Part 40 (SPG)

35.7K 761 108
                                    


Softcopy/digital is P550 available via Whimsical Books Ph (you can pay thru Gcash).




AGAD  nakita ni Pierre si Amari, patakbo itong lumapit sa puno, at binugaw ang aso. Ayaw pa lumayo agad ng aso, inaangilan si Pierre. Hindi naman umatras ang huli, he did a loud clap of his hands and stomped his feet. Mukhang natakot din ang aso dahil lumayo na iyon.

Hiyang-hiya si Amari nang tingalain siya ni Pierre.

"Are you okay?" agad nitong tanong sa kanya.

"Y-yes."

"You can come down now."

Napatingin si Amari sa kinakapitang sanga at napalunok. Puno ng santol pala ang inakyat niya. Pero paano talaga siya nakaakyat doon?

"H-hindi ko alam paano ako nakaakyat, hindi ko rin alam paano bumaba," nanginginig na sabi niya.

"Kaya mo bang tumalon?"

"A-ayoko. Baka mapilayan ako."

"Sasaluhin kita."

"H-ha?"

She saw him opening his arms. Seryoso talaga ito sa pagsalo daw sa kanya.

"Remember when you asked me what if you'd fall? I said I'd catch you. Baby, I meant that literally and figuratively. So yes, you can fall on me. Don't be afraid," mabining sabi sa kanya ni Pierre.

"S-sasaluhin mo ako talaga?"

"Yes. Just trust me, sweetheart. Close your eyes and let yourself fall; and I'll do the rest. You'll be fine, I promise. I got you."

And Amari did what he told her. Pumikit nga siya, bumitaw sa kinakapitang sanga, at nagpatihulog. She let herself fall on him. Literally and figuratively.

Kaso medyo sablay ang landing. Nasalo nga siya ni Pierre pero napatimbuwal ito kasama niya. He broke her fall, she landed on top of him.

It wasn't a perfect fall, but she knew she fell in the right place. With the right man.

"Ano ba'ng kinain mo? Ang bigat mo ngayon," pabirong angal ni Pierre.

Hinampas niya ito sa dibdib, pero hindi niya inalis ang mukha mula sa pagkakasubsob sa leeg nito. She had missed him so much like she hadn't seen him for ages. She missed being close to him like this, feeling his warmth, hearing his heartbeat. And she had missed how he held her like this— tight, but tender at the same time; both possessive and lenient.

"'You okay, love?" Humaplos ang kamay ni Pierre sa kanyang likod.

"Yes, thank you."

"Wala bang masakit sa iyo? Huwag ka munang gumalaw."

"Wala naman akong maramdamang masakit."

"Are you sure?"

"Sinalo mo kasi ako."

Hindi rin gumalaw ang lalaki, hinayaan lang nila ang ganoong posisyon nila sa lupa. Nang humalik ito sa kanyang buhok ay noon na siya nag-angat ng ulo at tumingin sa mukha nito.

Ano na pala iyong mga pr-in-actice niyang sasabihin dito? Kaloka, naalog yata ang utak niya't hindi na niya alam kung ano ang unang sasabihin.

"M-may masakit pala sa akin," ani ni Amari, hindi sure sa mga susunod na sasabihin.

Biglang bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Pierre. "What, where?"

"My heart," pahikbing sagot niya.

"Babe..."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon