PAGKAALIS ni Pierre sa ospital ay sinabi ni Amari kay Nicci ang kanyang mga balak.
"You quit your job to support my Miss Universe journey?" gulat na sabi ni Nicci bagama't hindi nito naitago ang tuwa sa boses.
"Oo, nagdesisyon na ako. May konting ipon naman ako kahit paano. Saka sabi mo naman aasikasuhin na iyong coffee shop natin after the pageant, so mabuti nang habang maaga pa ay mag-resign na ako."
"Amari, ayoko namang masakop ang buhay mo niyan. Alam kong hindi mo gustong sumasama sa mga ganito."
"Hindi ko talaga gusto dati, kasi..." Nahihiyang ngumiti si Amari. "Tama si Mama, naiinggit kasi ako sa iyo. Mahirap aminin, pero iyon talaga nararamdaman ko noon pa man, doon galing iyong mga inis ko pag pinipilit niya akong umalalay sa iyo. Pero it's not your fault, ah? Never din akong nainis sa iyo."
Matagal bago nagsalita si Nicci. "Hindi ko alam na nararamdaman mo iyan sa akin," anito na walang pagdaramdam ang tono ng boses. "Ang totoo niyan kasi... ako din ay may lihim na inggit sa iyo, Amari. Inggit ako sa lakas ng loob mo, sa independence mo. Kahit saan kaya yata itapon ay makaka-survive kang mag-isa."
Napatawa siya sa narinig. "Ano ba? Seryoso ka diyan sa inggit na iyan?"
"Oo, 'no? You are easy-going, hindi ka nagpapa-pressure, may sarili kang isip. Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao."
"Hindi rin ako ganyan katapang talaga, deep inside may mga fear and insecurities din ako gaya ng kasasabi ko lang sa 'yo."
"Halos lahat naman ng tao ay may dinadalang ganyan, pero ikaw ay nakakaya mong dalhin. Kaya nga gusto kitang kasama sa mga gig ko kasi napapalakas mo talaga ang loob ko."
Si Amari naman ang natahimik saglit, nakatingin lang siya sa orange na binabalatan. "Then, may mas dahilan na para samahan kita sa Miss U journey mo," saka nakangiting sabi niya. "Let me do this, Nicci. Oras na para isantabi ko naman saglit ang sarili ko. Sa lahat kasi ng pagkakataon, ang nararamdaman ko lang ang priority ko, and I think naging makasarili din ako." Ibinigay niya ang orange sa kapatid. "Ay, wala ka na palang choice pala kasi hindi ko na puwedeng bawiin iyong resignation ko."
"Thank you, Amari. I really appreciate this." Makikitaan ng kakaibang saya ang ngiti ni Nicci. "Promise, hati tayo sa lahat ng incentives and prizes pag nanalo ako. Alam mo bang pinangakuan ako ni Governor Segovia ng house and lot kahit makapasok lang ako sa top ten? DVL is giving me a million pesos, too. Three million if I win the crown. Marami pang ibang nag-pledge, pati kotse from—"
"Pucha, Dominica! Huwag kang ganyan. Alam mong madali akong masilaw sa salapi!" bulalas ni Amari.
Humalakhak ang kapatid. "Seryoso ako. Hati talaga tayo."
Inulan ng peso signs ang imagination ni Amari. "Kahit hindi na hati, okay lang. Gagalingan ko ang pag-alalay sa iyo, promise. Kukunin natin ang korona."
"Wait lang pala, alam na ito ni Pierre? Okay lang sa kanya na sa Manila ka muna titira?"
Hindi niya naitago ang lungkot, pati balikat niya ay hindi niya napigilang manglaylay.
"Is there something wrong? Nag-away ba talaga kayo? Parang ang tahimik n'yo pareho kanina," usisa ni Nicci.
"Wala na kami," mahinang sabi niya, dumampot ng mansanas mula sa fruit basket.
"H-ha? Kelan?" Natigil si Nicci sa pagkain ng orange. "Kagabi lang ay nandito ang parents niya, ah."
Sinipat niya ang apple, iyon iyong kinaiinisan niyang makapal ang balat. Wala pa namang kutsilyo para pangtalop sana. Naisipan niya ang Swiss army knife sa kanyang bag. Ugh, bigay pala iyon ni Pierre. Bigay din nito ang fruit basket. Lahat na lang talaga, nagpapaalala sa lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.