Grabe! Hindi ko expect na ganito kabilis ang motor na 'to at mas lalong hindi ko expect na ganito ka-astig si Mich!
Habang nasa daan kami ay may mangilan-ngilan na zombie kaming nadaanan, pero dahil sa bilis ng patakbo ni Mich ay kahit sprinter pa ay hindi kami maabutan.
"Mich ano bang meron sa Fruit Stand na yun at kailangan mong pumunta? Andoon ba ang pamilya mo?"
"Basta! May kailangan lang talaga akong kunin."
"Buti naman, kasi kung ang dahilan mo ay para puntahan ang pamilya mo e mahirap na umasa na buhay pa sila. Alam mo naman yun diba?"
"Oo alam ko."
Wala pang 20 Minutes ay nakarating na kami sa may San Simon Exit at papunta na kami sa isang Fruit Stand/Bahay na may sign na 'Prutas ng ina mo!' haha dana! Epic yung pangalan ng tindahan. Marami sigurong bumibili dito. Ang catchy ng pangalan.
Wala namang zombie sa paligid, pero may masama akong pakiramdam sa lugar na 'to.
Pumasok kami sa loob ng 2 storey na bahay sa likod ng Fruit Stand at agad umakyat ng second floor si Mich-maypagka-spanish ang design ng bahay-naalala ko tuloy ang bahay ng tita ko sa may Angeles. Ganitong-ganito ang itsura, parang haunted house.
Tuloy-tuloy pa rin ang masamang pakiramdam ko sa lugar na 'to, pero hindi ko masabi kay Mich dahil seryoso siyang naghahanap ng kung ano man ang kailangan niyang hanapin.
Pumunta kami sa sa tingin ko ay ang Master's Bedroom at agad kinalkal ni Mich ang mga drawer at kabinet. Maya-maya ay bigla na lang kaming may narinig na pagsabog na nanggaling sa gilid ng bahay.
Agad akong bumaba para i-check. Nang makita ko kung ano yun ay agad kong tinawag si Mich na pababa na mula sa kwart ng mga oras na yun.
"Mich kailangan na nating umalis! Delikado na dito! Nakuha mo na ba yung ipinunta natin dito??"
"Oo okay na, tara!"
Lalabas na sana kami ng bahay ng biglang may isang jeepney na dire-diretsong bumangga papasok sa loob ng bahay.
Agad naman kaming nakaiwas pero naharangan ang masama sa sitwasyon na yun ay naharangan ng jeep yung daanan namin palabas at mukang may laman na zombie yung jeep-lalabas na sana kami sa may bintana, pero may pagtingin namin ay may zombie na agad sa labas. Mukang nanggaling doon sa may sumabog kanina.
Sinubukan din namin na lumabas sa kabilang bintana, pero may mga zombie na rin! -napapaligiran na rin kami ng mga zombie!
"Sam dito bilis!"
Agad kaming pumunta sa likod na kwarto ng bahay kung saan nakastock yung mga prutas na bulok na-agad kong nagets kung ano ang plano ni Mich at tinulungan ko siyang itapon sa mga zombie!
"Prutas ng mga ina niyo! -sigurado akong ito ang sasabihin ni Jun kung nandito lang siya."
Sa loob ng bahay ay may siyam na zombie mula sa loob ng jeepney at may mga iba pang papasok mula naman sa may bintana.
Dahil bulok na yung mga prutas na ibinato namin ay naging madulas yung sahig at nagsisibagsakan yung mga zombie kaya madali naming na-control yung number ng mga zombie at madali namin nadispatcha ang bawat isa sa mga zombie.
"Sam tara! Wala ng zombie sa side na 'to ng bahay bilis!"
"Oo sige papunta na ko diyan! Mauna ka ng lumabas at paandarin yung motor kailangan ko lang banatan ang isang ito para mabawasan yung mga humahabol satin!"
"Ingat ka!"
"Oo, susunod ako!"
Pagkalabas ni Mich ay agad akong pumunta sa kabilang side ng bahay para banatan yung isang zombie na nakatayo sa tabi ng bintana.
Habang papalapit ako sa zombie ay napansin ko na hindi siya gumagalaw, pero ng mga limang metro na ang layo ko sa zombie ay bigla na lang siyang tumingin sakin at unti-unting lumobo-teka... wag mong sabihin na tulad siya ng boomer sa left4dead!? Agad akong tumakbo palayo at tumalon palabas ng bahay mula sa bintana.
Pagkatalon na pagkatalon ko ay biglang sumabog ng malakas yung zombie na sumira sa halos 30% ng bahay-ibang klase! Tama nga si Godfrey, lahat ng mga bagay na lumabas sa TV, Komiks at mga laro na tungkol sa zombie ay may pinagbasehan-yung abnoy na sumabog ay walang duda na naka-pattern sa boomer zombie sa left4dead-kailangang mas maging maingat ako sa mga abnoy na 'to.
"Sam angkas bilis!"
Umangkas ako kaagad sa motor at nagtuloy na kami sa biyahe namin papuntang Pulilan.
Habang nasa biyahe kami ni Mich ay ikinuwento ko yung zombie abnoy na sumasabog kanina sa loob ng bahay at yung kakaibang nature ng mga zombie abnoy.
"-ilang beses mo nang ipinaliwanag sakin yan, pero ang hindi ko mapaliwanag e paano sila nagiging abnoy."
"Yan din ang gusto kong malaman Mich, basta kapag may nakita kang zombie na iba ang kinikilos e iwasan mo na agad. Mas delikado sila sa sprinter dahil unpredictable sila."
Kalagitnaan sa may Nlex ay napansin ni Mich na paubos na yung gas ng motor at mukhang hindi na kami aabot sa may gas station kaya huminto muna kami sa may labas ng expressway kung saan open space.
"Sam kailangan natin ng gas para sa motor. Mahirap kung hahanap pa tayo ng ibang sasakyan sa mga oras na 'to dahil hapon na at hindi tayo pwedeng abutan ng gabi."
"Alam ko, so anong plano?"
"Pumunta ka sa may expressway at kumuha ka ng gas sa mga sasakyan doon. Maiiwan ako dito para bantayan yung motor."
"Okay, pero kailangan natin ng sensyas sa isa't-isa para kung sakaling maipit tayo sa isang delikadong sitwasyon e agad tayong makakapunta kung nasaan yung isa."
"Anong suggestion mo?"
"Hindi pwedeng maingay, pero wala tayong choice na pangsenyas kundi ang something na maingay."
"Ang gulo mo Sam! Okay ito na lang ang gamitin natin."
"Pwede na 'tong pito, pero gamitin lang natin 'to kapag talagang emergency okay?"
Pagkatapos naming mapagdesisyonan yung signal system namin ay dumeretso na ako sa may expressway para maghanap ng gas at lalagyan-may nakita akong mga bote ng softdrinks kaya kinuha ko agad at ininom yung laman tapos pumunta ako sa ilalim ng isang pick-up truck.
Binutas ko yung tangke ng gas gamit yung crowbar at sinahod yung bote, pero bigla ko na lang narinig yung pito ni Mich.
Agad akong tumakbo papunta kung nasaan si Mich, pero laking gulat ko nang makita ko siya na nakikipaglaban sa dalawang zombie-ang malala pa doon ay mukhang abnoy sila!
![](https://img.wattpad.com/cover/41228434-288-k360268.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie nga diba!?
AventuraBook 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta ng Malacaniang magisa para i-meet si Dr. G, ang doctor na susi sa lahat ng ka-zombiehan na nangyayar...