Kabanata 5

36 3 0
                                    


"So, countries talaga kayo na nakatook form into humans?"

Tumango sila.

"At yung peculiar-"

"Dimiourgos."

"Okay so si Dimiourgos ang naglikha sa inyo.-"

"Dimiourgos created the oldest countries. His desendants did after he died." Pag interject ni Vis. "Sila ang lumikha sa amin."

Napatango nalang ako sa kanila.

"And your saying that the economy affects your health and dapat hidden ang inyong existence sa mga tao?"

Napatango sila na parang sa wakas naintindihan ko na.

Pero napailing ako habang minamasahe ang ulo ko.

"Talagang nababaliw na kayo. Sobra na ang saltik sa ulo. Parang mas malala kayo kaysa sa mga taong grasa na nababaliw."

Hinampas ni Visayas ang lamesa. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Putcha naman, Miracle! Pinaghirapan ko ngang i explain sa yo pero tingin mo ba gawa gawa to ang lahat?!"

"B-bat galit mo ata?" Nauutal kong tanong.

Tinhanan siya ni Luzon at Mindanao. Weird. Ito pala yung mga island groups sa Pilipinas pero kapag magsama sila magiging Philippines sila. Hanep nang imahinasyon nila. Pero hindi ko makapaniwala. Hindi makatotohanan kasi yung pinagsasalita nila kasi hindi naman dahil wala nakwento ito sa paaralan kundi nabiglaan lang ako. Kung pwede lang iprocesso ang lahat eh pero na overload ang utak ko simulang kagabi. Parang ang pangyayari nito ay parang nasa kwentong piksyon. Hindi ko na nga alam kung saan banda ba ang totoo o hindi.

"Sensya na, Mira. Mainitin kasi ang ulo nito kapag nakaseryoso. Hindi kasi balanse ang kayang pagkaseryoso at pagbibiro niya." Hinahon pagsalita ni Mindanao."

Hindi ako kumikibo nang inuubos ni Visayas ang kanyang inumin sa isang lunok.

Bipolar ata to si Visayas. Kanina pa nga siya nag budoy ngayon para siyang may galit sa mundo. Buti pa si Luzon at Mindanao matinong kausap.

Nang nakakalma na sila, nilakasan ko ang loob ko nang tanungin kahit matalim ang titig ni Visayas na tila sinasabi, subukan mong pagalitin tong bipolar, lugi kayo.

"Ano, b-bakit ba nyo ako dinalhan dito? Ano po ako sa inyo? Bakit ba kayo nagpakita sakin bigla."

Binuka ang bibig ni Visayas pero pinipigilan niya sa kanyang pangalawang kapatid.

"Ako na ang magpapaliwanag sa kanya at ikaw kainin mo to para hindi mo ulit sumbatan si Mira." Binigyan siya nito ng dried mangoes. Inirapan naman niya ito at kinuha ito at umalis sa pwesto namin. Tapos bumalik na ang kanyang ugali at naglalaro ng Super Mario sa entertainment room.

"Alam mo Mira." Lumingon ako at nakatingin si Luzon sakin."Hindi pa pwede namin sabihin sayo ang sagot na yan kasi may tamang panahon para isabi nito sa yo. Isipin mo lang MVG ka dito."

"Eh, nasaan ba talaga ako?"

He smirked.

"Nandito ka sa lugar kung saan kahit ng mga mayayaman o sikat sa buong mundo ang hindi makapunta dito."

Napalunok ako. Bilangguan ba ito?

"Hindi to bilangguan." Natatawang sabi ni Mindanao.

Hinawakan ko ang ulo ko sa gulat. Paano niya nalaman ang iniisip ko!

"Nakasulat sa buong mukha mo kaya."

Ahh... Kainis ha! Aish!

"Mira," Pagpatuloy ni Luzon at ramdam ko ang padabog ng dibdib ko sa kanyang titig.

"We are at the highest floor of the Empire State Building in New York."

***

She and her PersonificationsWhere stories live. Discover now