KISS 8
(Xiang Qin's POV)
Ilang araw rin akong namalagi sa hospital. At ngayon, pauwi na rin kami sa bahay. Buhat-buhat ko si Zheng Chen, hindi kasi natigil sa pag-iyak. Mas mahirap pala ito sa inaakala ko. Ang pagpapatahan sa anak ko. Pero bilang mama, kailangan kong gampanan ang role ko kahit gaano pa man kahirap. Si Zhi Shu ang nagdadrive nang kotse, at na kay mama naman si Yi Chen. Tuwang-tuwa talaga si mama dahil may dumagdag na naman na babae sa amin. Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Nakasalubong na sa amin sila Papa.
"Yay! Welcome back!"
"Papa, huwag muna kayo magpasabog ng confetti, baka magising na naman si Zheng Chen. Ang hirap nitong patahanin."
"Aiyo... isa ka na talagang mama, anak."
"Halika na sa loob, naihanda na namin ang crib nung dalawa..."
Dumiretso kami sa kwarto nang mga anak ko, at nagulat ako sa nakita ko. Grabe! Inayos na ulit nila ang kwarto. Kung dati ay iisa lang ang crib, ngayon, dalawa na. At yung tent, pinalawak pa nila. Ang dami na rin mga stuffed toys. Wow! Mga anak oh, tingnan niyo ang kwarto niyo. Ang ganda diba? Inilapag ko na si Zheng Chen sa crib niya. Mabuti na lang at nakatulog na siya. Inilapag na rin ni Mama si Yi Chen sa crib nito.
"Xiang Qin, nagustuhan mo ba?" tanong sa akin ni mama.
"Opo, Mama. Ang ganda po. Salamat po..."
"Kung dito lang kayo magkukwentuhan baka magising yung kambal. Sigurado akong mahihirapan na rin kayong patahimikin yan." Napatingin kami kay Zhi Shu.
"Aiyo..."
"Pinapatawag na kayo nila papa, naghanda siya nang merienda."
Lumabas na kami nang kwarto. Panibagong pagsubok ito para sa akin. Well, ako si Yuan Xiang Qin! Kahit ano pa mang problema yan, lahat kakayanin ko.
Bumalik na si Zhi Shu sa pagtatrabaho niya, samantalang ako, ito nag-aalaga sa mga cute naming anak. Sa una, mahirap magbantay sa kanila. Lalo na kay Zheng Chen, palagi kasing naiyak. Si Yi Chen naman minsan lang naiyak. Kaya lang pagminsan di rin maiwasan na sabay silang naiyak. Mabuti na lang at kahit papaano at tinutulungan ako ni Mama sa pag-aalaga sa dalawa. Akala ko, ang pagbubuntis lang ang mahirap. Pati rin pala ang pag-aalaga nang bata. Nasa azotea kami ngayon, buhat-buhat ko si Yi Chen...
"Xiang Qin!" biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Qiu Xian..." lumapit sa akin si Qiu Xian. "Buti napadalaw ka. Maupo ka."
"Sinadya ko talagang dumaan dito. Ito oh... nagluto ako nang brownies."
"Talaga? Dumaan ka lang dito para bigyan ako nang brownies?"
"Qiu Xian... magjuice ka muna." Nagdala si mama nang juice.
"Salamat, Tita." Nilabas niya yung mga brownies na ginawa niya.
"Waaahh! Mukhang masarap yan ah!" tuwa naming sabi ni mama.
"Ahm... oo nga pala, dumaan lang talaga ako dito para ibigay yan, at para sabihin sa'yo na, last day na nang intern ko ngayon."
"Talaga??"
Tumango siya. "Kaya ayan, balita ko kasi next month ka pa pwedeng magtrabaho ehh. Kaya dinalaw na kita. At isa pa, gusto ko rin makita ang mga anak mo."
"Ehh-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla kong narinig na umiyak si Zheng Chen. Ibinigay ko muna si Yi Chen kay mama, at saka ko siya pinuntahan. Pagbalik ko ay sinalubong din ako ni Qiu Xian.
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...