ang pera ko, kaya hindi na makapiyok si Mama."

"Sobra-sobra naman ang bigay mo sa kanya."

"Mas maluho pa sa akin, eh. Ano, okay ka na sa coffee shop? Asikasuhin natin after ng Miss U."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon