VI: Walang Forever!

237 16 3
                                    

"Sam! Lumayo ka na dito! Hindi normal ang mga 'to! Mukhang abnoy sila!"

Hindi ko pinakinggan si Mich at agad kong sinugod ang isa sa mga zombie na nilalabanan niya. Gamit ang crowbar na dala ko ay agad kong hinataw sa ulo yung isa at sinipa palayo.

Pagbagsak nang unang zombie ay agad kong pinuntahan yung isa pang umaatake kay Mich. Hinila ko mula sa likod yung zombie at binanatan ko rin sa ulo at tsaka ko sinipa din palayo.

"Ayos ka lang Mich? Anong sinasabi mong abnoy sila? Mukhang normal lang silang shuffler e..."

Papalapit na sana ako kay Mich nang bigla na lang niya akong itinulak palayo dahil hindi ko napansin na yung dalawang zombie na hinapas at sinaksak ko sa ulo ay bumangon at sumugod ulit-imposibleng mangyari ang bagay na yun dahil para mapatay ang isang zombie ay kailangan mo lang silang banatan sa ulo (Zombie Survival Tip #5). Pero ang dalawang zombie na nilalabanan ni Mich ay hindi lang pala normal na zombie; totoong abnoy nga sila.

Pagkatapos akong niya akong itulak ay nakipag-struggle siya ulit doon sa isang abnoy habang yung isa naman ay papunta na sa direksyon ko.

Gamit yung crowbar ko ay sinaksak ko sa katawan yung abnoy tsaka ko siya itinulak pabagsak sa lupa-pagbagsak niya sa lupa ay tsaka ko naman ibinaon yung crowbar patagos sa katawan niya at pabaon sa lupa para hindi na siya makabangon.

"Shit!"

Pagkarinig ko kay Mich ay agad ko siyang pinuntahan para i-disable yung pangalawang abnoy-hinila namin yung abnoy papalapit sa motor at tsaka namin ibinagsak sa katawan ng zombie yung motor para hindi na siya makabangon.

"Ayos ka lang Mich?"

"Oo, pero mukhang hanggang dito na lang ang partnership nating dalawa Sam."

Pinakita niya yung kagat ng abnoy sa may kaliwang binti niya noong una siyang inatake.

"Sam, pumito ako para bigyan ka ng warning at hindi para tulungan mo ko-hindi ko napansin yung dalawang zombie kanina dahil nakabulagta lang sila sa lupa ilang metro ang layo dito-habang chinicheck ko yung motor ay bigla na lang akong kinagat nang isa sa mga zombie na gumapang pala papunta sakin."

"..."

"Sa mga oras na yun, alam ko na hinihintay ko na lang yung kamatayan ko tulad ng mga kasama ko sa squad. Kaya naisip ko na tawagin ka para paalisin at mailigtas ang sarili mo. Ilang beses ko na silang napatumba bago ka pa nakarating dito pero tuloy tuloy lang sila sa pagbangon at pagatake kahit nasaksak ko na sila sa ulo."

Nang mga oras na yun habang nagsasalita si Mich ay hindi ko mapigilan ang naipong damdamin sa puso ko. Sa unang pagkakataon simula ng impyernong 'to ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging tao.

"Tanay dana naman Mich!! Bakit mo hinayaang makagat ka!? Hindi ba may misyon ka pa!? Hindi ba sabi mo magtutulungan tayong dalawa na makapunta sa Malacaniang!? Wala pa man tayo sa kalahati ng biyahe natin tapos ganito agad!? Diba di-"

Niyakap akong mahigpit ni Mich at hinayaan niya lang ako na maging ako: maging isang taong mahina na nasasaktan, nagaalala at nagmamahal.

"Sorry Sam... alam mo sa buong buhay ko sa army ay wala akong ginawa kundi magfocus sa training, studies at self-improvement-madaming lalakeng lumalapit sakin, pero lahat sila e mga peke lang at ang gusto lang ay makuha ako."

"..."

"Kaya lahat ng lalake na lumalapit sakin ay inalalayo ko o dinadaan ko sa sindak gamit ang pagkasunadalo ko-hanggang sa dumating itong zombie apocalypse na 'to-actually, nawalan na ako ng pag-asa na makahanap ng lalakeng totoo."

"..."

"Pero simula ng makilala kita at maranasan ko ang kabaitan na meron ka ay nagsimula akong umasa-umasa na baka may chance pa, kahit sa ganitong sitwasyon. Kasi totoo ka sa sarili mo at kung sino ka-ramdam na ramdam ko ang lahat ng mga 'tinatago' mo sa loob at ang damdamin mo para sakin. Inisip ko na baka pagnatapos na ang lahat ng 'to e baka pwede tayong magkape o manood ng sine-Ang korny ko noh!? Ha ha ha wala nga talagang forever."

"..."

"Nagtataka ka siguro kung ano yung importanteng kinuha ko doon sa bahay noh? Eto yun..."

Inabot niya sakin ang isang picture niya kasama ang papa niya sa tabi ng fruit stand-hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang pumunta doon para lang sa isang larawan.

"Para siguro sayo walang value yung kinuha ko, pero sakin ay napakahalaga nito dahil ito lang ang larawan na meron ako bago umalis si tatay at after niyang umalis ay hindi na siya bumalik kahit minsan-gusto kong itago mo 'tong picture"

"..."

"O bakit hindi ka nagsasalita!? Ako ang magiging zombie at hindi ikaw noh!?"

"Sorry, hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Sala-"

At bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay bigla na lang niya akong hinalikan- yun na ata ang pinakamatagal na halik sa buong buhay ko. At ramdam na ramdam ko yung feelings niya kahit nasa tabi lang namin yung dalawang zombie abnoy-Ang weird.

Pagkatapos noon ay binalikan ko yung gas na kinuha ko kanina at sinunog yung dalawang abnoy. Yun lang ang naisip kong paraan para tuluyan silang mamatay ulit.

Habang ginagawa ko yun ay nakita ko si Mich na may ginagawa sa may expressway.

"Mich mahina ka na, ano pang ginagawa mo?"

"Halos kalahating oras na Sam, pero wala pa rin akong nararamdaman na pagbabago sa katawan ko-nahihilo lang ako at medyo nanlalambot kaya pwede ko pang gawin 'to."

"Ano ba yan?"

"Kulungan ko. Dito mo ako kukulong sa kotseng 'to. Nilagay ko na lahat ng kailangan ko sa loob habang naghihintay akong maging zombie-kapag naging zombie na ako e siguradong hindi ako makakalabas dito."

"Teka, ang ibig mong sabihin magpapaiwan ka dito?"

"Bobo ka ba Sam!? Siyempre Oo! Nawawala ka na ba sa isip mo at magsasama ka ng potential threat sa buhay mo!? Hindi yan ang Sam na kilala ko!"

"Pero-"

"Walang pero pero! Sige na umalis ka na. Ayokong makita mo akong pumangit-siya nga pala Sam. Dalhin mo 'tong key card, kaya niyang buksan ang halos lahat ng level 1-3 na lugar sa Malacaniang kung may kuryente pa doon. Sana makatulong."

"Sigura-"

"Oo sigurado ako kaya umalis ka na!"

Nang mga oras na yun ay baliktad ang nakikita ko sa mga mata ni Mich ang mata ng isang tao na gusto pang mabuhay ng mas matagal at makasama ang taong gusto niya-pwede akong magstay na lang at tapusin ang buhay ko sa piling niya, pero mas mabigat ng ang responsibilidad ko ngayon dahil pati misyon niya dala ko na. Kaya kailangan kong mag move forward para kay Mich.

Hindi ko expect na ang simpleng curiosity ko ay magbubunga ng ganito kakomplikadong mga sitwasyon.

Sa pangalawang pagkakataon walang isang salita ay iniwan ko si Mich sa loob ng kotse habang nagpatuloy ako sa paglalakbay papuntang Malacaniang.

Zombie nga diba!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon