Kabanata 15

30 2 0
                                    

"Okay ka lang ba Mira?" Tanong ni Minda sakin nang papalabas kami sa paaralan. Walang gana akong tumango at silang tatlo nagtitinginan ng isa't isa at sa huli tiningnan nilang dalawa si Visayas.

Umirap naman siya.

"Bat tingin nyo sakin ganyan?"

"Ewan lang, basta ang naalala namin ikaw yung huling kasama niya."

Nanliit yung mata niya,"Mapanghusga naman kayo. Baka yung mga kaklase ang pakana kung bakit siya ganyan."

Nakipagbalikat si Luzon,"We won't know for sure unless she speaks up. Kanina pa syang..."

Tiningnan nila ako na parang nagtataka.

"Namumutla."

***

Hindi ko nakatulog masyado kaya mas lalo umaapaw yung eyebags ko.

Lahat sila nakatingin sakin pati si Tito nang kumain ako ng walang gana.

"Uhh... Iha" Malumanay pagkasabi ni Minda sakin,"Baka gusto mong magpahinga ka muna."

Umiling ako," Okay lang ako." At tumayo ako nang papalabas ako ng magisa.

3rd person POV

Tiningnan nilang maiging lumabas si Miracle sa bahay. Huminga ng malalim si Tito. Nagkamot naman sa batok sina Luzon at Visayas. Si Minda naman as usual parang walang emosyon na nakabakas sa mukha niya.

Napapikit ng sandali si Tito hanggang sinabi niya nito,"Subukan nyo samahan nyo sha sa school."

"Heh" Ngumisi si Visayas ng mapait," Like what? Be her classmate? Psh"

Sinamaan nila yung tingin nila sa kanya.

"What is your deal with my niece?"

"I don't know. I just have this tingles like I don't like her."He crossed his arms at napailing naman si Tito at napatingin siya sa dalawang lupa na nakatayo sa harap niya.

"I... think Visayas' plan would work. Plus mas lalo natin makita anong pinangagawa niya." Sabi naman ni Luzon.

"Right. So magsisimula naman tayo sa papeles."

"Siguraduhin ninyo hindi Marlou yung pangalan ko ha."

***

Miracle's POV

Nararamdaman ko ang paghihinayang at eto ako nakatayo harap sa pinto. Ano ba talaga?

Ayokong pumasok sabi ng puso ko. Kakayanin ko ang pagsubok sabi naman yung utak ko. Pero lahat nahulog lang sa wala kasi nakakuyom na ang kamay ko sa kaba at takot.

Binuksan ko ang pinto. Wala naman akong option eh. Kung babalik ako sa bahay ang layo na tsaka magsisimula na ang klasi.

May nahulog galing sa itaas. Napaubo ako at napamulat nang malaman ko blackboard eraser pala yon at nagkakalat yung puting abo sakin.

Narinig ko ang mga tawanan at mga hiyawan sa mga kaklasi ko. Bumilog yung mata ko nang nakikita ko yung isang babae nag vivideo sakin.

"Wow." Tumingin siya sakin ulo hanggang paa,"Ang puti mo, talo na yung mga whitening cosmetic products dahil lang sa chalk. Pambihira."

Nagsitawanan sila habang sinamaan ko sila ng tingin. Tinanggal ko yung mga abo na nasa mukha, buhok at damit ko tsaka ko lumayo sa kanila.

Bago pa man ako nakalayo , tinawag naman ako ni Angel. Oo Angel yung pangalan niya.

"Ah hindi ka dyan magupo. From now on," Tinuro niya yung isang silya na nagiisa lang nakapwesto at nasa tapat ng bintana," dyan ka uupo."

Hindi naman ako magpapatalo sakanya," At kung tatangi ako?"

"Kung ayaw mo, ipagkakalat ko yung video mo kanina - "

"Go ahead. Nahulogan naman ako ng eraser diba - "

" Pati yung mga video mo pag hs din." Ngumisi siya.

Napagbuntong hininga ako at tumingin ng masama sakanya bago ako lumakad patungo sa silya.

She and her PersonificationsWhere stories live. Discover now