XII: Sa Wakas!

284 16 6
                                    

Sa lalim ng gabi ay pinagaralan naming mabuti ang lahat ng pwede naming pagaaralan tungkol sa sitwasyon.

1. Napapaligiran ng hamog ang buong paligid ang lugar. Malaki ang chance na ang buong radius ng Malacaniang ay napapalibutan ng hamog.

2. Ang source ng hamog ay ang mga zombie abnoy na nakakalat sa paligid. Hindi nakakalason ang hamog na nilalabas nila at hindi sila umaatake.

3. Madami ang nakakalat na zombie sa paligid. Safe to say na 1:8 ang ratio ng sprinter sa shuffler.

4. Sa grupo namin ay may tatlong melee attacker isang rifler at isang sniper. Mas malaki ang visibility namin sa area kaya mas mabilis kaming makakapunta sa harap ng Malacaniang kung walang kakaibang mangyayari.

Ito ang kasalukuyang status ng sitwasyon na meron kami at mula dito ay nag-formulate kami ng plano.

Susundan pa rin namin ang ruta na plinano ko gamit ang Jose Laurel papuntang Malacaniang—gagamit kami ng V-formation para sa movement kung saan ako ang nasa gitna sa kaliwa ko ay si Emily at Jun, at sa kanan ko naman si Mark at Angel. Ang point ng formation na to ay para maprotektahan namin ang mga may baril (Mark at Emily) at mas malawak ang sakop ng nakikita namin.

Gagamit naman kami ng X-formation sa mga posibleng mass encounter kung saan si Emily (Sniper) ang nasa gitna at kaming apat ang poprotekta sa kanya sa mga papasugod sa kanya.

Kapag kailangan namin ng long distance clearing ng mga zombie ay gagamit naman kami ng Cross-formation kung saan ang harap na dulo ng cross ay Emily, sa gina ay ako, sa likod na dulo ay si Mark at si Jun at Angel ang sa magkabilang side.

Pagsikat ng araw ay agad kaming tumuloy sa Jose Laurel.

"Guys tandaan niyo, walang magpapaputok hanggat wala akong sinasabi. As much as possible ay iiwasan natin ang mass encounter. Stick to the plan."

"Yes!" sabay-sabay nilang sagot.

"Ah Sam, nakapag-isip na kami ng pangalan ng grupo natin! —Zombie Haters Club! ZHC!"

"Tinulungan ko si Jun na isipin yan" sabi ni Angel

"Mukhang okay naman yung tunog ng ZHC" sabi ni Mark.

"$*@*&*%#@@(Sign Language)" senyas ni Emily

"Magiisip ka na lang ng pangalan, nakakapandiri pa—ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi natin kailangan ng pangalan sa grupo. At tsaka kung gagawa na lang din tayo ng pangalan yun sanang astig namang pakinggan. Paano kung—"

"Okay! Sam, Angelko, Mark, Emily mula ngayong araw na 'to ZHC na ang tawag sa grupo natin! Zombie Haters Club!"

"ZHC!" sabay-sabay sa sabi ni Jun, Angel at Mark.

"Hay... Hopeless! —okay guys lets move out! V-formation!"

Mabilis naming natahak ang daan papuntang Jose Laurel at doon ko rin na-prove na tama ang speculation Number 1-3 kaya mas naging mabilis ang pagpunta namin sa corner ng Jose Laurel.

Pagdating namin sa may corner ay agad naming nakita na may nakabarikadang mga kotse sa harapan namin at mga zombie sa kabilang side ng barikada.

"Sam, madaming zombie sa kabilang side, anong gagawin natin?"

"Okay, Emily ikaw nang bahala—Cross-Formation—kailangan mo lang bawasan yung dami ng zombie para mabawasan yung risk."

Isa-isang pinatumba ni Emily mula sa kinatatayuan namin ang mga zombie 100+ meters away—ibang klase ang skills ng babeng 'to. Kahit isang mintis wala. Walang naaaksayang bala sa sniper niya!

Zombie nga diba!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon