XI: Hindi na Magisa!

272 16 9
                                        

Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko nang makita ko si Jun at Angel. Gusto ko silang awayin, pero masayang-masaya ako na buhay sila at mukhang maayos na maayos naman ang lagay.

"Sam, pasensya na kung natagalan kami kasi hindi namin alam kung paano ka namin susundan pagkatapos mo kaming iwan ni Angel doon sa stock room."

"Nang makita namin ang message mo sa phone ni Jun e hindi na kami nagdalawang isip na sumunod sayo kahit na sinabi mo na wag na wag kang susundan—inisip namin na kung kami naman ang nangiwan ay sigurado na gagawin mo rin 'to samin."

"So Sam, ano ng plano!? Sabihin mo lang at susunod kami!"

"Teka, teka lang sandali... Wala pa naman akong sinabi na okay na sakin na samahan niyo ko noh! —at sino pala yang dalawang kasama niyo?"

"Ah... yung may hawak ng M16 ay si Mark at yun namang naka-sniper ay si Emily. Nakilala namin sila sa mall—wag kang magalala Sam, mababait sila at tulad namin ay gusto din nilang sumunod sa leadership mo."

Masyadong mabilis ang mga nangyayari sa oras na yun at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung isasama ko ba sila o hindi.

Dahil dumidilim na ay sinugest ko muna sa kanila na mag stay muna kami sa isa sa mga building sa paligid—agad akong naghanap na lugar na madaming escape route at medyo isolated sa mga zombie.

Nang makita ko yung isang 3 storey apartment ay agad naming pininutahan at nilinis ang lugar—Pinili ko ang building na yun specifically dahil madaming pwedeng takasan sa mga mahihigpit na sitwasyon: may backdoor, may fire exit, may rooftop na malapit sa roof or rooftop ng ibang building etc.

"Okay eto ang plano. Linisin natin ang buong building na 'to ng kahit anong bakas ng mga zombie—bawat kwarto at sulok ng bahay mula taas hanggang baba—siguraduhin ninyo na dedbols ang bawat zombie dahil hindi tayo pwedeng magrisk. At higit sa lahat, please lang walang gagamit ng maingay na sandata. Okay? Go!"

Pagbigay ko ng instruction sa kanila ay agad naman silang gumalaw na parang isang unit ng swat. Yung Mark at Emily ay napakabilis gumalaw at parang matagal na nilang ginagawa ang ganitong mga bagay—pero ang mas ikinagulat ko ay yung dalawang mokong—wala na silang bakas ng hesitation o kaba sa katawan. Anong nangyari sa kanila at ano ang mga pinagdaanan nila at ang laki ng pinagbago nila. Magiisang linggo pa lang simula ng iwan ko sila, pero sobrang laki ng pagbabago nila—nakakabilib.

Kung sabagay tama nga yung sabi nila na sa mga ganitong sitwasyon 'Only the strong will survive. Those who can't adapt fast enough will bite the dust.'.

Wala pang ilang minuto ang nakalilipas ay natapos agad ang pinagawa ko sa kanila. Pagkatapos malinis ang lahat ng zombie sa building ay inipon namin ang mga bangkay nila at nilagay sa first floor ng building.

Nagdisisyon ako na sa may rooftop kami magstay at magpalipas ng gabi.

"Sam anong plano???"

"Jun simple lang ang plano. Pumunta kayo sa Aparri dahil may mga sudalo mula sa ibang bansa na tumutulong doon gamit ang mga naval ships nila."

"Ano!? Pumunta kami dito para sayo Sam tapos paaalisin mo lang ulit kami!?"

"Oo nga Sam, ang dami na naming pinagdaanan para lang sundan ka tapos ganito lang!? Hindi kami aalis! Susundan ka namin sa ayaw mo o sa gusto mo!"

"Nyeta naman Angel! Jun! Hanggang ngayon mahina parin ang mga ulo niyo!? Ayokong madamay kayo! Walang pupuntahan ang gustong kong ma-achieve. Pangsarili ko lang ang intention na 'to sa pagpunta kay Dr. G sa Malacaniang."

"Pero—"

"Pwede ba akong magsalita? —Sam ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Mark at siya naman ang nakababata kong kapatid na si Emily—Jun, Angel sa tingin ko e concern lang ang kaibigan niyo sa inyo kaya niya nagagawa at nasasabi ang mga bagay na yan. Siya yung tipo ng tao na hindi sanay sa pag-express ng mga emotional or sympathetic na bagay—Sam, sana maintindihan mo na tulad ng concern mo para sa kanila e ganun na ganun din ang nararamdaman nila para sayo. Kaya kung gusto niyong masulusyunan ang problema na 'to e mas maganda na tanggapin mo na lang na samahan ka nila."

"At sino ka para husgahan ang mga actions at salita ko!? Hindi mo ako kilala! Kaya mas mabuti pa na manahimik ka na lang!"

"..."

"At ikaw! Emily ang pangalan mo diba!? Wala ka bang sasabihin!?"

"Sam ano kasi—"

"Hindi kita kinakausap Jun! Hoy babae! Hindi ka magsasalita!? Tutal nagsasalita na ang lahat, bakit hindi mo sabihin kung ano ang gusto mong sabihin!?"

"Ah Sam an—"

"Isa ka pa Angel! Hindi kayo ang kausap ko kundi itong babeng 'to! —wala ka bang sasabihin!? Pipi ka ba!?"

Sabay senyas si Emily gamit yung mga kamay niya—shit! —pipi nga pala talaga siya. After ng pagsabog ng emosyon ko ay nagsimula ng mag sign language si Emily.

Bigla na lang kumalma ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko ang pagsa-sign language niya samin—kahit na pinagsisigawan ko siya ay kalmado pa rin siya. Ni hindi man nagbago ang expression sa mukha niya.

"Ang sabi ng kapatid ko: Naiintindihan ka niya at alam niya ang pingdadaanan ng lahat. Instead na magaway-away tayo at magsumbatan ay tanggapin na lang natin ang sitwasyon at gawin ang dapat nating gawin. Everything happens for a reason."

Hindi ko expect na isang pipi pa ang magtuturo sakin ng ganito. Wala na talaga akong choice kundi tanggapin na lang ang sitwasyon na 'to. Kung sabagay, sa ganitong sitwasyon na masyadong unpredictable ang lahat, ay kailangan ko ng mas maraming mata at kamay—hindi ko pa rin alam kung ano ang pwede kong kaharapin pagdating namin ng Malacaniang Palace.

"..."

"Okay lang yan Sam, so ano nang plano?"

"Sige, pero bago ang lahat, kailangan ko munang magset ng rules kung gagawin natin 'to ng magkakasama at kailangan ko munang tanungin yung bago nating kasama."

"Ano yun Sam?"

"Mark, Emily bakit kayo sumama kina Jun at Angel? Ano talaga ang purpose niyo? At kung magsasama-sama tayo bilang grupo e mapagkakatiwalaan ko ba kayo?"

"Nakilala namin sina Jun sa loob ng MS Mall naipit kaming dalawa ng kapatid ko sa isang grupo ng mga zombie tapos dumating si Jun at Angel at tinulungan kaming makatakas. Malaking utang na loob namin sa kanilang dalawa yung buhay namin. Sa pangalawang tanong mo naman, NPA kaming dalawa ng kapatid ko, kami yung dalawa sa sampung tauhan na pinababa mula sa bundok para kumuha ng supplies, pero hindi namin expect na mga zombie na pala ang aabutan namin dito—lahat ng mga kasamahan namin ay namatay at naging zombie na kaya wala na kaming pupuntahan. Nang mabanggit ni Jun na pupunta sila sa Malacaniang Palace para sundan ka ay naisip namin na sumama na sa kanila. Alam namin na susuway kami sa utos ng pinuno namin sa pagpunta namin sa Malacaniang, pero nagiba na ang sitwasyon. Gusto naming makita at makausap ang Presidente kung hindi pa siya zombie at malaman an mga tagong katotohanan. Sa panghuling tanong mo naman e, kung tiwala lang naman ang usapan ay siguradong maaasahan mo kami diyan dahil lumaki kami sa mundo na tiwala ang pinakaimportanteng bagay sa buhay. Kaya sabihin mo lang at susunod kami ni Emily, kahit na pipi siya ay hindi naman siya bingi kaya wala kang magiging problema."

"Hindi ko expect na sasagutin mo ang lahat ng tanong ko—mukha namang sincere ka sa mga sinasabi mo kaya sana pagkatiwalaan mo rin ako na gagawin ko ang lahat para sa kaligtasan niyong dalawa."

"Uy grupo na talaga tayo noh Sam!? Isipin mo may leader na tayo (Sam), may mga combat specialist (Emily at Mark), may muse (Angel) at syempre ako naman ang escort! Ano kayang magandang tawag sa team natin noh!? Gelko, tulungan mo nga akong magisip."

"Buguk! Hindi ka pa rin nagbabago talaga Jun!"

At sa gabi ring yun ay plinano na naming mabuti kung ano ang mga susunod na hakbang namin papuntang Malacaniang. Hindi bilang indibidual, kundi bilang isang grupo na may isang puso at isip!

Zombie nga diba!?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon