5 Sprinter, 7 Shuffler at 2 Abnoy. Yan ang dami ng zombie na hindi ko naiwasang makainkwentro habang nasa may Nlex ako.
Hindi pa man ako umaabot sa San Fernando e ang dami ko ng near-death-encounter. Hindi ko expect na ganito pala kahirap magisa—kung kasama ko lang si Jun e siguradong hindi nakakainip ang biyahe papuntang Malacaniang. At kung kasama namin si Angel, malamang ay mas mabilis kaming makakapunta gamit ang motor.
Nagkamali ba ako ng disisyon ko? —hindi naman siguro—tama lang 'tong pinagdaraanan ko dahil naging selfish ako sa mga gusto ko. I deserve this.
Huminto ako sandali sa isang safe at open space na lugar sa may gilid ng expressway para magpahinga sandali.
Zombie Survival Tip #11: Sa mga ganitong paglalakbay, mas maganda na magpahinga ka sa mga open space na lugar kung saan kita mo ang lahat ng anggulo para bago pa makalapit ang zombie sayo ay maiiwasan mo na.
Habang nagpapahinga ako sa may ilalim ng puno ng bayabas naisip kong tingnan yung bagay na inabot sakin ni Godfrey sakin sa mall. Pero bago ko pa buksan ay marami ng mga bagay ang pumasok sa isip ko kung ano ang laman sa loob ng tela. Inisip ko na baka isa yung special code, formula or tracking device.
Nang buksan ko yung tela ay laking gulat ko na lang na ang laman pala ng tela ay isang maliit laruang pusa na kasing laki ng tennis ball.
Hindi ko maintindihan kung bakit yung laruan na yun ang susi para makausap ko si Dr G., pero kailangan kong magtiwala kay Godfrey.
After kong tingnan ang laruang pusa e bigla na lang akong nakarinig ng malalakas na putok ng baril sa may expressway.
Agad kong nilabas ang monocular ko mula sa bag at sinubukang hanapin kung saan nanggaling yung putok ng mga baril. Pagtingin ko sa expressway ay nakita ko yung mga kalalakihan kanina sa loob ng drugstore sa mall na parang nililinis yung mga zombie sa daan—mabuti na lang dahil mas mapapadali ang pagbabike ko sa daan mamaya.
Pero pagkatapos nilang linisin ang mga zombie sa paligid ay napansin ko na may isa silang pinagtitripan—nang una ay inakala kong zombie ang pinagkakatuwaan nila, pero ng tingnan kong mabuti ay isang lalakeng nakamaskara na pang sundalo.
Pinagbubugbog nila yung sundalo sa hindi ko maintindihang dahilan. Nang matapos na sila sa pangtitrip nila sa sundalo ay agad na silang dumeretso paalis.
Napansin ko na hinang-hina na yung sundalo na napasandal na lang sa isa sa mga kotse sa daan.
Gusto ko siyang tulungan, pero ayokong macompromise yung rules na sinet ko para sa sarili ko—ilang minuto lang akong nakatingin doon sa sundalo na parang nawalan na ata ng malay dahil hanggang ngayon ay nakasandal pa rin siya sa may kotse.
Maya-maya ay napansin ko ilang metro mula sa kinasasandalan niya ang isang shuffler na parang papunta sa direksyon niya.
Habang papalapit ng papalapit yung zombie sa kanya ay hindi ko maiwasang tamaan ng malasakit at konsensya—ilang beses ng nangyari ang sitwasyon na 'to habang nagbabike ako sa daan. Mga taong nangangailangan ng tulong tulad ng tubig at pagkain, hindi ko mapigilang ibigay ang ilan sa mga dala kong pagkain at tubig para sa kanila. Pero pagkatapos ko silang tulungan ay agad na rin akong umaalis kapag alam ko na okay na sila—alam ko kasi na sasama at sasama sila sakin kapag nagstay pa ako sa tabi nila.
Habang nagiisip ako kung tutulong ba ako o hindi e bigla na lang gumalaw sa kinatatayuan niya yung sundalo at sinubukang lumayo sa sa shuffler na papunta sa kanya, pero kulang ang lakas niya para makalayo sa zombie.
Nang mga oras na yun ay hindi na ako nagdalawang isip na tulungan yung sundalo at banatan yung zombie na papalapit sa kanya.
"Sir, ayos lang po ba kayo sir? Uminom po muna kayo ng tubig. Ano po ba ang nangyari sa inyo?"
Hindi sumasagot yung sundalo at hindi rin siya uminom ng tubig kaya dinala ko muna siya sa lugar kung saan ako nagpapahinga kanina.
Wala naman siyang bakas ng sugat sa katawan dahil balot na balot siya ng soldier gear mula ulo hanggang paa. Sinubukan kong tanggalin yung mask niya pero pinigilan niya ako—ano bang problema ng sundalong 'to!?
"Sir, yung mga lalakeng nangtrip sa inyo kanina, kilala niyo po ba sila?—bakit hindi po kayo nagsasalita? 'Wag po kayong magalala hindi naman po ako zombie."
Wala pa ring reaction yung sundalo. Siguro pipi siya o kaya naman natrauma na siya sa mga nangyayari sa paligid. Kaya nagdisisyon na akong magpaalam sa kanya.
"Sir, kung okay na po kayo iiwan ko na po kayo dito. Iiwan ko na rin po itong tubig at snack kung sakaling mauhaw at magutom kayo. Kailangan ko pa pong pumunta sa San Fernando para magpahinga dahil malayo pa ang lalakbayin ko papuntang Malacaniang. Sige po. Ingat po kayo."
At ganon na lang ay ibinigay ko na sa kanya yung huling tubig at beef jerky ko kaya kailangan ko ng Plan B which is maghanap ng gasoline station or convenience store para magrestock ng food and water pati na rin mga gamot.
"Hindi na ako tutulong kahit kanino kahit kailan! Dahil sa konsensya ko naubos ang supplies ko—bakit ko pa kasi binigay sa sundalo kanina yung huling snack at tubig ko e!"
Mabuti na lang at habang nagba-bike ako e wala ng zombie sa paligid dahil nilinis na nang grupo ng mga lalake kanina kaya mas madali at mas mabilis akong nakarating sa may expressway rotonda.
Pagdating ko sa may rotonda ay agad akong kumanan papunta sa pinakamalapit na conveniece store. Pero bigla na lang akong napahinto at napatabi sa gilid dahil may isang malaking problema—bumabaha ng zombie!
Bakit hindi na sila naubos!? Bakit hindi na sila tumigil!? Hay... isan lang naman ang sagot diyan e—ZOMBIE NGA DIBA!?

BINABASA MO ANG
Zombie nga diba!?
AventuraBook 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta ng Malacaniang magisa para i-meet si Dr. G, ang doctor na susi sa lahat ng ka-zombiehan na nangyayar...