Kabanata 4

36 2 0
                                    


"She's a new micronation."

Napatingin kami sa nagsasalita. Nandyan sina Luz at Vinda sa likuran namin.

"What do you mean micronation?" Pagtatakang tanong ni Dora Guy.

Pareho kaming tanong. Ano ba yun?"

"It's... like another Sealand but more mature, refined and feminine." Puri ni Eyebrow Dude.

Anong Sealand? Sea na may land?

Kinurot ni Minda ang kamay ko at bumulong siya.

"Okay ka lang?"

Hindi ako makasagot sa kanya dahil sa bilis at napakaweirdong nangyari sa buhay ko simula nung nagpakita yung tatlong lalaki sa kwarto ko.

"Cool!" Paclap ni Doro. Doro kasi haba yung pinangalan ko sakanya at boy siya kumpara kay Dora.
"So what's your name? How did you come from this world? Where did you come from?"

"P-po?" Bat daming tanong at iniisa pa. Nagugulahan ako lalo English. Dudugo talaga nitong ilong ko.

"I've been wondering dear," Tinuro ni Kilay Dude ang kwintas ko.
"Where did you get that? I feel old magic radiating from that thing."

Mas lalo na akong naguguluhan at tiningnan ko si Minda na nagmamakawa na paalisin niya ako dito.

Bumuntong hininga siya.

"She needs rest, America and England. And to answer your questions America. We don't know yet and England, you're hallucinating."

Wow. Ang talino niya sa english. Mamatay akong maaga nito! Pero England? America? Bakit binanggit niya ang mga countries? Sino ba talaga kayo?

Tumingin ako sa tatlo.

"Kailangan ko kayong kausapin ngayon na."

Tumingin sila sa isat isa at nagtango.

Nag excuse kami at pumunta kami sa isang parte ng mansion. Parang library at the same time entertainment room pero nakahati ito ng isang glass divider kaya pwede mo makita anong nagyari sa kabila.

Umupo kami ni Luz, Vis at Minda sa silya. May isang maid pumasok at inilapag ng mga baso. Parang tea ito.

"Here's your milktea, Sirs and Ma'am." Ngiting bati niya. Pero namutla ako sa narinig ko.

Balita ko noong nakaraan buwan may namatay nang dahil sa milktea kaya nahihinayang ako inumin habang yung tatlo naman ay normal naman.

Tiningnan ako ni Vis at tumawa nang malakas. Nakakapikon pakinggan ang tawa nya.

"Hindi siya naka get over sa milktea deaths! Bwahahaha! Kaloka-" Sinamaan siya ng tingin ni Minda at napatahimik siya. Hah! Buti sayo.

"Okay yung milktea. Walang patay na daga o anuman nandyan. Safe ito inumin." Ngumiti si Luz sakin. Nice ang kurba ng smile niya kaya napangiti din ako.

Iniinum ko ito at okay nga siya. Siguro paranoid lang talaga ako ngayon.

"I want answers now. I am patient but please start from the beginning para maintindihan ko ang nangyayari at bakit kayo nangingialam sa buhay ko." Bigla kong sabi nang nakalahati ako nakainom. Napatahimik sila at tinignan nila si Vis.

Napailing siya.

"Kainis! Ako nanaman?!"

"Ikaw kasi ang nakakatanda dito." Sabi ni Luz. Siya ang pinakatanda?! Hindi halata!

"Fine." He leaned forward and he mumbled.

"Noong unang panahon, nakasilang sila ng isang peculiar na bata."

Nakinig ako ng mabuti kung may nahagap ako ng impormasyon.

"Hindi nila alam na may kakayahan yung bata kaya ibinigay nila ito sa iba. At nagiging isang masungitin ang pangit na matandang dalaga ang bata nang lumaki ito."

Kumunot ang noo ko. Parang ayaw kong pakinggan ang susunod ang mangyayari.

"Ang pangalan niya ay si Miracle- ARAY! Bat humampas ka dyan."

Pinalo namin siya. Sabi nga kalokohan niyang pinagsasabi niya eh! Bat ba kasi pinagkakatiwalaan ko siya na sabihin niya ang lahat! Aish!

"Pre! Wag ka ngang magbiro!"

"Oh sige na nga! Ang seseryoso nyo eh." Ngumuso siya. Aba't tingin niya cute siya. Psh.

Tumuloy siya pero sumiryoso ang mukha at tono niya.

"Pero totoo yung sinabi ko una. Isang peculiar na bata ang nasilang noong mga panahon na yon. Akala nung magulang niya na baka lumipas yan pero hindi. Mas lalo nakakahalata ang kanyang kaibahan kaya tinago nila siya. Pero yung bata, maaga pa man ang talino niya. Alam niya tungkol sa geograpiya ang buong mundo. Bago pa na pruweba ni Magellan na bilog ang mundo. Alam na niya abg buo buo ng mundo. And after that, nabuo ang mga countries."

"Countries?" Wala man akong nalalaman dito sa Aralin Panlipunan to ah. Pati yung part ng bata, siya ba talaga bumuo ng mga countries? Teka ang gulo! Sabog na ang utak ko.

Tumuloy si Vis," He didn't made the countries. He made them personificate."

"A-anong personal churva?"

Imbes si Vis ang sumagot si Luz ang nagsalita pero nakita ko ang pait sa mata niya.

"He made them into personified countries. Countries that took form of a human."

***

She and her PersonificationsWhere stories live. Discover now