IV: Masyadong Mabilis!

324 16 3
                                        

Napagdesisyonan naming dalawa na magpalipas muna ng araw hanggang sa gumaling ang mga legs ko at pwede na akong magbyahe.

Habang nagpapalipas kami ng oras ay madami rin kaming napagusapan tungkol sa buhay namin. Tinanong ko siya kung bakit bigla na lang niyang sinabi ang lahat sakin: yung personal life niya, yung tungkol sa trabaho niya sa Special Division under the President, pati na rin yung confidential nilang misyon to retrieve Godfrey. Ang sabi niya sakin e pointless na rin naman ang mga secret sa panahong ito na nababalot ng mga zombie—kung sabagay, may tama nga naman siya. Wala na tayong panahon sa mga ganitong bagay—ang importante lang ngayon ay ang magsurvive.

Dalawang araw din kami sa loob ng drugstore—sa loob ng dalawang araw na yun na hindi ako makagalaw ay si Mich ang lumalabas para kumuha ng ibang supplies na wala sa loob ng drugstore.

Sa mga oras na yun ay hindi ko maiwasang madevelop sa mga pinaggagagawa niya, tapos ang ganda pa niya. 'Di hamak na mas maganda pa siya kay Angel! —Siguro kung nandito si Jun malamang literal na dudugo ang ilong niya.

Zombie Survival Tip #12: Walang lugar sa isang zombie apocalypse ang kahit anong klase ng romantic feelings or pity dahil ito ang mga bagay na pwedeng magpaaga ng kamatayan natin! —harsh, pero totoo.

Pero personally, ang hirap sundan ng Tip na 'to. Ilang beses ko nang na-break yung pity part. Sana lang ma-control ko yung romantic feelings part.

"Mich okay na ako. Kampante na ako na makakatakbo ako kapag may humabol na mga sprinter satin."

"Ibang klase ka rin Sam noh!? Hindi pa rin ako maka-get-over sa mga pinagkukwento mo sakin—talagang binigyan mo pa ng classification yung mga zombie: sprinter, shuffler at abnoy."

"Importante yun para mas madali tayong makakaisip ng sulusyon kapag inatake nila tayo... Anyway, anong plano natin?"

"Okay ito ang proposal ko sayo, kailangan tayong kumuha ng masasakyan natin mula dito sa San Fernando hanggang Malacaniang. Siguro kailangan nating sumakay sa isang van o truck."

"Mich, imposible na umabot tayo sa Malacaniang gamit ang isang sasakyan lang. Ang suggestion ko e gumamit tayo ng motor na 500cc pataas, tapos hatiin ang mga stop over natin."

"Sige ano ang suggestion mo na mga stop-over natin?"

"Mula dito sa kinatatayuan natin papunta sa Malacaniang ay kulang-kulang 70km ang kailangan nating ibyahe—actually, plinano ko na 'to simula pa lang nang nasa MS Clark ako. Kaya alam ko na ang gagawin ko—isa lang daan na dadaanan natin at yun ang Nlex—Mula dito sa San Fernando, ang susunod nating stop ay San Simon susnod ang Pulilan, Bocaue at Balintawak. Pag dating natin sa Balintawak ay meron pa tayong mga 9km bago ang Malacaniang, yun ang pinakamahirap na tatahakin natin dahil wala na tayo sa Nlex."

"Okay, ibig sabihin ang una nating stop ay San Simon?"

"Oo, bakit may problema ba?"

"Ah hindi naman problema, pero request sana..."

"Ano yun?"

"Pwede ba tayong huminto sa may isang tindahan ng prutas sa may San Simon Exit? May gusto kasi akong kunin doon. Importante lang."

"—Oo naman, wala namang problema doon. Ngayon na magtutulungan na tayong dalawa e kailangan nating suportahan ang mga disisyon ng bawat isa."

"So ang ibig mong sabihin ay tayo na!?"

"Ha???"

"I mean tayo na! Official partners in zombie fighting. Gets!?"

"Ah, oo naman. So ang bago nating plano ay pumunta sa may isang fruit stand sa may San Simon Exit tapos tuloy-tuloy na tayo sa mga susunod na stop after. Tama?"

"Copy Sam!"

After nang mahabang paguusap at pagpaplano, ay inayos na namin lahat ng mga gagamitin namin sa byahe—nang makumpleto na namin ang lahat, ay isa na lang ang dapat naming gawin; maghanap ng mabilis na motor na pwede naming gamitin.

Nasa may drug store kami malapit sa may Nlex Office at sabi sakin ni Mich ay may mga nakita siyang mga nakapark na motor malapit sa may parking lot sa labas ng drug store.

Agad kaming lumabas ng drug store at pumunta sa may parking lot—buti na lang at open space ang lugar dahil kitang kita namin ang buong perimeter ng lugar, kaya kung may paparating na zombie ay siguradong maiiwasan namin kaagad.

Pagdating namin sa parking lot ay may nakita kaming mga roadsters, mangilan-ngilang cruisers at sportsbike. Dahil wala akong kaalam-alam sa mga sasakyan ay si Mich na ang namili ng pwede naming gamitin  sa mga motor sa parking lot—ano bang meron sa mga babaeng nakikita ko at marami silang alam sa mga motor? —pinili niya agad yung Ducati Diavel na kulay itim. Sabi niya sakin ay yun daw ang pinakamabilis sa lahat ng mga motor sa parking lot. Siyempre oo naman ako dahil siya lang naman ang nakakaalam sa mga ganitong bagay.

"Okay sandali lang, subukan kong paandarin yung motor. Stanby ka lang muna."

"Sige focus ka muna diyan at ako na ang bahala sa mga zombie na pwedeng lumapit at umatake"

"Wag ka nang magalala nilinis ko na yung mga zombie habang nagpapahinga ka, kaya kung may zombie man ay siguradong malayo pa sila sa kinatatayuan natin."

Ibang klase si Mich, minsan nakakalimutan ko na sundalo pala siya at hindi lang basta sundalo, kundi myembro pa siya ng Special Division ng Presidente—ASTIG!

Pagkatapos ng ilang minuto nang pagpapa-start ng motor ay napagana niya rin sawakas yung motor. Kaya agad na siyang sumakay at pinaangkas ako.

"Alam mo ba kung gaano kabilis 'tong motor na 'to Sam? 1000+ cc ang engine nito"

"Ah, 1000 lang pala e, oo alam ko na yan. Don't worry, sumakay na rin ako sa motor na mabilis kamakailan lang."

"Sigurado ka? Okay sige, kapit ka lang ng mabuti at mabilis akong magpatakbo."

"Okay, Sigeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee—"

Fuck! Hindi ko expect na sobrang bilis ng motor na sinakyan namin hindi ko man maikumpara sa sinakyan namin nina Jun papuntang mall—nagmamagaling pa kasi ako e.

Agad akong napayakap ng mahigpit sa beywang ni Mich at naramdaman ko ang reaction niya na parang gustong-gusto niya na yumakap ako sa kanya, pero hindi niya ipinahahalata.

"Sam, wag kang mamihasa, pero wag kang bibitaw dahil bibilisan ko pa."

"Ha!? Sira ka ba!? Hindi ko gets yung sinabi mo!"

"Basta!"

At ganoon na lang ay tumuloy na kami papuntang San Simon. Sana lang pagdating namin doon ay hindi pa humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko!

Zombie nga diba!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon