Ilang kilometro mula kay Mich habang naglalakad ako ay bigla ko na lang naisip na parang mali ata ang disisyon ko na iwan siya.
Hindi ko naman dapat naiisip ang mga ganitong mga bagay lalo na sa ganitong sitwasyon, pero hindi ko mapigilan ang magalala sa kanya-hindi ko na siya dapat iniisip! Kailangan ko ng mag-move forward at pumunta sa Malacaniang.
Pero naging stupido at bumalik ako kahit na ilang kilometro na ang nilakad ko at kahit aabutan na ako ng gabi.
Pagdating ko sa kotse kung saan kinulong ni Mich yung sarili niya ay wala na siya-basag ang salamin ng kotse at wala na ni isang bakas ni Mich-saan siya nagpunta?
Nang mga oras na yun ay takang-taka ako dahil sinigurado ni Mich na kapag naging zombie siya ay hindi siya makakalabas ng kotse, pero anong nangyari?
Hindi na ako pwedeng tumuloy sa paglalakbay ko dahil madilim na ang paligid-nagdesisyon ako na magpalipas ng gabi sa ibabaw ng 18 wheeler truck hanggang sa sumikat ang araw-pero hindi ako handa sa masasaksihan ko paggising ko kinaumagahan.
Nang maalimpungatan ako ay napansin ko na may kakaibang ingay akong naririnig mula sa labas-agad akong kinabahan dahil baka tama ang hinala ko kung ano ang nasa kabilang side ng trapal na nakaharang sa likod ng truck.
Dahan-dahan akong sumilip sa iang siwang sa may trapal at na-realize ko na tama ang hinala ko: bumabaha nanaman ng zombie sa buong expressway-dahan-dahan akong nagpalipat-lipat ng tingin sa loob ng truck at hinahanap ang dahilan ng pagbaha ng zombie dito.
Maya-maya ay napansin ko sa may isang part ng expressway na nadoon yung abnoy na nakita ko sa may Jose Abad Santos Ave, yung zombie na uma-attract ng mga zombie.
Hindi ko alam kung ano ang susunod kong hakbang sa mga oras na 'to dahil 100% sure ako na hindi ako makakalabas ng truck na 'to hanggat nandito ang bumabahang mga zombie na 'to-pero kailangan kong makaalis dito kagaagad pero paano?
Mga bandang 9am ako nagising at halos buong umaga ay nagiisip ako ng paraan kung paano ako makakaalis sa lugar na 'to.
Sinubukan kong tingnan kung ano ang mga bagay dito sa loob ng truck na pwede kong gamitin para makatakas sa sitwasyon na 'to-nang macheck ko na ang lahat ay napansin ko na itong 18 wheeler truck na 'to ay naglalaman pala ng ibat' ibang gamit na naka-box.
Isa-isa kong binuksan yung mga box atito ang mga nakita ko: mga bote ng mamahaling alak, mga delata, sako-sakong bigas at halo-halong gamit na pang bahay.
Inuna ko munang gawin ay i-restock ang supplies ko. Kaya kumuha ako ng isang litrong whiskey, at mga tatlong delata, pero laking gulat ko nang buksan ko ang isa sa mga sako ng bigas at nakakita ako ng ibat' ibang kalibre ng mga baril-lang ya! -carrier pala ng mga kontrabandong firearms ang truck na 'to!
Chineck ko pa yung ibang mga sako ng bigas at madami pa akong nakita, hindi lang mga baril kundi mga, granada at mga melee weapons-for the first time of my life, ngayon lang ako natuwa sa mga mokong na smugglers na yan dahil binigyan nila ako ng isang magandang oportunidad para iligtas ang sarili ko.
Agad kong kinolekta ang mga gamit na gagamitin ko para matakasan ko ang sitwasyon na 'to. Ang mga gamit na nakolekta ko ay mga M16 Assault Rifle, M4 Carbine, Mga hand grenades, PSG1 na Sniper Rifle, Monocular Night Vision at iba't ibang melee weapons.
Nakaka-overwhelm ang mga armas na nakolekta ko, pero hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Kailangan kong planuhing mabuti kung ano ang tamang course of action para makatakas sa sitwasyong 'to.
