VIII: It Makes no Sense!

233 17 4
                                    

Pagkatapos ng buwis buhay kong engkwentro sa mga zombie nagpatuloy na ako sa paglalakbay ko papuntang Malacaniang.

Magandang idea kung magdadala ako ng baril sa paglalakbay ko, pero masyadong mabigat at maingay ang mga baril. Oo, mas madali kong madidispatcha ang mga zombie kung may dala akong baril, pero napakalaking risk din ang dala noon dahil una sa lahat, ay mabigat ang baril. Pangalawa, maingay ang baril at ang pinaka matinding dahilan ay sooner or later ay mauubusan ka ng bala—wala pa ring tatalo sa crowbar na dala ko: strong, light and effective.

Pero hindi ko rin naman iiwan yung truck ng mga smuggled goods nang wala akong kukunin na kahit ano. Noong nasa loob pa ako ng truck ay in-upgrade ko yung monocular na dala ko ng night vision capable na version. In-upgrade ko rin yung mga utility tools ko, tulad ng kutsilyo at mga iba't-ibang gamit na pang survival. Nagdala na rin ako ng dalawang hand grenade in case na maipit ako ulit.

Halos 20Km din ang nilakbay ko mula San Simon hanggang sa Pulilan. Inabot din ako ng halos walong oras sa paglalakad dahil kinailangan ko pang mag stop-stop para makapagpahinga—ang laki ng ibinawas na lakas sakin after ng swarm ng zombie sa may San Simon.

Sa paglalakbay ko ay pumasok nanaman sa isip ko si Mich—nagtataka lang ako—bakit wala na siya sa kotse nang dumating ako? Inisip ko na baka namis-calculate ni Mich yung lakas ng zombie.

Kung tama ang theory sa Anime na 'Kore wa zombie desu ka' e kapag zombie ka na ay naa-unlock na ang 100% potential ng katawan mo e tlagang mababasag ni Mich yung salamin ng sasakyan lalo na at physically fit ang katawan niya bago pa siya naging zombie.

Meron pang isang gumugulo sa isip ko: hindi ko alam kung guni-guni ko lang yung nakita ko o parang may something na tumulak sa zombie abnoy para ma-head shot siya ng bala ng PSG na hawak ko—weird.

"Tu-tulungan mo ko..."

Nang mapalingon ako kung saan nanggaling yung boses ay may nakita akong isang lalake na naipit ang binti sa may driver's seat ng isang itim na Prius.

"Ano pong nangyari sa inyo at bakit nandito pa kayo?"

"Tanga ka ba boy!? Hindi mo ba nakikita na hindi ako makaalis dahil napit ang kalahat ng katawan ko dito sa loob—tulungan mo ko!"

"Sorry naman! Sa lahat naman kasi ng humihingi ng tulong e ikaw pa yung galit. Sandali lang po gagawan ko ng paraan."

Sinubukan kong tulungan yung mama, pero hindi ko siya maalis sa kinaiipitan niya ng hindi siya mas mapapahamak.

Napansin ko na nakabaon sa binti niya ang isang piraso ng bakal mula sa ilalim ng sasakyan at may isa pang bakal na nakasaksak sa may bandang spine niya.

Kapang sinubukan kong alisin yung bakal o subukang hilahin siya, ay siguradong yun na ang ikamamatay niya.

"Tatay kapag hinila ko kayo dito sigurado ako na dudugo kayo lalo at baka yun na ang ikamatay niyo."

"Oo alam ko na yan bago ka pa dumating dito! At hindi ako tatay noh!? Binata pa ako, matured lang ang itsura ko—kaya ako humingi ng tulong sayo dahil baka may alam ka pang ibang paraan para mailabas mo ako dito at masalba ko pa ang buhay ko."

"Manong, hindi naman ako doctor o nurse kaya wala na akong ibang maisip—uh—actually, pwede nating putulin yung mga bakal, pero wala naman tayong gamit dito. At kung meron may ay risky pa rin yun."

"Wag mo kong tawaging Manong! Binata pa nga ako e! 26 pa lang ako!"

"Ah!? Akala ko kumakwarenta na kayo."

"Ay bastos ka rin talaga noh!? —umalis ka na nga! Wala kang silbi!"

"Sorry na nga po e—ano po bang pangalan niyo at paano kayo naipit sa sitwasyon na 'to!?"

"Ako nga pala si Gerald—"

Sa mga sumunod na minuto ay kinuwento ni Gerald kung anong ang nangyari sa kanya at paano siya naipit sa ganitong sitwasyon.

Ang kwento ni Gerald ay nagmamaneho siya papuntang North mula pa sa Legazpi sa Bicol—nang magsimula ang zombie outbreak ay ng mga panahon na yun ay laganap na rin sa Southern Luzon ang zombie outbreak at nagdisisyon siya na dalhin ang nanay at tatay niya papunta sa North dahil narinig niya sa isang announcement na ang pinaka-safe na lugar na puntahan ay ang Bayan ng Aparri.

Sabi ni Gerald ay may mga sundalo mula sa Gobyerno ng America na tutulong sa pag-evacuate ng mga Pilipino gamit ang mga sasakyang pandagat nila. Kaya nagdisisyon siya na dalhin ang ang sarili niya kasama ang mga magulang niya papuntang Aparri, pero sa kasamaang palad ay naaksidente sila sa dito sa may bandang Pulilan kung nasaan kami ngayon.

"—so bumangga kami sa stupidong kotseng nasa harap nasaksak ako ng umusling bakal sa binti ko at likod at ngayon ay halos magdadalawang araw na ako dito. Buti na lang ay may baon kaming pagkain at tubig."

"Pero sabi mo, kasama mo yung tatay at nanay mo diba? Asan na sila?"

"Iniwan nila ako. Nang makita nila na nasaksak ako at hindi ako makagalaw e sinubukan nila akong tulungan, pero nang ma-realize nila na wala na akong silibi sa kanila ay iniwan na lang nila ako—nakakatawa—naawa pa sila sakin at iniwan nila yung baon namin."

"..."

"Isipin mo yun, 26 years nila akong inalagaan, pinaaral, binihisan, pinakain at pinagtiyagaan. Tapos sa ganitong sitwasyon lang pala nila ako iiwan..."

Nang mga oras na yun ay naintindihan ko na kung anong klaseng tulong talaga ang kailangan niya. Hindi yung mailigtas siya kundi yung may makinig lang sa kanya habang pumapatak ang mga huling minuto ng buhay niya... Kaya nagpatuloy lang akong makinig sa mga kwento niya, tutal magandang chance na rin naman ito para magpahinga.

"Actually bumalik sila dito."

"Talaga?? Asaan sila?"

"Ayan sa paanan mo—yung naapakan mo ay yung tatay ko at yun namang nasa kaliwa mo ay yung nanay ko. Bumalik sila ilang oras lang pagkatapos nila akong iwan—nang makita nila ako ay agad nila akong inatake. Honestly noong una ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, pero kinalaunan e ang zombie ay zombie at ang zombie ay kailangang patayin kaya gamit yung martilyo na pangbasag ng salamin e hinampas ko  sa ulo si Tatay, pero dahil hindi ako makagalaw sa pwesto ko ay hindi ko siya mapuruhan—tapos, habang nangyayari yun ay bigla na lang akong may nakitang isang tao, pero parang zombie—ewan—hindi ko mapaliwanag—basta yung taong zombie na yun ay hinampas na lang sa ulo si Tatay at Nanay sa ulo. Tapos akala ko isusunod na niya ako, pero dere-deretso lang siya sa paglalakad papuntang timog."

"Taong zombie? Zombie na pumapatay ng zombie? Sigurado ako na isang abnoy yun!"

"Tapos nang tingnan ko yung katawan ni Nanay at Tatay ay nakita ko na may dala silang plastic na nakatali sa lalagyan ng belt ni Tatay—nang masdan kong mabuti ay na-realize ko na hindi pala nila ako iniwan para iligtas ang sarili nila—iniwan nila ako para maghanap ng pwedeng gumamot sakin. Kaya ngayo—"

Hindi natapos yung sinasabi ni Gerald at nalagutan na siya ng hininga—hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na yun, pero napakalupit ng mundo. Ang pakiramdam ko ay parang ang lahat ng tao na nagsurvive at pilit na nagsusurvive ay pinaglalaruan  na lang ng demonyo. Hindi tama 'to. Kailangan ko ng magmadali.

Zombie nga diba!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon