X: Mga Bobo!

262 17 15
                                        

Pagpasok ko sa Dela Fuente St. ay agad kong in-observe ang paligid gamit ang monocular na dala ko—kahit na makapal ang hamog sa paligid e nakikita ko yung mga bagay sa loob ng hamog dahil sa night vision function ng monocular.

Wala namang masyadong zombie, pero nakakakaba pa rin dahil sa hamog. Hindi naman kasi pwedeng habang naglalakad ako e nakalagay yung monocular sa mata ko.

Nang maistima ko na ang paligid e nagsimula na akong magalakad sa kahabaan ng Dela Fuente—tulad ng dati ay iwas-tago tactic muna ako. Importante na i-conserve ang energy.

Zombie Survival Tip #13. Conserve your energy. As much as possible iwasan mo ang mga zombie kung kaya mo dahil kung magaala-rambobo ka na lang lagi e bibigay ang katawan mo.

Habang tinatahak ko yung daan ay may napansin akong isang abnoy; nakatayo lang siya nakatingala at nakabuka ang bunganga. Nang tingnan kong mabuti yung abnoy gamit yung monocular ko e napansin ko na may lumalabas na usok—hindi—hamog mula sa bibig niya—ito kaya ang dahilan kung bakit mahamog ang paligid?

Dahil hindi pa ako sigurado sa theory na meron ako, ay lumakad pa ako ng ilang metro. Maya-maya ay napansin ko na may isang abnoy nanaman na kaparehong-kapareho ng nakita ko kanina; nakatayo, nakatingala, nakabuka ang bunganga at may lumalabas na hamog mula sa bibig.

Nang ma-realize ko na ang nangyayari ay bigla na lang akong napatakip ng ilong at bibig. Naisip ko na baka lason yung hamog o kaya naman e airborn zombie virus—pero agad ko ring tinanggal yung pagkakatakip ko ng ilong at bibig dahil na-realize ko ulit na kung lason o virus man 'to, edi sana kanina pa ko patay o zombie na ako ngayon.

Nagisip ako ulit kung bakit may mga ganitong abnoy sa perimeter ng Malacaniang. Kung hindi lason o virus 'to, ano naman kaya ang purpose ng hamog na 'to?

Nagdisisyon ako na 'wag nang galawin yung mga abnoy-hamog na zombie at magpatuloy na lang sa pagpunta sa may Jose Laurel St.

Habang naglalakad ako at palipat-lipat sa likod ng mga kotse e hindi ko napansin na may isang zombie akong naapakan at sinubukan akong hilahin pababa. Napasubsob ako sa daan at panandalian akong nawalan ng control sa katawan ko.

Laking gulat ko na lang nang pagharap ko ay nginangata na ng zombie yung boots ko—lang ya! —buti na lang talaga at nakaboots ako dahil kung nagkataon na hindi ako properly geared ay siguradong zombie na ako! —matagal na!

Habang busy sa pagngata ng boots ko yung zombie ay sinaksak ko sa bunbunan yung zombie gamit yung military knife sa side pocket ng pants ko—buti na lang at walang ibang zombie na nakapansin sa struggle naming dalawa ng zombie—gumagaling na ako sa ganitong mga sitwasyon ah!

Iba talaga ang epekto ng hamog na 'to . Kung normal na sitwasyon lang 'to at walang hamog ay sigurado ako na maiiwasan ko ng walang kahirap-hirap ang zombie na 'to. Habang tumatagal ay unti-unti ko ng naiintindihan ang purpose kung para saan ang hamog na 'to.

Sinadya ang pagpapakalat ng mga abnoy-hamog na 'to at kung tama ang spekulasyon ko e, pinakalat nila ang mga abnoy-hamog na 'to para mahirapan ang sinuman na pumunta sa Malacaniang.

Kaya lang, ang mas malaking tanong dito e, bakit? At sino ang nagpakalat ng mga zombie abnoy na 'to at paano nila nagawa yun??? Hindi na ako pwedeng magaksaya ng oras—kailangan ko na talagang makausap si Dr. G at malinawan sa mga nangyayari.

Agad kong binilisan ang mga hakbang ko at mas tinalasan ko pa ang pakiramdam ko. Hindi na ako pwedeng magpadalos-dalos sa mga action ko dahil kapag may naulit nanaman na ganitong bagay ay hindi ko na alam kung makaka-survive pa ako o magtatapos na ang aklat ng buhay ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad nang may marinig akong putok ng baril ilang metro ang layo sakin—agad kong nilabas yung monocular ko at hinanap ko kung saan nanggaling ang mga putok.

Nang makita ko kung saan nagmumula yung mga putok ay lumapit ako ng konti para malaman ko kung ano yun.

Nakita ko may grupo ng mga tao, mga apat sila na nakikipagbakbakan sa mga zombie sa paligid. Napakabilis at napaka-organized nilang gumalaw—well oiled machine—isang sniper, dalawang close combat at isang assult rifler, pero kahit na ganon kaganda ang grupo nila e parang may kulang sa grupo nila... Kulang sila ng isang tactician at leader.

Kahit na ganoon ay isa-isang bumabagsak ang mga zombie na lumalapit sa kanila.

Dahil sa tunog ng baril ay na-attract din yung ibang zombie mula sa iba't-ibang lugar at sumugod papunta sa kanila—halo-halo ang mga zombie na sumugod papunta sa direksyon nila: may mga shufflers at sprinters, pero lahat ng sumugod sa kanila ay bumabagsak. Parang mga lamok sa paligid ng katol.

Sa kainitan ng laban ay binaril nang isa sa kanila yung abnoy na bumubuga ng hamog. Pagbagsak ng abnoy ay may nakarinig ako ng boses na parang nagaaway o nagsasagutan.

"Diba pinagusapan na natin na wag na wag mong babarilin yung mga abnoy na yan!?"

"Kasi naman feeling ko anytime aatake sila e!"

"Lagi mong tatandaan yung sinabi satin ni Sam. Everytime na merong zombie na kakaiba ang galaw e mas mabuting iwasan natin sila kaysa makipagsapalaran tayo sa buhay natin."

Ha? Tama ba yung narinig ko? Binanggit niya yung pangalan ko? At alam nila yung term na abnoy... E ang pinagsabihan ko lang naman ng mga classification ko ng zombie ay si Mich, si Gerald—

Unti-unting nawala yung hamog sa paligid pagkabagsak nang abnoy—nang lumiwanag na ang paligid ay hindi ko mapigilan ang lumuha at napatakbo na lang ako paputa sa kanila.

"MGA BOBO!!! Bakit niyo ko sinundan! Aydana naman! —namiss ko kayo! JUN!!! ANGEL!!!"

Zombie nga diba!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon