III: Maling Akala!

312 15 8
                                    

"Huh? Patay na ba ako?"

Unti-unti akong nagkamalay, pero hindi ko alam kung nasaan ako. Sigurado ako na buhay pa rin ako dahil sigurado ako na hindi ganito kadumi ang langit at hindi naman ganito kakomportable ang impyerno. Imposible naman na nasa purgatoryo ako dahil gawa-gawa lang ang lugar na yun para pagkakitaan ang pagpapadasal sa mga kaluluwang namatay na.

Agad kong pinagmasdan ang paligid ko—nang mapansin ko na napapalibutan ako ng mga stante ng gamot ay agad kong na-gets na nasa drugstore pala ako—pero paano ako napunta dito?

Napansin ko na yung bubog sa mga legs ko sa kakapedal at kakatakbo ay tinapalan ng gamot at binalot ng gaza pati yung ibang galos ko ay nagamot na rin—pero sino ang nagdala sakin dito?

Ang huling bagay na naaalala ko ay yung engkwentro ko sa mga sprinter kanina sa may Nlex tapos—

"Aray... Ang sakit ng ulo ko..."

"Huwag ka munang gumalaw at magpahinga ka muna, sa lagay ng mga binti mo e kakailanganin mo pa ng mas mahabang oras ng pahinga."

"Sino ka!?"

Paglingon ko sa boses na kumausap sakin ay nakita kong bigla yung sudalo na nakamaskara. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung tinulungan ko bago ako makarating sa may San Fernando—buhay pa pala siya.

"Ikaw ba yung sundalo na binigyan ko ng pagkain at tubig? Yung binugbog nang mga armadong grupo ng mga lalake kanina? Paanong—"

"Oo ako nga yun, salamat at tinulungan mo ako. Akala ko ay hanggang doon na lang ang buhay ko at hanggang dun na lang ang aabutin ng misyon ko."

Habang nagsasalita siya ay hindi ko mapigilang magtaka sa boses niya. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa mask na suot niya at tunog bakla ang boses niya—bakla ba siya?

"Uh sir, okay lang po yun. Ako nga po ang dapat magpasalamat sayo dahil kung hindi dahil sa inyo e wala na siguro ako at hanggang doon na lang din ang aabutin ng misyon ko."

"Anong misyon?"

Grabe, tunog bakla talaga ang boses niya! Hindi ako pwedeng magkamali. Isa siyang myembro ng pederasyon! —teka! Ang ibig sabihin ba noon ay siya ang naglagay ng benda sa mga legs ko? Pero sa higpit ng pants na suot ko e kailangang hubarin muna para makabitan ng benda sa loob... Shit! —wag naman sana... Sana hindi niya ako nilaswa habang wala akong malay.

"Anong iniisip mo!? Bakit bigla ka na lang nanahimik?"

"Ah sorry po sir—pwede po ba akong magtanong? Kayo po ba ang naglagay ng benda sa legs ko at gumamot ng sugat ko?"

"Oo, imposible naman siguro na zombie ang gumawa niya diba? At tsaka bakit sir ka ng sir!? Hindi ako sir! Ma'am ako!"

Pagkasabing-pagkasabi niya ng linyang yun ay tinanggal niya yung maskara sa mukha niya at bigla na lang akong natulala sa nakita ko—SHIT!!! —isa siyang hot soldier...ess!

Hindi ko expect na sa likod ng soldier gear at mask ay isang napakagandang babae! At hindi lang napakaganda kundi napakaganda pa! —ulit-ulit lang ako.

"So-sorry, hindi ko expect na babae ka pala akala ko kasi bakla ka kasi iba yung tunog ng boses mo at akala ko nang una kita makita e lalake ka dahil sa porma mo."

"How dare you call me bakla!? Yung sir maiintindihan ko pa, pero bakla!? Baka gusto mong tuluyan ko ng baliin yung mga binti mo!?"

"Sorry na nga! Sino ba naman kasi ang hindi magkakamali sa suot at porma mo diba!?"

"Ibang klase ka rin noh!? Kung lalaitin mo rin naman ako e iiwan na lang kita!"

"Sorry na nga! —teka bakit ka nga ba binugbog nung gupo ng mga lalake kanina???"

