Kiss 43:
(Jun Ya POV)
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday~ our dear Ya'er! Happy birthday to you!"
May bitbit sina Papa at Mama ngayon na isang cake na may nakalagay na isang number 8 na candle habang kumakanta ng 'Happy Birthday'. Nakapangprincess akong damit, ipinagdiriwang namin ang ikawalo kong kaarawan.
"Sige na anak, make a wish!" Tuwang sabi nila sa akin.
Ipinagdikit ko ang dalawa kong palad st saka ko ipinikit ang mga mata ko.
"Sana po, araw araw birthday ko, para palagi po kaming may cake!" Wika ko tapos hinipan ko na yung candle.
Tumawa lang sila sa akin, ipinatong na nila yung cake sa lamesa at saka ako binuhat ni Papa.
"Ibig sabihin ayaw mong tumanggap ng regalo? Sayang naman itong nabili naming gift para sa'yo, ang gust mo pala ay cake."
"May regalo po kayo sa akin?" Nanlaki ang mga mata ko. May kinuha si Mama na isang box.
"Happy birthday, anak!"
Kinuha ko yung box, tinanggal ko ang pagkakawrap nito at lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Waaaaa!! Kero chan!!" Inilabas ko ito at niyakap.
"Nagustuhan mo ba anak?"
"Opo!!" Niyakap ko si Mama at si Papa at nagpasalamat sa kanila.
"Hala hala, sige, kainin na natin yung cake mo." Ipinuwesto na ako ni Papa sa upuan ko. Hinati na ni Papa yung cake at binigyan niya ako. "Our Princess, eatwell!"
Tapos nagulat ako dahil bigla akong pinahiran ni Papa ng icing sa ilong ko.
"Papa!" Itinabi ko si Kero Chan.
Ganun din ang ginawa ko. Naghabulan kami nila Papa at Mama sa buong kusina habang nagpapahiran ng icing. Masayang masaya kami sa ginagawa namin, at kung ako lang ang papapiliin ay ayaw ko ng matapos ang araw na ito. Pagkatapos naming maghabulan ay umupo na lang si Papa sa sofa at sabi niya suko na siya habang hinahabol niya ang hininga niya. Tumakbo ako sa kwarto at may kinuha ako tapos bumalik ulit sa sofa.
"Ya'er, ano yang ginagawa mo?"
"Papa, gumagawa po ng kwentas... ay! Nasira..." Malungkot kong sabi. Narinig ko lang na tumawa si Papa.
"Ayos lang yan, anak. Gawa ka na lang ulit ng bago. The harder you work, the luckier you are. Malay mo mas maganda pa ang magagawa mong bago." Nakangiting sabi niya sa akin. Hanggang sa natumba na lang siya habang nakahawak siya sa puso niya.
"Papa!!"
Naputol ang masaya naming gabi dahil bigla na lang natumba si Papa. Sa sobrang takot ko ay natulala na lang ako. Ngayon ko lang nakita si Papa na nahimatay. Ni halos hindi ko na napansin kung ano ang ginawa ni Mama. Napansin ko na lang noong nasa hospital na kami, at hawak hawak na ako ni Mama.
Dinala na nila si Papa sa isang kwarto at sinabi sa akin ng Mama ko na ayos na raw si Papa pero kailangan pa nitong mamalagi sa hospital. Muling inilipat si Papa sa isang kwarto at sa kwartong iyon marami siyang kasama. Hindi ko na maalala kung ilan sila sa kwartong iyon.
Mabilis dumaan ang araw, palagi naming dinadalaw si Papa sa hospital. Sa tuwing dinadalaw namin siya hindi bakas sa mukha niya na nahihirapan na siya. Palagi pa rin niya ako pinapatawa at pinapasaya.
"Papa, kapag nakalabas ka po rito punta tayong aqua park!" Katabi ko ngayon si Papa. Nanunuod kasi kami ng Finding Nemo, ehh natuwa ako, kaya nagustuhan kong pumunta sa aqua park.
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...