Kiss 15:
(Xiang Qin's POV)
Pumunta kami ni Zhi Shu sa opthalmologist ko. At ito, kausap pa niya yung doctor habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko na kasi yung eyeglass ko. Pinilit ako ni Zhi Shu na magpasalamin. At wow! Dahil kahit papaano ay malinaw yung paningin ko. Hindi katulad nitong mga nakaraang araw.
"Ano, ayos ba?" Tanong sa akin ni Zhi Shu pagkalabas niya sa office.
"Oo. Ang ganda. Ang linaw!" Ngiti kong sabi.
"Mabuti kung ganun. Tara na."
Nagpaalam na kami sa doctor at umalis na kami.
"Uuwi na ba tayo?" Muli kong tanong sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin siya sa kalangitan.
"Mukhang maganda ang panahon ngayon para umuwi agad." Saad niya.
"Hah?" Hindi ko masyadong maintindihan yung sinabi niya. Humarap siya sa akin.
"Minsan lang tayong dalawa na lumabas. Bakit hindi na natin sulitin?" Ngiti niyang sabi.
"Eh??" Hindi ko talaga siya maintindihan. Pero bigla niyang hinawakan kamay ko.
"Tara."
Hinila na ako ni Zhi Shu. Hindi ko alam kung saan kami papunta, nakafocus lang ako sa kamay naming dalawa. Magkaholding hands kami ni Zhi Shu habang naglalakad. Bigla kong naalala yung first time na magkaholding hands kami, tandang-tanda ko pa yung tinatakasan namin yung gangster na nakabangga namin. Yun din yung araw na yun ang first date namin. *tsup* Nagulat ako kasi bigla niya akong hinalikan.
"Ano na naman ba yang iniisip mo? Kanina pa ako salita ng salita dito di ka nakikinig."
"Hah? Tu-tungkol saan?"
"Sabi ko nagugutom ako, saan mo gustong kumain?"
"Ah! Ahm..." Nagpalinga-linga ako sa paligid ko at nagulat ako dahil hindi ko alam kung nasaan kami.
"Na saan pala tayo?""Aist. Kahit kailan ka talaga." Bigla niyang pinisil yung dalawang pisngi ko.
"Paano mo nagagawang maglakad habang lumilipad yang isip mo?""Ah! Zhi Shu---!" Hinawakan ko yung dalawang pisngi ko tapos tumalikod ako sa kanya. Ang sakit eh. Tapos may isang restaurant akong nakita. Yun yung restaurant na nakikita ko sa TV na palaging pinupuntahan ng mga tao.
"Zhi Shu! Dun tayo kumain." Humarap ulit ako sa kanya. Tapos bigla siyang napatawa. Hindi ko naman alam kung bakit."Tara na, gutom na ako ehh." Hinawakan niya ulit kamay ko tapos naglakad na kami papunta sa restaurant na tinuro ko sa kanya.
Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung bakit kinikilig ako.
(Hao Mei's POV)
Ilang araw na ang lumilipas simula nung umalis ako sa bahay nila Yu Shu at dito muna ako tumira sa tinitirhan ni Jun Ya. Tuwang-tuwa rin si Jun Ya nung nalaman niyang dito muna ako sa kanya, kasi ang totoo nan simula nung nangyari yung insidente sa pamilya ko palagi akong sinasabihan ni Jun Ya na dun muna ako tumira sa flat niya. Kaya ito, magkasama kami. Pero simula na rin nung araw na yun, hindi pa rin ako kinakausap ni Yu Shu. Nagalit siya sa akin. Hindi ko rin naman alam kung bakit. Ganun na ba ka-bigdeal sa kanya ang paglipat ko sa bahay ni Jun Ya? Haay... ano na kaya ang gagawin ko?
"Ate Hao Mei, tapos na po." Lumapit na sa akin si Jun Ya. Naandito pala kami sa dating school nila Yu Shu. Sinamahan ko kasi siyang magpaenrol.
"Tara na. Nagtext sa akin si Tita na daan tayo sa kanila bago tayo umuwi. Birthday raw ng papa ni Ate Xiang Qin."
"Hmm. Okay. Bili tayong cake."
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...