"Ah... nasa Nlex ako noon kasama yung squad leader namin at tatlo pang sundalo. Naghahanap kami ng sasakyan na pwede naming gamitin para pumunta sa MS Mall nang biglang inatake kami ng mga zombie mula sa loob ng isang bus. Nakagat yung dalawa sa mga kasama ko sa engkwentro namin, pero nadispatya namin yung mga zombie. Pagkatapos noon ay nagiba kami ng plano at inuna muna naming maghanap ng drugstore para gamutin yung mga kasama namin."

"Teka, alam niyo na ba na kapag nakagat ng zombie yung isang tao ay sigurado na magiging zombie din sila? Bakit niyo pa sila sinubukang gamutin?"

"Utos ng Squad leader namin kaya hindi kami makatanggi. Alam naming lahat yung sinabi mo, pero masyadong mahalaga para sa leader namin ang buhay ng bawat miyembro ng squad niya kaya hindi niya kaya na wala siyang subukang gawin para sa kanila."

"O tapos anong nangyari?"

"Pagdating namin sa may drugstore ay nakita namin yung grupo ng armadong mga lalake. Agad kaming humingi ng tulong, pero nang makita nila yung dalawang kasama namin na may bakas ng mga kagat ay agad nilang pinaputukan ng baril. Hindi natanggap ng leader namin yung ginawa nila at nakipagbarilan siya sa mga lalake kaya sumabay na rin ako at yung isa pa naming kasama, pero sa kasawiang pala e pareho silang namatay."

"Buti buhay ka pa?"

"Sumuko ako. Naisip ko na kailangan kong ituloy yung misyon ko kaya sumuko ako—hindi ko alam kung naawa ba sila sakin, pero pinagkatuwaan lang nila ako..."

"You mean???"

"Hindi rin nila alam na babae ako. Tulad mo naisip nila na bakla ako, kaya sinakyan ko na lang, pero ng magsawa na sila e pinababa na nila ako at binugbog. Ang sabi nila sakin e malaya na daw ako kung mabuhay pa ako sa mga zombie na natitira na hindi pa nila pinatay. Tapos yun na yung time na tinulungan mo ko."

"Gets ko na... So ano yung misyon mo? Niyo?"

"Hanapin yung isang researcher na nagngangalang Godfrey Razon. Siya yung tumakas na researcher sa Malacaniang. Dinala niya daw yung isa sa mga importanteng bagay na susi sa pagtapos sa mga zombie na 'to!"

Pagkasabi niya ng Godfrey ay hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na nakita ko na si Godfrey o hindi, at mukahng yung hinahanap nilang bagay ay yung laruang pusa na binigay niya sakin. Hindi ko expect na importante pala talaga yung lumang laruan na yun ah.

"Godfrey ba kamo? Yung maitim na lalakeng balbas sarado na kalbo?"

"Oo, eto yung picture niya. Kilala mo ba siya?"

"Oo, nakita at nakausap namin siya sa may hardware store sa Mall—pero... patay na siya."

"Ganon ba? Kailangan kong i-report sa Presidente 'to. Dahil malaking problema ito—kailangan ko ng mauna... Ano bang pangalan mo?"

"Sam. Samuel Aguas."

"First Lieutenant Corpuz, Michelle. Pero Mich na lang para mas madali."

"Pwede ba akong sumama sayo?"

"Malayo ang Malacaniang."

"Kaya ko."

"Teka Sam, nabanggit mo na may misyon ka rin. Ano yun?"

"Ah... may kailangan akong ibalik na importanteng gamit sa kakilala ko... Eto oh..."

"Huh!? —pupunta ka sa Malacaniang para lang ibalik ang laruan na yan!?"

Hindi namin maintindihan ng mga oras na yun kung bakit magaan ang loob namin sa isa't-isa at nasasabi namin ang mga ganitong bagay sa isa't-isa. Dahil ba sa klase ng sitwasyon na meron?  Dahil niligtas namin ang buhay ng isa't-isa? O Dahil... Nevermind!

Pero hindi niya alam kung ano yung laruang pusa na hawak ko—kailangan ko talagang makapunta sa Malacaniang para makita si Dr. G.

Zombie nga diba!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon