"Zombie na pumapatay ng zombie..."
Ngayon ko pa lang ata narinig ang ganitong klaseng kwento ah. Sigurado ako na abnoy ang classification ng zombie na 'to, pero hindi ko pa rin gets.
Sa pagpatuloy ko sa paglalakbay papuntang Malacaniang ay madami akong naging problema, pero ang pinakamalaki kong naging problema ay hindi ang mga zombie kundi ang paglalakad.
Nasa kalagitnaan na ako ng Bocaue at halos 30+ Kilometers na ang nalalakad ko. Nararamdaman ko na na ang stress na dulot ng paglalakad sa mga legs ko. Hindi naman kasi ako regular na nage-exercise at yung dami ng binisikleta, tinakbo at nilakad ko ay hindi biro. Sa tingin ko kapag nagpatuloy pa ako ng ganito ay bibigay na ang katawan ko mula bewang pababa—kailangan kong matutong magdrive.
Nagdisisyon ako na magpahinga muna ng isang araw para mapagaralan ang pagmamaneho ng mga sasakyan.
Una kong inaral ang pagmamaneho ng motor—dahil madaming sasakyan sa Nlex ay hindi naging mahirap ang maghanap ng mga sasakyan na pagpapraktisan ko. Sinimulan kong aralin ang pagmamaneho ng full-automatic ng scooter, sumunod ang semi-automatic at ang pinakahuli ay ang manual na motor tulad ng ginamit ni Angel at Mich.
Hindi ko mabilang kung ilang beses akong sumemplang sa daan—buti na lang at balot ang katawan ko ng proteksyon kaya hindi ako nagalusan, pero bugbog pa rin ang katawan ko sa impact ng pagbagsak.
May mga instances na tumatama ako sa mga sasakyan na may laman palang mga zombie kaya napapalaban ako ng 'di oras.
After a while ay nakuha ko na rin yung basics ng motor, pero hindi ko pa rin kaya yung mabibilis tulad nang ginamit namin ni Mich. Nang satisfied at confident na ako sa motorcycle skills ko ay sinimulan ko naman na pagaralan ang pagmamaneho ng kotse.
Mas mabilis kong naintindihan yung pagmamaneho ng kotse kaysa sa pagmamaneho ng motor. Hindi ako sumesemplang, pero bumabangga naman ako. Hindi ko ata mabilang kung ilang airbag ang napasabog ko habang nagpapractice ako.
Nang hindi na ako bumabangga at kontrolado ko na ang bilis at galaw ng kotse ay nagdisisyon na ako na magpahinga na muna.
Simula nang 18-Wheeler Truck Incident ay hindi na ako natutulog ng dirediretso—hinahati-hati ko ang araw sa pahinga at paglalakbay para maiwasan kong madali ulit.
Pagkatapos kong magpahinga sinimulan ko na ang susunod na plano ko. Naisip ko na agad na lang na dumeretso sa Malacaniang gamit ang pinakamaliit at pinakamabilis na kotse na makita ko sa Nlex. May nakita akong isang Honda Jazz na orange, sa tingin ko e mabilis naman 'to dahil sa limit ng speedometer niya at hindi hindi siya ganoon kalapad kaya pwedeng-pwede akong makadaan sa mga masisikip na lugar—actually, naghahanap ako ng motor na katulad nang ginamit namin ni Mich, pero wala akong makita—hindi siguro ganoon ka-common yung mga motorsiklo na ganoon. Naisip ko na rin na baka hindi ko ma-control yung bilis ng motor at sumemplang ako—delikado yun—mas safe pa rin kung nakakotse ako.
Nang maayos ko na ang lahat at nalagyan ko na rin ng food and water supply yung kotse ay agad na akong nagbyahe.
Habang nasa daan ako ay napansin ko na malinis yung paligid at walang mga zombie—well... walang zombie na gumagalaw. Lahat ng daanan ko ay puro mga zombie na durog o putol ang ulo.
Mula sa Bocaue hanggang lampas ng Balintawak ay naging maayos ang byahe ko—nakakapagtaka dahil parang may nauna na sakin na dumaan sa daan na 'to at nilinis ang daan para sakin.
Naisip ko na baka yung grupo ng mga lalake na bumugbog kay Mich yung naglinis ng daan dahil ginawa na rin nila 'to noong papunta ako mula sa Angeles papuntang San Fernando—pero bakit parang parehong-pareho ng daan na plinano ko yung daan na malinis?
Sinubukan kong umiba ng daan, pero agad kong napansin na nagkalat sa daan ang mga zombie. Kaya bumalik din ako sa main road at sinundan yung ruta na nasa plano ko.
Pagdating ko sa may Balintawak ay naging mas careful ako sa mga susunod kong galaw dahil wala na ako sa expressway—ang ibig sabihin, mas maraming zombie—hindi ko alam kung malinis din yung daan tulad ng expressway, pero my instinct tells me na hindi safe ang mga susunod na daan.
Pagkaliwa ko sa Old Samson Road ay napansin ko na nagiba na ang atmosphere ng lugar may mga mangilan-ngilang zombie na sa paligid at parang nagiging mahamog ang lugar. Habang pumapalapit ako paputa sa Malacaniang ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
Noong una ay nagagawa ko pang iwasan ang mga zombie sa paligid, pero pagdating ko sa may bandang Espania Boulevard ay nagiba na ng tuluyan ang sitwasyon.
Mula sa kinatatayuan ko hanggang abot ng kaya kong makita ay nababalot ng makapal na hamog—naalala ko tuloy yung larong Silent Hill kaya bigla akong kinabahan—hindi ako sigurado kung saan nanggaling ang hamog na 'to, pero sa tingin ko e may kinalaman din ito sa mga zombie at kay Dr. G.
Ramdam ko na delekado na ang lugar na 'to, so wala akong choice kundi ang bumaba sa sasakyan at lakarin na lang mula Espania Boulevard hanggang Malacaniang.
In-eliminate ko ang route of choice ko sa dalawa: Unang choice ay dadaan ako sa Earnshaw st. papuntang San Rafael St. at ang pangalawa e dadaan ako sa Dela Fuente St. papuntang Jose Laurel St. —so ang choice ko is kakaliwa papunta sa Jose Laurel o kakanan papunta sa San Rafael—madali ang naging disisyon ko at kumaliwa ako dahil base sa pagaaral ng mga direction e ang sabi ay 'when you are in a fork in the road, always choose the left path because 80% of the time it's the safest.'.
After kong maihanda ang lahat ng kakailanganin ko sa sitwasyon na 'to ay dumeretso na ako sa pagpasok sa hamog—pagkaliwa ko ay nagsimula na ang final phase ng paglalakbay ko papuntang Malacaniang at ang simula naman ng paghahanap kay Dr. G.
*******
Author's Notes
Pasensya na po at makiki-insert muna ako ng maikling message sa lahat ng mga nagbabasa ng story na 'to. MARAMING SALAMAT PO! Halos lahat ng mga reader ng Zombie nga diba!? at Ano Sila? Edi Zombie! e hindi nagpaparamdam sa comments, pero sobrang naa-appreciate ko yung mga pag-read, pag-vote at pag-add sa reading list ng dalawang Zombie Story na isinulat ko.
Gusto ko sana kayong pasalamatan personally, pero nakakatuwa na nakakaasar dahil yung ibang reader ay ghost na ghost kaya dito ko na lang kayo papasalamatan. THANK YOU SO MUCH!
May isa lang po akong request kung may time kayo... Paki-share naman po yung story through social media and paki like na rin po yung fan page ng mga stories na isinusulat ko eto po yung link: www.facebook.com/sulathaime :)
Thank You and God Bless!
![](https://img.wattpad.com/cover/41228434-288-k360268.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie nga diba!?
AdventureBook 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta ng Malacaniang magisa para i-meet si Dr. G, ang doctor na susi sa lahat ng ka-zombiehan na nangyayar...