After ng pagiisip ko ng tamang course of action including all back-up plans (A-C) eh ito ang naging final plan ko:
Una, gagamitin ko ang PSG1 Sniper Rifle para alisin na sa equation yung abnoy na leader ng mga zombie na 'to. Pangalawa, kapag bumagsak na yung abnoy at nawala na ang control niya sa mga zombie ay siguradong mag hihiwa-hiwalay silang lahat (hula ko lang) at kapag nahiwalay na sila ay tsaka ako magtatapon ng mga granada sa opposite side ng daan para ma-attract yung mga zombie sa tunog at apoy. At panghuli, gamit yung M4 ay lilinisin ko yung mga zombie na hindi na-attract ng granada at dideretso na ako sa papunta sa Pulilan.
Ang ganda ng plano ko, pero may malaking problema-hindi pa ako nakahawak ng mga baril at granada maliban na lang sa larong Counter-strike. Pero wala na talaga akong maisip na ibang sulusyon.
Actually, yung planong nabanggit ko e yun ang Plan B ko, pero ang plan A ko ay ang hintayin na umalis yung abnoy para i-lead palayo yung mga zombie. Kaya lang oras ang kalaban ko at sooner or later ay makakaharap ko ulit ang zombie power revolution na 'to. Ang Plan C ko naman e isa-isang pasabugin ang ang mga kotse gamit yung mga granada, pero napaka-risky noon dahil pwedeng mag-chain effect yung pagsabog at madamay pati yung truck kung nasaan ako.
Kaya inipon ko ang lahat ng lakas at concentration ko sa katawan at pumusisyon na ako sa ibabaw ng truck dala-dala yung PSG1. Sa pagkakaalam ko e tahimik ang baril na 'to at hindi ako mapapansin agad-agad, kaya ang tancha ko ay may tatlong chance ako para i-headshot yung abnoy na leader ng mga zombie.
Huminga ako ng malalim at sinentro ko sa abot ng makakaya ko ang scope sa ulo ni abnoy-
Unang Putok: Sablay! Tumama sa ulo ng katabi niya. Walang zombie na nakapansin.
Pangalawang Putok: Daplis sa balikat ni abnoy. May mga napatingin na zombie sa direksyon ko, pero okay pa rin.
Namamawis na ako ng malamig at ramdam na ramdam ko ang pressure sa buong katawan ko na kapag hindi ko pa nagawa ng tama ito e kailangan ko ng mag take risk at gawin na lang ang Plan C.
Hinga ako ulit ng malalim.
Pangatlo at Panghuling Putok: HEAD SHOT Bitch!
Pero parang may napansin ako na parang inusog yung abnoy ng kung sino kaya sumakto sa bala ng Sniper ko.
Pagkabagsak na pagkabagsak ng zombie abnoy ay bigla na lang nagkanya-kanya yung mga zombie at kumalat silang lahat sa expressway.
Phase 2 ng plan B: agad kong kinuha yung mga hand grenades at isa-isang tinapon sa kabilang side ng expressway-sa bawat sabog ng granada ay unti-unting lumalapit yung mga zombie mula sa kabilang side papunta sa tunog na ginawa ng granada.
Tuloy tuloy lang ako sa pagbato ng mga granada hanggang sa ma-lure at mapatay ko ang halos 80% ng mga zombie.
Nang sa tingin ko na kaya ko ng takbuhin ang daan ay agad kong kinuha yung Carbine (M4) sabay labas sa likod ng truck at isa-isa kong pinagbabaril yung mga zombie na papalapit sakin-nang una ay hindi makaya ng katawan ko yung recoil ng baril na hawak ko kaya napapaatras ako, pero nang makuha ko na yung pattern ay madali kong nadispatcha yung mga umaatakeng zombie at nakatakas sa isang napaka dire na sitwasyon.
Pagkalampas ko sa huling piraso ng mga zombie ay nagpatuloy na ako sa pagpunta ko sa susunod kong stop which is Pulilan Bulacan.

BINABASA MO ANG
Zombie nga diba!?
AdventureBook 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta ng Malacaniang magisa para i-meet si Dr. G, ang doctor na susi sa lahat ng ka-zombiehan na nangyayar...