Kabanata 2

54 3 0
                                    


"Sssh... wag kang sisigaw." Someone said in a husky voice.

Tinignan ko ang nagsalita at mayroon naman isang magandang nilalang bumabati sa mata ko. He had those curly hairs na katulad ni Brad Simpson. He had also those playful eyes and cocky grin. He had this small nose but perfectly shaped face and lips. Hindi lang gaano manipis at makapal. Kissable lips. Napalunok ako sa descripsyon.

"Pramis wag kang sisigaw?"

Tumango ako. Para akong nabaliw dito eh! Sino ba sila? Ano ang ginagawa nila sa kwarto ko? Baka imahinasyon ko lang kasi ang saya saya ko kaya nag iimagin ko ang mga impossible.

Tinaggal niya ang kamay niya sa bibig ako at nakasigaw ako medyo. Tinakpan agad niya agad ang bibig ko.

"Piskot! Mukalit mankag pakita oy!"
(Punyeta! Bigla ka namang sumulpot dyan!)

Inis sabi niya sa lalaki sa nasa ilalim ng kama ko.

May bigla kasi sumulpot sa ilalim ng kama ko at binuhat si Mister.

Nagkamot siya sa ulo.

"Cute tong aso oh!"

Gwapo din siya. Pero mas nakahalo ang pagloloko niya at pagkaseryoso nito.

Ano ba kasi ang utak ko, lumilikha ng mga gwapong nilalang na nakasuot ng pang military. Sana magising ko tong paniginip to. Paniginip talaga ito. Kinumbinsi ko ang sarili ko pero kadudahan ko nga ang nagyari kaya...

"To-totoo ba kayo?" Kinabahan at nauutal kong tanong.

Tiningnan nila ako saglit at nagbulong bulongan. Napalunok ako at pinikit ang mata ko. Tama. Paniginip lang ito.

Inhale. Exhale. Inhale...

"Sino kayo! Anong ginagawa nyo sa kwarto ko! Tatawag talaga ako ng pulis!" Pagsigaw ko at pagbabala sa kanila.

Gulat sila sa ginawa ko at nagpapanik.

"Teka miss! Humihanahon ka muna at makinig-"

"Wag kayong lalapit!"

Natataranta sila at nagbulung-bulungan sila. They're really fishy!

"Mira! Anong sinisigawan mo dyan!"

Sinamaan ko sila ng tingin at binuksan ang pinto. Nandoon sila Tita halatang inis at nanigarilyo pa rin.

"Tita! May mga magnanakaw dito!"

Nirinig ko ng bulong ng isang lalaki.

"Di kami magnanakaw."

Binuksan ni Tita.

"Oh asan ba?"

"Nandy-"

Napaawang ang bibig ko. Wala na sila.

"Pinagloloko mo ba ako?!" Galit niyang sabi. Napayuko ako.

"Tita, baka,-"

"Tumamik ka!" I flinched.

Minamasahi ni Tita ang kanyang noo at napatigil siya.

"Ano yan?" Tinuro niya ang kwintas. Lumalit siya sa mesa at sinusuri niya ito. Kumakabok ang dibdib ko sa kaba. Sa lahat ng gamit ko, yan ang pinakialaman niya?!

"Mamahalin to ah! Saan mo to ninakaw bubwit!"

"H-hindi ko yan ninakaw! Galing yan ni Lola Mai at binigay niya yan sakin!" Pinalakas ko ang loob para sagutin siya. Okay lang kuhanan niya ang mga gamit, pera o ano pero ang sentimental value hindi!

"Nagsinungaling ka lang. Akin na to!" Inisnatch na man niya ang kwintas at binulsa niya. Nauusok na ako sa galit at inis pero wala na akong lakas para don.

"At ikaw!" Kinurot niya ang tenga ko at naparay ko sa sakit.

"Wag mo akong sagutan at sigawan! Magimpaki ka at layas! Nakakairita yang pagmumukha mo! Sinisira mo pa ang pahinga ko!"

Kinamlas ko siya para bitawan niya ang kamay niya sa tenga ko. Nabitawan nga niya pero hindi pa siya nakuntento. Tinulak pa niya ako at sinarhan.

Narinig ko ang pagsigaw niya.

"Alis ka ngayon na o ako pa ang lalayas sa yo!"

Naiiyak ako. Hindi ko alam kung galit ba ako sa sarili ko o sa kanya. Basta ang naramdaman ko ang sakit sa katawan ko dahil sa tulak niya.

Pinagsisihan ko yung mga lalaki kanina. Sila ang may pakana! Kung hindi sila umalis, aawayin sila ni Tita at hindi ako.

Sanay ako sa pangbugbog pero ayoko na! Gusto ko umalis nga dito pero hindi ngayon lang. Ang dami nangyari ngayong araw.

Wala akong ibang opsyon. Nagimpaki ako habang tumutulo ang luha ko. Ngayon ko lang hinahayaan kasi pagod na ako. Mas mabuti pa nga aalis ako.

Binuksan ni Tita ang pinto at hinila niya ang buhok ko. Naparay ako sa sakit. Tinulak niya ako sa labas at inihagis ang mga gamit ko.

"Wag ka nang babalik dito! Wala na akong pamangkin na katulad mo!" Sinarhan niya ako.

Umuusok ako sa galit. Ano ba ang nagawa kong mali na tratuhin niya ako. Mas mabuti pa nga na hindi niya na ako kinikilala. Kahit gabi na wala na akong pakialam basta hindi ko hahayaan na ganito lang niya ako at minamaliit at sinasakitan.

Sumigaw ako.
"Mas mabuti nga yan! Wala din akong tita na nagngangalang Bruhilda na lagi namang naguutang nang sigarilyo at hindi naman bumabayad at magnakaw ng gamit nina Mang Gerald! Wala akong tita na binugbog ako halos araw araw sa walang kwentang dahilan at hindi pa ako pinagaral sa kolehiyo at pinalayas at ninakawan ang gamit na galing sa lola ko! Paksyet ka! Piste yawa! Magantos ka, kawatan! (Magdusa ka, magnanakaw)

Natigilan ako sa pwesto ko nang lumabas ang mga kapitbahay at nagbulong bulongan. Nakita ko si Mang Gerald na umuusok sa galit. Pumunta siya sa pinto at kinakatok ang pinto na may intensidad.

Tumayo ako. Ang dumi ko lahat lahat. Pero ang pinagkataka ko, paano ko nasabi yung dalawang huling linya? Hindi ko alam ano ang meaning pero parang alam ko na dapat yun sa kanya. Kahit tita ko yan, hindi niya dapat ganituhin ako.

Tinitignan ako ng mga kapitbahay at nagbulung-bulungan. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Wala ba kayong magagawa dyan at magtsismisan kayo ng walang kwenta? Tsupi!"

Agad sila tumabi at pumasok sa bahay nila. Buti naman.

Naglakad ako paalis pero parang naramdamam kong bumigat ang bulsa ko.

Nang nakarating ako sa daan, kinakapan ko ang bulsa ko at kinuha ang laman.

Agad nakakunot ang noo ko sa kadudahan.

"Bakit nandito ang kwintas?"

"The necklace is not going to go any spoiled filthy hands, miss. It goes to where it have to goes."

***

She and her PersonificationsWhere stories live. Discover now